Carlo Aquino, afraid Charlie Dizon will refuse to kiss him at their wedding.Carlo reveals the reason for being..

Carlo Aquino, natakot ‘di siputin ni Charlie Dizon noong kasal nila

Carlo Aquino, natakot 'di siputin ni Charlie Dizon noong kasal nila

Inamin ng aktor na si Carlo Aquino na nakaramdam daw siya ng takot na baka hindi siya siputin ng misis niyang si Charlie Dizon noong kasal nilang dalawa.

Sa latest episode ng vlog ni Diamond Star Maricel Soriano noong Sabado, Disyembre 28, sinabi ni Carlo kung bakit pumasok sa isip niyang ipagpapaliban ni Charlie ang kanilang pag-iisang-dibdib.

“Before the wedding nanalo si Charlie ng Best Actress sa Urian. Tapos the next day ikinasal kami. Mine-message ko nga siya that night, e, kasi nando’n siya sa awards night,” saad ni Carlo.

Dagdag pa niya, “Sabi ko, tutuloy ka ba dito sa kasal? Siyempre natatakot. Ako, nando’n na ako sa venue. Baka ‘di ako siputin ng misis ko. Sinipot naman ako.”

 
Matatandaang nasungkit ni Charlie ang naturang parangal dahil sa kaniyang natatanging pagganap sa pelikula nila ni Carlo na “Third World Romance

Ginanap ang secret wedding ng celebrity couple noong Hunyo 9 sa isang private resort sa Silang, Cavite.

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2025 News