Breaking News: SP Chiz cursed former Pres. Duterte at the Senate hearing, causing a stir./hi - News

Breaking News: SP Chiz cursed former Pres. Duterte...

Breaking News: SP Chiz cursed former Pres. Duterte at the Senate hearing, causing a stir./hi

SP Chiz sa pagmumura si Ex-Pres. Duterte sa Senate hearing: ‘Hindi okay ‘yon ha!’

SP Chiz sa pagmumura si Ex-Pres. Duterte sa Senate hearing: ‘Hindi okay ‘yon ha!’

Pinuri ni Senate President Chiz Escudero ang naging pagsita ni Senador Risa Hontiveros sa mga pagmumura ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee nitong Lunes, Oktubre 28, dahil wala raw lugar ang naturang mga salita sa Senado

.

“Magandang pinoint out ni Senator Risa na OA ‘yong pagmumura at walang lugar ‘yan dito sa Senado. Sang-ayon ako doon,” ani Escudero sa Kapihan sa Senado nitong Martes, Oktubre 28.

 

Binanggit din ng Senate president ang paliwanag ng dating pangulo hinggil sa kaniyang pagmumura na “nagkukuwento lamang siya, at ang kinuwento niya ay nagmumura siya noon.”

 

“Hindi yata totoo ‘yon sa lahat ng mga pagmumurang ginawa niya,” giit ni Escudero.

 

“Magandang na-point out ‘yon ni Senator Risa dahil ayaw kong mamanhid ang Senado o ang lipunan o tayong lahat, na isipin nating okay lang ‘yon. Hindi okay ‘yon ha,” saad pa niya.

 

Matatandaang sa isinagawang pagdinig ng komite hinggil sa war on drugs, ilang beses pinuna ni Hontiveros ang mga pagmumura ng dating pangulo.

 

Humingi naman ng paumanhin si Duterte kay Hontiveros at sinabing “sensitive” ito, na inalmahan din ng senadora.

Related Articles

News 1 year ago

News 𝗔𝗝 𝗥𝗔𝗩𝗔𝗟 𝗕𝗜𝗡𝗨𝗟𝗔𝗕𝗢𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥𝗧𝗔𝗜𝗡𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗪𝗢𝗥𝗟𝗗 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗕𝗔𝗟𝗜𝗞𝗔𝗡 𝗡𝗜𝗡𝗔 𝗞𝗬𝗟𝗜𝗘 𝗣𝗔𝗗𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗔𝗧 𝗔𝗟𝗝𝗨𝗥 𝗔𝗕𝗥𝗘𝗡𝗜𝗖𝗔/hi

The showbiz world was shocked when the news of Kylie Padilla and Aljur Abrenica getting…