Nora Aunor describes her feelings shooting a scene with ex-husband Christopher de Leon for the first time since 1986: “Pareho din.”

But their son, Ian de Leon, was thrilled about the unexpected “family reunion.”

Sa unang pagkakataon, kahapon ng umaga, ay kinunan nina Direk Mario O’Hara (right), at katuwang na direktor, Jon Red, ang eksenang magkasama si Nora Aunor (left) at Christopher de Leon. Kinabahan ba si Nora sa muli nilang paghaharap ni Boyet? “Bakit naman?” she says smiling. “Kayo talaga… parang bago nang bago… eksena lang naman yun. Mas hindi ko ini-expect ang reaksiyon ni Ian [Nora’s son with Boyet]… tuwang-tuwa siya, kasi matagal din ka

Maganda ang mood ni Nora Aunor kahapon, September 2, sa set ng Sa Ngalan Ng Ina, a TV5 mini-serye, na ang location ng taping ay sa kabayanan o town poblacion ng Taal, Batangas.

Muling binisita ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang nasabing location.

Huling araw na ng taping ng TV5 people (cast and technical staff/crew) kahapo, sa nasabing location.

Halos kumpleto na ang pilot week ng Sa Ngalan ng Ina, which was shot in the last two weeks.

May mga maliliit na scenes at isang malaking political rally scene na hindi nakunan last August 31 dahil sa malakas at hindi tumigil na pag-ulan sa open-air basketball court at gitnang stage.

Meanwhile, ang mga susunod na linggo ng serye ay mostly interior scenes, na napag-alaman din ng PEP na posibleng dito na sa Manila at karatig-lungsod kukunan.

Sa unang pagkakataon, kahapon ng umaga, ay kinunan nga nina Direk Mario O’Hara, at katuwang na direktor, Jon Red, ang eksenang magkasama si Nora at Christopher de Leon.

Ang iba pang kasama ay sina Rosanna Roces, Eugene Domingo, at mga young actors ng Kapatid network na sina Edgar Allan Guzman, Nadine Samonte, Joross Gamboa, Eula Caballero, at Alwyn Uytingco.

Kasali rin sa cast members na nakunan ng eksena sina Karel Marquez at Jay Aquitania, veteran character actors Racquel Villavicencio and Leo Rialp.

Pero agaw-pansin sa lahat ng nakapanood ang madamdaming eksena ng estranged couple, Nora and Boyet, sa malaking simbahan sa Taal.

Unang-unang nagri-rave hinggil sa eksena nina Nora at Boyet ang tunay na anak nilang si si Ian de Leon.

Muling magtagpo sina Nora at Christopher (former lovers sa mini-serye), sa burol ng gumaganap na asawang pulitiko ni Ate Guy na si Bembol Roco (bilang Alkalde ng bayan) na nadamay sa pambobombang ginawa ng mga kalabang pulitiko.

Ano ba ang naramdaman ni Ate Guy sa unang eksenang ginawa, with Boyet, after a long time?

Pareho din,” simpleng sabi ni Nora.

“Seryoso naman ‘yon, e. Drama naman yung eksena…”

Kinabahan ba si Nora sa muli nilang paghaharap ni “Papa” Boyet?

“Bakit naman?” nangiti si Nora.

“Kayo talaga… parang bago nang bago… eksena lang naman yun. Mas hindi ko ini-expect ang reaksiyon ni Ian… Tuwang-tuwa siya, kasi matagal din kaming hindi nagkatrabahong tatlo.”

The last time the three of them worked together was in 1986. They appeared in I Love You, Mama… I Love You, Papa, directed by Maryo J. delos Reyes (for Regal Entertainment), and Halimaw (“Komiks” episode), a Metro Manila Film Festival (MMFF). The latter was an entry for Nora’s own outfit, NCV Productions, Inc. and directed by Christopher.

“DIREK” IAN. During the dinner break, kung saan magkasamang nagpahinga at kumain sina Nora at Ian sa tent nila, panay rin ang kantiyaw ni Ian at ng personal manager ni Ate Guy na si Boy Palma sa aktres.

Pati ang kaibigan ni Nora from the States, whom Nora simply calls Manay Glenda, ay parang teenager na animo’y “kinikilig” sa nasaksihan niyang eksena ng Nora-Boyet tandem.

Nang mag-drop by sa tent ng mag-ina si Boyet, during the dinner break, para magpaalam matapos ang lahat niyang eksena, ay nakatuon ang pansin ng lahat sa ex-couple, who relate to each other very well after all these years.

Binibiro naman si Ate Guy ng kanyang personal manager na si Kuya Boy sa pamamagitan ng pag-awit ng isang ’70s hit tune, “Betcha By Golly Wow,” na ang mga unang linya ay “There’s a spark of magic in your eyes…”

Para daw nanumbalik ang “pagtitinginan” nina Guy at Boyet, base sa eksena nila na kinunan nang umagang ‘yon.

Natatawa lang si Nora. Hindi siya nagko-comment.

Si Ian, may mga larawang kuha ng mga eksena, sa kanyang iPad.

“Ay, sana, nai-video ko na lang [yung kuha sa rehearsals kanina],” nanghihinayang niyang pagbanggit.

May bagong video camera si Guy na ginagamit ni Ian. Sa taping, kuha nang kuha si Ian ng mga behind-the-scenes.

“Mahilig talaga [ang anak kong] ‘yan, at ang gaganda ng mga kuha niya; napanood ko noon.

“Puwedeng maging direktor kung seseryosohin,” sabi naman ni Ate Guy.

“Gusto nga ni Mommy, gawa daw kami ng movie, e. Siya ang artista,” seryosong nabanggit uli ni Ian.

“Siguro, dapat mag-workshop ako para mas maganda ang magawa ko.”

Masaya si Ian sa buong maghapong taping, at hanggang gabi, tulad din ng mommy niya. O dahil kaya parang may “reunion” bigla silang tatlo nina Guy at Boyet?

“Sana laging may project, na puwede kaming magsama,” wish lang ni Ian.

RELIVING SUPERSTAR DAYS. Malaking bahagi rin ng PEP interview with Nora ang tungkol sa naging paghu-host niya ng musical-variety show na sinubaybayan ng publiko sa loob ng mahigit na dalawang dekada, ang Superstar.

Mula 1968 hanggang 1989 nag-air ang programa.

“Dun ako nag-stay [talaga nang mahabang panahon]…” pagtukoy ni Guy. “Du’n lumabas ito [si Ian] noon.”

Natatandaan ni Ian, yung una raw niyang guesting sa Superstar, during the early ’80s, “Ang kinanta ko, ‘I Saw Mommy Kissing Santa Claus,'” na straight na straight ang katawan niya habang kumakanta.

“Si Matet [naman], nung bata pa, ikot nang ikot [sa studio], lakad nang lakad,” Guy recalled.

She continued, “Gusto ko yung [show], kasi, unang-una… biro mo, Superstar na ‘yan, ang talent fee ko diyan, [una] P25,000.

“Dati kasi, Nora-Eddie Show ‘yan, e,” banggit pa niya.

Kapapanalo lang ni Guy sa Tawag ng Tanghalan in 1967 at nagsisimula nang sumikat bilang singer nang simulan ang programa ng KBS (Kanlaon Broadcasting Studios) sa Pasay City.

Co-host ni Nora sa programang yun ang yumaong ’70s balladeer na si Eddie Peregrina.

“Nung namatay si Edo [palayaw ni Peregrina], naging Nora Aunor Show. Ganu’n pa rin ang talent fee ko nun, hindi tumaas.

“E, dumami na yung mga nanonood, hindi na magkasya yung mga tao [sa loob ng studio] — sa Pasay pa noon.

“Tinaasan naman ako [ng talent fee], mga trenta (P30,000).

“Tapos, yung mga taong nanonood [ng live studio coverage], umaabot na hanggang kalsada, talagang dumami na.”

At about that time, binabansagan na si Nora, bilang “superstar” dahil sa kanyang sinasabing “phenomenal” rise to fame.

Mula sa loob ng studio, “Kailangan nang lumabas yung show namin, kasi hindi na kaya sa loob ng studio,” pagri-recall pa ni Ate Guy.

“Nung talagang grabe na yung nakita nila, tinawag nang Superstar [ang show],” sabi pa ni Nora.

That was in 1970. Ang nasa likod ng programa, sa pagsisimula nito, ay ang prodyuser na si Ms. Kitchie Benedicto.

FROM KBS TO BROADCAST CITY. Sa dami ng audience — hindi mahulugan ng karayom ang dumaragsa sa maliit na KBS studio sa Pasay City tuwing may show ang Superstar — ay nangailangan ang istasyon ng mas malaking venue.

“Ni hindi nga ako nakakapag-show, [o] nakakakanta nu’n, e,” sabi pa ni Nora.

Para makaiwas sa pag-mob ng mga fans, at aksidenteng maaaring maging resulta, sabi ni Nora, “Itatago na nila ako hanggang matapos yung show. Lalabas ako sa huli na lang. Pauwi na ako no’n.”

Mula KBS Studios sa Pasay nagkaroon ng mas malaking tahanan ang Superstar, also in the early ’70s, sa may Tandang Sora in Quezon City.

Dito nagtayo ng malalaking studio facilities ang KBS Channel 9, na naging Radio Philippines Network o RPN-9.

Bukod sa Superstar ni Ate Guy, banner shows din ng network, for the longest time, ang sitcom na John En Marsha nina Dolphy at pinaslang na actress-comedienne, Nida Blanca, kung saan nagsimula din ang child actress na si Maricel Soriano.

Sa RPN-9 din nagsimula si Janice de Belen at ang teleseryeng maituturing na isa sa mga pinagmulan ng pagkahilig ng manonood na Pinoy sa mga soap operas, ang Flor de Luna na tumakbo ng kung ilang taon, hanggang mag-dalaga na si Janice (at mapalitan din ng ibang “Flor”).

Pero si Nora, bilang Superstar host ay nanatili. Naideklara ang Martial Law ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, in 1972, pero tanging ang programa niya ang hindi inalis sa ere.

Nang mapatalsik sa posisyon si Pangulong Marcos, sa pamamagitan ng EDSA People Power Revolution, hindi pa rin nawala ang Superstar, pero na-sequester ng Cory Aquino government ang Broadcast City, na dalawang istasyon ang nag-o-operate dito: RPN-9 at IBC-13.

Nananatiling sequestered ang mga naturang istasyon at kumpanya sa pagsasahimpapawid.

Kaya naapektuhan ang Superstar show ni Nora sa mga unang taon ng pagkaka-sequester na ‘yon.

THE END. In mid-1989, nagsimula ang usap-usapang mawawala na ang — noon at hanggang ngayo’y — “longest-running musical-variety show,” ang Superstar.

Nakipag-meeting daw si Nora sa RPN-9 management, then headed by Mr. Dennis Cabalfin.

“Ang sinabi sa akin, ‘Mawawala na ang lahat, pero ang Superstar, hindi,” pagre-recall pa ni Ate Guy.

“Pinanghawakan ko yun. Sabi ko, ‘Sino ang kasamang nag-umpisa ng Channel 9?’ Yun lang ang tanong ko.

“Nung nag-umpisa ang Channel 9. Sino ang ipinanlaban ng Channel 9 sa Channel 2?

“Nag-offer sa akin ang Channel 2 ng triple, lumipat lang ako, pero hindi ako pumayag.”

But Channel 2 then was under Banahaw Broadcasting Company (BBC), which is different from the Lopez-owned ABS-CBN na pinatigil ng gobyerno ni Marcos ang operasyon nu’ng mai-deklara ang Martial Law.

“Ang loyalty ko noon sa Channel 9,” sabi pa rin ni Guy.

“Sa Superstar… diyan na ako nagka-asawa, diyan na ako nagka-anak. Ilang taon ako diyan? Twenty years, non-stop!

“Nais ng management, at that critical time, na magkaroon ng pagbabago sa mga shows at time slot ng RPN-9.

“Kasi noon, may La Aunor [the long-running monthly drama special, Ang Makulay Na Daigdig Ni Nora]. Tapos, weekly nga yung Superstar…”

“Sabi niya [Dennis Cabalfin], ‘E, kung gawin nating once a month ang Superstar, at weekly ang drama, La Aunor?’

“Sabi ko, ‘Hindi na ho… ‘wag na.’ Hindi na ako pumayag. ‘Alisin n’yo nang lahat…'”

Ngayon, natatawa si Nora pag naiisip ang pangyayari.

“Nung umuwi ako, sabi ko, ‘Nagkamali yata ako ng sagot…’ Kasi yun ang naisagot ko.

“Kasi, binaligtad lang nila, e,” na-realize ni Ate Guy.

“Dati, once a month yung drama anthology [at weekly ang Superstar]. Binaligtad lang ang schedule.

“Mali yata ako ng desisyon; pinairal ko na naman yata [ang] pride ko… sama ng loob, lahat,” pagtatapat ni Ate Guy.

SUPERSTAR BEYOND TIME. Wala ring pagsisisi sa kalooban ni Nora dahil sa nabatid na katotohanan hinggil sa kalakaran.

“Kasi, alam ko, e, pagbibigyan nila ako, pero gagawan din nila ng paraan na mawawala ‘yon. Kasi, gusto nila yung time na ‘yon, e,” sabi niya.

Primetime Sundays, 7:30 to 9:30 p.m. ang time slot ng Superstar.

Nag-last telecast ang Superstar noong October 1, 1989.

A few months later, nagkaroon ng pagpapatuloy ang programa, under a new title, The Legend… Superstar!, telecast on IBC-13. Pero hindi ito tumagal ng mahigit sa dalawang taon.

In the mid-’90s nagdesisyon si Nora Aunor na siyang mag-produce ng monthly musical special, ang Superstar Beyond Time, also on RPN-9, na well-received ng televiewers at ng advertisers.

It aired for more than a year, until the singer-actress decided to do more shows and concerts abroad.

“May mga nai-tape pa nga kami nu’n [SBT] na hindi namin nai-ere,” sabi pa ni Guy, habang pina-plano naman ngayon ang kanyang pagpapagamot para mapanumbalik ang kanyang [pansamantalang] nawalang singing voice.

Meanwhile, tulad din noong heyday ng kanyang pagiging superstar-actress, Nora is in her element sa ginagawang pagda-drama para sa telebisyon, sa pamamagitan ng malapit nang isahimpapawid ngayong October 2011, ang Sa Ngalan Ng Ina para sa TV5.