Una nang kumalat noon ang balitang tinangghihan umano ng TV network na TV5 ang alok ni Vice Ganda na magkroon ng programa rito dahil umano sa laki ng talent fee na hinihingi ng komedyante. Ngunit, ayon mismo kay Vice ay hindi umano totoo ang naturang balita.
Matapos nito, isang mas malalang isu naman ang lumitaw na mayroon pa ring kaugnayan sa naunang kumalat na isyu tungkol kay Vice at sa TV5. Dito, maging si Coco Martin ay hindi rin umano makakatanggap ng anumang alok mula sa TV5.
Sa nangyari kasing pagsasara ng Kapamilya network, inaasahan ng marami na sa TV5 umano gagawa si Vice ng bagong programa habang ang programang ‘Ang Probinsyano’ naman ni Coco ay ililipat din sa TV5 upang mas mapanood pa rin ng marami.
Ayon sa naturang isyu, marahil ay dahil sa laki umano ng talent fee ng dalawa ay wala umanong alok o planong alukin ng TV5 ang dalawang malalaking artista para lamang lumipat sa kanila.
Ngunit, ayon sa inilabas na pahayag ng batikang host na si Lolit Solis sa Instagram, hindi rin umano totoo ang naturang balita. Sa kanyang pahayag, ayon umano kay Perci Intalan na siyang namamahala sa programming ng TV5, hindi umano totoo ang naturang isyu na wala silang planong alukin sina Vice at Coco.
Dagdag pa ni Lolit, hindi raw totoo ang naturang isyu sapagkat para umano itong isang malaking sampal sa dalawang artista na umano’y tinanggihang alukin ng TV5.
Ayon kay Lolit, taliwas sa naturang isyu ay bukas na bukas umano ang TV5 para sa mga artista na gustong lumipat o makipag-ugnayan sa kanila, kahit na ito pa ay ang malalaking bituin na sina Coco at Vice.
Wala raw katotohanan ang naturang isyu dahil bukas naman umano ang istasyon na magbigay ng programa sa sinumang mga artista na gustong pumasok sa kanilang istasyon. Ani pa nga ni Lolit,
“The ballcourt is open sa gusto pumasok.”
Marami naman ang naniniwala sa pahayag na ito ni Lolit na hindi totoo ang naturang isyu. Ayon pa ng ilan, kung gugustuhin daw kasi nina Vice at Coco na lumipat ng TV network, hindi lamang daw TV5 ang network na pwede nilang lipatan.
Heto ang naging buong pahayag ni Lolit na inilabas nito sa Instagram:
“Nakakaloka naman na sinabi ng TV5 na wala silang alok kay Coco Martin at Vice Ganda, Salve. Kalat na kalat kasi nuon una na baka sa TV5 gumawa ng bagong programa si Vice Ganda, at iyon Probinsiyano daw baka mapanuod sa Cignal, pero heto, pinabulaan ni Perci Intalan na siyang namamahala ng programming ng TV5.
“Parang isang malaking sampal naman na nasabi na walang alok ang istasyon sa 2 Kapamilya stars, para siguro mahinto na iyon kumakalat na balita na inalok at tinanggihan daw ang alok. So klaro, walang alok , at walang balak alukin.
“Pero ang tutoo, wide open sila para sa gusto pumasok sa bakuran nila, at gaya ng pagla line produce ni Tony Tuveira sa TV5, puwede sila igawa ng prgram ni Papa T.
“The ballcourt is open sa gusto pumasok. #classiclolita #takeitperminutemeganun #73naako #pilipinostarngayonshowbiz”