KimXi at iba pa, nakapilang umamin sa hiwalayan?!

Pagkatapos nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, Miles Ocampo at Elijah Canlas, inaabangan na kung sino ang aamin at lalantad na hiwalay na rin.
Kabilang sa listahan diumano ng showbiz breakups sina Donny Pangilinan & Belle Mariano; Kim Chiu & Xian Lim; Richard Gutierrez & Sarah Labahti; Liza Soberano & Enrique Gil. Ganundin sina Mavy Legaspi and Kyline Alcantara. Pero sina Mavy at Kyline raw ay maglalabas din ng official statement anytime.
Ang KimXi ay sinasabing matagal-tagal na rin diumanong hiwalay at totohanan na raw ang kina Kim at Paulo Avelino.
Pero sa totoo lang, parang lahat affected sa hiwalayang KathNiel na noon pa maraming nakakaalam sa showbiz na talaga namang wala na sila. Nung time na gawin nila ang 2 Good 2 Be True ramdam na ang coldness nila.
Marami diumanong rason ang naging hiwalayan nila, naipon lang nang naipon.
Heaven, inamin ang tinikman nang mag-debut
Ipinakilala si Heaven Peralejo bilang 2024 Calendar Girl ng Ginebra San Miguel sa isang media launch na ginanap sa The Westin Manila, Mandaluyong City the other night.
Ang inaabangang launch ay parte ng pagdiriwang ng ika-190 taong anibersaryo ng pinakamatagal na gin brand sa Pilipinas, ang Ginebra San Miguel.
Si Heaven ay kilala sa kanyang pagganap sa pelikulang Nanahimik ang Gabi kung saan siya ay nanalo bilang Best Actress sa Asian Academy Creative Awards at nakilala rin sa seryeng The Rain in España.
“Isang magandang milestone sa aking buhay na maging bahagi ng Ginebra San Miguel. Noong ako’y 18 taong gulang, ang gin bilog na may pineapple juice ang aking unang natikman. Kaya para sa akin, ito’y dream come true dahil ang unang na-enjoy ko na inumin ang naging kauna-unahang major endorsement ko,” pag-alala ni Heaven.
Sa temang Philippine Fiesta, ipinakikita ng 2024 na edisyon ng Ginebra San Miguel Calendar si Heaven sa loob ng anim na makukulay na disenyo gamit ang piyesta bilang inspirasyon – Panagbenga, Lantern, Higantes, Pintados, Kadayawan, at Masskara. Ang mga ito ay repleksyon sa masiglang kultura ng mga piyesta sa Pilipinas.
“Bahagi na ng kultura ng pag-inom ng mga Pilipino ang Ginebra, lalo na tuwing may okasyon gaya ng mga piyesta,” ani pa ni Heaven.
Ayon kay GSMI Marketing Manager Ron Molina, ang 2024 Ginebra Calendar ay nagsisilbing simbolo ng pag-asa, pagkakaisa, at ang matibay na paniniwala na may mas magandang kinabukasan na naghihintay.
“Sa pagharap natin sa 2024, inilalarawan namin sa Ginebra ang isang senaryo kung saan ang mga epekto ng pandemya ay malayong alaala na lamang. Naniniwala kami na ang pinakamabisang paraan para magpatuloy sa buhay ay ang pagyakap sa isang kinabukasan na puno ng mga selebrasyon, gaya ng mga masasayang piyesta na natatangi sa ating kultura,” ani Ron.
Ang 2024 edisyon ng kalendaryong ito ay may QR code kung saan pwedeng i-scan ng mga tao gamit ang kanilang mga smartphone para makita ang mga behind-the-scenes video at mga mensahe ni Heaven Peralejo para sa kanyang fans.
Ang Calendar Girl ay isang matagal nang tradisyon at mahalagang bahagi ng kasaysayan ng Ginebra San Miguel.
Ilan sa kanila ay sina Marian Rivera (2009 at 2014), Anne Curtis (2011), Solenn Heussaff (2012), Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach (2019), Sanya Lopez (2020), Christelle Abello (2021), Chie Filomeno (2022), at Yassi Pressman (2023). Sumusunod si Heaven sa yapak ng kanyang tiyahing si Rica Peralejo, na naging Ginebra San Miguel Calendar Girl noong 2002.
News
Nagdulot ng kaguluhan si Matteo Guidicelli sa kanyang ika-35 na kaarawan – Sarah Geronimo beams bago ang malaking anunsyo/hi
On March 26, Matteo Guidicelli officially turned 35 at a cozy yet lavish party. But what made the Philippine showbiz stir was not just the grand birthday celebration, but the shocking announcement he made in front of his family, friends…
News 𝗔𝗝 𝗥𝗔𝗩𝗔𝗟 𝗕𝗜𝗡𝗨𝗟𝗔𝗕𝗢𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥𝗧𝗔𝗜𝗡𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗪𝗢𝗥𝗟𝗗 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗕𝗔𝗟𝗜𝗞𝗔𝗡 𝗡𝗜𝗡𝗔 𝗞𝗬𝗟𝗜𝗘 𝗣𝗔𝗗𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗔𝗧 𝗔𝗟𝗝𝗨𝗥 𝗔𝗕𝗥𝗘𝗡𝗜𝗖𝗔/hi
The showbiz world was shocked when the news of Kylie Padilla and Aljur Abrenica getting back together spread. But more than the public’s surprise, it seemed like a huge emotional blow for AJ Raval. According to a source, AJ could…
Atong Ang Reacts Sa Sexy Looks Nina Sunshine Cruz At Ina Raymundo Sa BENCH Fashion Show 2025! (Panoorin Ngayon)/hi
The **BENCH Fashion Show 2025** catwalk exploded with the charming appearance of two beauties **Sunshine Cruz** and **Ina Raymundo**. Among a series of famous models, the two veteran stars still took the spotlight, making even businessman Atong Ang “freeze” before…
WATCH NOW: Sunshine Cruz and Ina Raymundo Shock with Bold Outfits at BENCH Fashion Show 2024! (video)/hi
The BENCH Fashion Show 2024 event became the center of attention when two famous beauties Sunshine Cruz and Ina Raymundo appeared charmingly on the catwalk. Although they are in their 40s and 50s, both of them still amazed the audience…
SHOCK: Buboy Villar Welcome sa Bagong Bata, Dalawang Anak Sa Angillyn Iniwan? Ano ang Katotohanan?/hi
Actor Buboy Villar once again became the center of discussion when the news of his new child spread across social media. However, what made the public debate was whether his two children with Angillyn Serrano Gorens were really abandoned or…
Aljur Abrenica 35th Birthday❤️Napa-IYAK at Na-SHOCK sa Supresa ni AJ Raval at mga ANAK sa Kanya! (video) /hi
Actor Aljur Abrenica just celebrated his 35th birthday in the most touching way! An emotional surprise brought him to tears when AJ Raval and his children gave him a special gift that he had no idea about. According to the…
End of content
No more pages to load