Nagpaka-daring sa ‘Linlang’: ‘Di ako nagpaalam kay Xian! – Kim Chiu
Ang bongga ni Kim Chiu, na daring sa bago niyang series na ‘Linlang’, na palabas na sa Prime Video streaming app simula ngayong Thursday (October 5). Aba, nagpa-sexy siya sa project na ito, ha!
Isa nga sa napanood ng entertainment press sa preview ng ‘Linlang’ ay ang love scene ni Kim with Paulo Avelino.
At sa tsikahan namin kay Kim kahapon ay nausisa siya kung nagpaalam ba siya sa boyfriend niyang si Xian Lim bago gawin ang ‘Linlang’?
Sey ni Kim, “Hindi ako nagpaalam kay Xian! Walang ganun. Siya rin naman may mga ginagawa rin na hindi niya kailangang ipagpaalam sa akin!”
Pero two months daw niyang pinag-isipan ang tungkol sa seryeng ‘yon bago tinanggap.
Very proud nga pala si Kim sa ‘Linlang’ at sinabing sana ay mas marami pa ang mag-subscribe sa Prime Video para mapanood ang kanilang serye.
Anyway, naaliw rin si Kim nang sabihang ang sexy niya at mukhang hindi tumataba.
Pero nilinaw nga ni Kim na malakas siyang kumain. Na kahit ano raw kinakain niya.
“Mahilig akong kumain, wala naman akong pinipiling food. Kahit ano kinakain ko. Hindi lang talaga ako mahilig sa sweets,” tsika niya.
Pero hindi naman daw totoong hindi siya tumataba, hindi lang daw nahahalata.
“Gusto n’yo ipakita ko? Hahaha” natatawang dialogue niya.
“Two hours ako sa gym. Sa umaga talaga. Before mag-‘It’s Showtime’ nagdyi-gym na ako, kaya may energy ako bago pa mag-work,” tsika niya.
So kumusta naman sila sa ‘It’s Showtime’?
“Okey naman kami. Masaya. Masaya na maraming nagmamahal,” sey pa ni Kim sabay pakawala ng kanyang ‘Mona Lisa’ smile.