Buong Detalye sa controversial Issue nina Sharon Cuneta at Atty. Salvador Panelo sa kantang ‘Sana’y Wala ng Wakas’

Kamakailan ay naging kontrobersyal ang awiting ‘Sana’y Wala ng Wakas’ dahil sa pagtutol ni Sharon Cuneta na awitin ni senatorial aspirant Atty. Salvador Panelo sa kanyang pangangampanya ang kantang pinasikat ng Mega Star. Nagsanga sanga ang issue at may mga netizens din na nagbigay ng kani-kanilang mga opinyon tungkol dito.

Mababasa sa ibaba ang buong kwento sa likod ng isyung ito at kunting kaalaman tungkol sa composer at singer ng classic song na ito. Totoo nga ba na hindi ang Mega star ang original singer na kanta?

The Award Winning Composer

 

Ang award winning composer na si Wilfredo Buencamino Cruz ay isinilang sa San Miguel, Manila noong January 30, 1947. Siya ay nagmula sa pamilya ng mga kilalang musikero ng bansa, tulad nina Francisco Buencamino, Lorrie Ilustre at  Nonong Buencamino. Siya ang song writer ng ilang mga Filipino singers at sumulat ng mga title songs ng  mahigit 100 pinoy movies. Nagsimula siyang magcompose ng mga kanta para sa mga pelikula at TV commercials noong 70s at higit na nakilala noong 1975. Siya ang nanalo ng first prize sa World Popular Song Festival  sa kanyang likhang awit na “Araw-araw Gabi-gabi”. Nakilala rin si Willy sa kanyang kanta na naging theme song sa ilang sikat na pelikula at nagpasikat sa mga singer katulad nila Regine Velasquez, Nora Aunor, Anje Alejandro, Nonoy Zuniga, Zsa zsa Padilla, Pelita Corales , Apo Hiking Society at marami pang iba. Ang ilan sa hindi malilimutang klasikong kanta na nilikha ni Willy ay ang “Never Say Goodbye”, “Sana Maulit Muli”, “Kung Mahawi man ang Ulap”, “Maging Akin Ka Lamang”, “Pahiram ng Isang Umaga”, “Sana’y Maghintay ang Walang Hanggan”, at “Sana’y Wala ng Wakas”. Sa kanyang galing hindi na nakapagtataka na nakatanggap siya ng maraming parangal si Willy. Ginawaran si Willy ng ‘Hall of Fame’ sa FAMAS noong 1989 dahil sa limang beses na pagkapanalo sa musical scoring. Pumanaw si Willy noong April 17, 2017 sa edad na 70.

Sana’y Wala ng Wakas Movie and TV

 


 

Ang ‘Sana’y Wala ng Wakas’ ang orihinal na sound track sa sikat na pelikula ni Sharon Cuneta Viva Films noong 1986 na may parehong pamagat. Kasama ring nagbida sa naturang pelikula ang mga batikang aktres na sina Dina Bonnevie at Cherry Gil. Ang musical drama na ito ay nanalo ng ‘FAT Awards Best Musical Score’ at ‘Best Original Song’ para kay Willy Cruz. Nakakuha rin ng nominasyon si Sharon para sa ‘Best Actress’ mula sa FAMAS Awards at ang titulong 1986 Box Office Queen of RP movies. Ang awitin ay naging theme song din ng ABSCBN teleserye noong 2003 na “Sana’y Wala ng Wakas’ kung saan tampok sina Kristine Hermosa, Jericho Rosales, Diether Ocampo, Angelica Dela Cruz, Marvin Agustin at Kaye Abad.

Sharon and Willy’s Friendship

 

 

Kung may isang mang-aawit na nakinabang umano ng husto sa talento ng composer at batikang arranger na si Willy Cruz, ito ay walang iba kundi ang Mega Star na si Sharon Cuneta. Ang kanyang mga likhang awitin ay labis na pinuri sa mga pelikula ng singer-actress kung kaya siya ang tinaguriang ‘mass darling’ ng industriya.Nakilala at sumikat si Sharon sa mga klasikong awitin na ‘Bituing Walang Ningning’, ‘Pangarap na Bituin’, ‘Hanggang Kailan Kita Mamahalin’, at ‘Sana’y Wala Ng Wakas’ na mga likha ni Willy Cruz. Hindi maikakaila ang samahan at pagkakaibigan ni Sharon at Willy katunayan isa ang Mega Star sa labis na naapektuhan nang mamaalam si Willy. Ayon pa kay Sharon, malaki ang utang na loob at pasasalamat niya kay Willy dahil sa mga aral at sa mga naitulong nito sa kanyang karera.

Sharon Dislikes Panelo Singing Her Song

 

 

Sa pananahimik ng classic song na ‘Sana’y Wala ng Wakas’, naging maingay at pinag-uusapan na ito ngayon ng mga tao dahil sa social media post ni Sharon Cuneta noong March 10, 2022. Tungkol sa pag-awit nito ng tumatakbong senador na si Atty. Salvador Panelo sa naturang awitin sa isang campaign sorety ng UNITEAM nina Bongbong Marcos Jr. at Sara Duterte sa isang hotel sa Quezon, City. Hindi nagustuhan ng Mega Star ang ginawa ni Panelo dahil umano’y di pwdeng gamitin ng senatorial aspirant ang kanyang pinasikat na kanta. Ayon sa original post ni Sharon,

 

“Nanang ko po pls lang nakakahiya naman sa amin ni Willy Cruz! You are not allowed to use our song! Don’t mess with a classic. I allow its use only for Leni-Kiko! LOL. Utang na loob baka bumangon si Willy nakakahiya naman sa amin. Kinilabutan ako. In a bad way. LOL.”

Umani naman ng pambabatikos at pagpuna ang post ni Sharon kaya makalipas ang ilang oras, pinalawig ng aktres ang kanyang paliwanag sa pamamagitan ng pagdadagdag ng mga sumusunod,

 

“Kiddding aside, only because it is campaign season, I just think something’s a bit off when you sing a song made famous by the wife of one of your Vice-presedentiable’s political opponebts while campaigning. On the other hand, maybe I should just thank you for reminding your crowds of Kiko whenever you sing it, whether you do so to mock us or not.”

Ang mister ni Sharon na si Kiko Pangilinan ang running mate ni Leni Robredo  ngayong 2022 elections napabilang sa grupong makakalaban sa alyansang kinabibilangan ni Salvador Panelo. Inilabas ng mga media outlet ang original facebook post ni Sharon na tumanggap ng matitindi at kaliwa’t kanang pambabatikos mula sa mga netizens. Nagkaroon din ng palitan ng mga mensahe sa tweeter si Sharon at ang anak niyang si Frankie Pangilinan tungkol dito. Ibinahagi ni Frankie sa tweeter ang isang video clip ng dating presidential legal council at senatorial aspirant na si Atty. Salvador Panelo na kuha ng CNN Philippines. Sa video makikitang kinakanta ni Panelo ang ‘Sana’y Wala ng Wakas’. Simplen g caption ni Frankie, “LOL.” Nagkomento agad ang ina ni Frankie na si Sharon, kanyang ipinahayag ng pabiro ang kanyang pagkadismaya at makahulugang sinabi na sinira ni Panelo ang isang classic song. Reply pa ni Sharon sa tweet,

 

“WHY?!!!Tell me WHY?!!! gotta fight for my song’s rights as well as Willy Cruz’s who wroter it!Cannot be.Di dapat sinisira ang isang classic. Basta TAYO ANG AT MAY ORIG!Oh please WE HAVE NOT ALLOWED YOU TO USE OUR SONG!Please stop. Nakakaawa naman ang kanta namin at nakakahiya.”

Sharon on Being  Selfish

Tila hindi pa kilala ng mga tao ang totoong ugali ng Mega Star dahil hindi nila alam na likas ang pagiging selfish o makasarili ito kapag pelikula at awitin niya ang pina-uusapan. Sa isang interview na lumabas sa PEP.PH noong July 27, 2008 sinabi ni Sharon na ang anak niya lamang na si KC Concepcion ang may karapatang magrevive ng mga kanta niya.

 

“Siya lang (KC) ang may karapatan. Selfish ako ‘pag para sa akin! Songs ko, movies ko, siya lang  ang may karapatan. Kasi lahat ‘yon, bahagi ng important moments in my life.”

Panelo’s Side

May paliwang ang senatorial aspirant na si Atty. Salvador Panelo tungkol sa naging reaksyon ni Sharon Cuneta nang kantahin niya sa isang campaign event ang ‘Sana’y Wala ng Wakas’. Ayon kay Atty. Panelo, ikinalungkot niya na ganoon ang naramdaman ng Mega Star at agad na humingi ng dispensiya. Ipinaliwanag niya na ang nasabing awitin ay special sa kanya at isa sa mga paborito niya dahil nagpapaalala umano sa kanyang pumanaw na anak na may ‘down syndrome’. Isa rin daw itong pagbibigay pugay sa batikang komposer na si Willy Cruz at sa Mega Star. Iginiit rin ni Salvador Panelo na may permiso ng Viva Records ang paggamit niya sa kanta. Kaya wala siyang planong itigil ang paggamit sa awit sa kabila ng pagpoprotesta ni Sharon. Sa huli sinabi ni Panelo na,

 

“I will continue to sing it and will now use it to raise awareness for the plight of children with special needs. As the song goes: ‘Kahit ilang awit ay aking aawitin, hanggang ang himig ko’y maging himig mo na rin.'”Tila nais nang tapusin ng Mega Star ang controversial issue na nilikha ng kanyang post patungkol kay Atty. Salvador Panelo. Umani ng iba’t ibang komento ang reaction pero marami sa mga netizens ang nadismaya sa kanya. Sinabihan nila ang Mega Star sa pagiging madamot nito sa kanta. Sa pamamagitan ng kanyang Instagram post noong Sabado March 12, 2022 nagpahayag si Sharon na gisto niyang ituon ang kanyang atensyon sa positibo.

 

“From now on, GOOD VIBES ONLY!!!”

Mga positive emojis ang ginamit ni Sharon sa kanyang caption. Ngunit hindi pa rin siya tinatantanan ng kanyang mga kritiko sa comment section. Maraming mga netizens ang bumabatikos muli sa Mega Star kaugnay ng pagp[una nito kay Panelo.

Netizen’s Reaction

Sinuportahan naman si Sharon ng kanyang mga tagahanga bago isinagkot ang post ni Sharon sa Instagram sa kasagsagan ng isyu. Nakasaad rito,

“Don’t let the ugly in others destroy the beauty in you.”

Sa kabilang banda naman nagsunod sunod din ang pagpuna ng mga netizens sa Mega Star ang iba sinabihan pa si Sharon,

“Practice what you post.”

“Walk the talk.”

 

Kaugnay sa controversial ng nasabing kanta, hindi naman nakakapagtataka na patuloy na nakatanggap ng negatibo at maanghang na komento ang Mega Star dahil sa mga binitawan nitong pahayag. Dismayado ang marami sa pagiging OA at pagiging madamot nito. Bumuhos naman ang simpatya kay Salvador Panelo dahil sa malinis na intensyon nito.

Not The Original Singer?

 

 

May ilang mga netizens naman ang nagsasabi na wala umanong karapatan si Sharon na magreklamo na ang ballader na si Jun Polistico at hindi si Sharon ang original singer ng ‘Sana’y Wala ng Wakas’. Si Jun ay matagal nang nanirahan sa USA. Nang bumalik siya sa Pilipinas noong 1991, pemirma siya ng kontrata sa Viva Records. Ang cover ng ‘Sana’y Wala ng Wakas’ ang carrier single ng kanyang album. Kwentro ni Jun noong 2021, na 30 years ago nang bumalik siya sa Pilipinas. Mula sa US ay nagrecord siya ng kanyang album na, “Back Again” under Viva at ang awiting ‘Sana’y Wala ng Wakas’ ang single carrier niya. Kung susumahin narecord ni Jun ang awitin noong 1991 at si Sharon naman noong 1986 kaya si Sharon ang original singer.