BREAKING NEWS: Christopher de Leon breaks silence about accident on the set of Kambal Karibal/hi

Christopher de Leon speaks up about accident on Kambal Karibal set

Christopher de Leon: “Sinabi ko sa kanila, hindi ako maghahabla, kahit kapabayaan talaga nung sa effects.”
Veteran actor Christopher de Leon decides to speak up about his accident on the set of Kambal Karibal for the TV productions to be more carefulNa-discharge na si Christopher de Leon sa Asian Hospital noong Lunes, March 12.

Ito ay matapos siyang operahan sa hita para tanggalin ang bumaon na adaptor mula sa baril na ginamit ni Marvin Agustin sa death scene ni Christopher sa GMA-7 prime time series na Kambal Karibal.

Ayon sa beteranong aktor, magsasalita siya tungkol sa insidenteng ito upang maiparating sa mga kapwa artista at produksiyon ang karanasang hindi raw niya akalaing mangyayari pa sa kanya sa loob ng halos apat na dekada sa propesyong ito.

Pahayag ni Boyet sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Ang gusto ko lang iano na… kasi papa’no yung, like for example, yung mga bit players na kasama sa action or kasama sa mga eksenang may barilan, ganun? Will they take care of them also?

“Kasi, sa akin nangyari, puwede mangyari sa iba.

“Puwedeng mangyari dun sa mga, like, yung mga stuntmen, yung pinapasabugan, binabaril, di ba?

“Ano ang assurance ng mga artista from mga unfortunate incidents na ganito?”

Patuloy niya, “Ako kasi, kampante na ako, e. I’ve been doing this for ages already, e.

“I’ve been doing this for a long time already, yung mga barilan-barilan, ganun.

“Kaya lang, ngayon lang ito nangyari sa akin.”

Kaya raw ito nasabi ni Boyet dahil hindi niya akalaing ang mga ganung eksena, kung saan gumagamit ng baril at blank bullets, puwede rin daw palang ikamatay.

“Parang bala na yung tumama sa akin,” pakli ng aktor.

“Sabi ng doctor, ‘Buti diyan ka lang tinamaan.’

“Kung sa ibang parte ng… like, yung groin mo, instantly, patay ka daw, sabi ng doctor.

“Yung bumaon sa akin, like, yung four-inches deep.

“So, nahirapan silang tanggalin.”

ISOLATED CASE. Ipinadala ng misis ni Boyet na si Sandy Andolong sa PEP.ph ang kuha sa adaptor na natanggal sa hita ng aktor.


Paliwanag ng isa sa mga gumagawa ng effects sa shooting at tapings, napaka-isolated ang kasong natatanggal ang adaptor sa baril.

Dahil iyon daw ang nagpapaputok sa baril na ginagamit sa mga action scene.

Ang nangyari raw kay Boyet ay talagang kakulangan o pagkakamali ng may hawak ng effects at caretaker ng baril.

Hindi raw tiniyak ng mga ito na mahigpit ang kapit sa loob para hindi tumalsik pag ipinutok na.

Dagdag pa ng premyadong aktor, “Pagkatapos, gastado na yung adaptor na ginamit. Nakita mo, may mga kalawang na?

“Kaya pagkukulang din talaga yung sa effects.”

Ito ang dahilan kaya binigyan siya ng tetanus shots, at tiniyak na na-drain nang husto ang dapat tanggalin sa malalim na sugat sa kanyang hita.

Bukod pa rito, dahil baril ang involved, inimbestigahan na raw ito ng CID o Crime Investigation Division.

Pero ang gusto sanang iparating na mensahe ni Boyet, maging maingat na ang mga produksiyon at ang mga network, na kung sakaling may ganitong pangyayari, mabigyan ng tamang atensiyon ang lahat na artist—malaki man o maliit.

Pero mas mabuting maging maingat, at tiyaking safe ang lahat lalo na kapag kinukunan ang mga ganung maselang eksena.

Dagdag na kuwento ni Boyet, “Michael de Mesa called me up last night.

“Kasi, di ba, kasama siya sa Ang Probinsyano? E, bakbakan lagi dun, di ba? Barilan lagi dun.

“Safety daw talaga, triple check sila, sabi niya.

“Meron silang tao to take care of the safety of the… yung mga effects.

“Yung mga baril nila, yung mga pasabog, yung mga gagamitin para sa mga action scenes, meron silang isang tao to take care of that.”

LESSON LEARNED. Kaya magsilbing leksiyon daw sana ito para sa lahat na maging maingat.

Dapat din daw may insurance para kung sakaling may mangyaring ganung aksidente, may insurance na sasagot nito.

Mabuti at inayos naman daw ng GMA-7 ang lahat na gastusin ni Boyet.

Binayaran daw ang lahat na hospital bills niya, at hindi na pinasagot sa supplier nitong humahawak ng effects.

Pero ganun din daw sana ang ibigay na atensiyon sa lahat, hindi lang sa mga artistang kagaya niya.

Saad ni Boyet, “Sinabi ko sa kanila, hindi ako maghahabla, kahit kapabayaan talaga nung sa effects.

“Sabi ko, ‘Pasensiya na kayo, magsasalita ako.’

“Kasi hindi lang… maayos nga at ito lang yung nangyari sa akin. Sa akin nangyari ‘to.

“Pero papa’no yung iba, kung mga ibang artista, yung mga stuntmen, yung mga ano, sasagutin din ba nila yun?

“Sasagutin din ba ng produksiyon yun, nung effects group? Sasagutin ba nila?

“Dapat talaga merong insurance.”

Bukas ang PEP.ph sa panig ng GMA Network at ng may hawak ng special effects ng Kambal Karibal kaugnay ng naging mga pahayag ni Christopher de Leon.

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2025 News