Bago nabuo ang KimPau tandem nila ni Kim Chiu, Paulo Avelino, inaming iniwasan niya na matali sa isang love team
![]()
PHOTOS: @luckymanzano on YouTube & @kimpauarchives on Instagram
Ginagalingan daw ni Paulo Avelino sa mga projects na nakukuha n’ya because this is his way of giving back sa ibinibigay sa suporta sa kanya ng mga KimPau fans
Mainit ang pagtanggap ang fans sa tambalang Kim Chiu at Paulo Avelino.
Matapos kasing masaksihan ng mga manonood ang undeniable chemistry nila sa seryeng Linlang ay muli naman silang nagtambal at nagpakilig sa Philippine adaptation ng Korean drama series na What’s Wrong With Secretary Kim?
Pero bago nangyari ang lahat ng ito, iniwasan daw ni Paulo na matali sa isang love team.
Sinabi n’ya ’yan mismo sa one-on-one interview n’ya with Luis Manzano sa online show nitong Luis Listens on YouTube neeting weekend.
Napag-usapan kasi nila doon ang tambalan nila ng tinaguriang Chinita Princess.
Ayon kay Paulo, iba na ang love team ngayon sa showbiz kung ikukumpara sa dati pero parang wala raw nagbago sa hinihingi ng mga fans.
“It’s definitely changing. I wouldn’t say in a major ways. Iba pa rin pag pinagtatambal ’yong dalawang artista na may chemistry. Of course, the fans keep rooting for them to be together in real life. Parang ang daming [expectations],” lahad n’ya.
Kaya nga ayaw daw n’yang matali sa love team noon. Mas gusto raw kasi n’yang mag-grow sa showbiz bilang solo actor.
“Ako naman, in my case, sinububukan ko talagang iniwasan for the longest time because I really want to grow as an actor. I really want to study everything behind, sa likod ng camera,” paliwanag n’ya.
Hindi naman daw n’ya inasahan na susuportahan ng mga manonood ang tambalan nila ni Kim Chiu sa Linlang kahit na limitado ang mga nakakakilig na eksena doon.
“Kumbaga, sa Linlang, hindi nga namin in-expect na the tandem would be shipped ’cause, ano talaga, it’s really night and day. Especially sa aming mag-asawa, sobrang liit lang ng mga kilig moments. Maybe sa 90 percent, five percent lang of the show [ang nakakakilig],” aniya.
Pero dahil nga sa nakukuha nilang massive support, nagka-idea daw ang Dreamscape Entertainment na muli silang pagsamahin sa isang project, sa What’s Wrong With Secretary Kim?
“Parang doon nakuha ’yong queue ng Dreamscape to test the water sa tandem namin in Secretary Kim,” he said.
Dahil matalagal na raw s’yang hindi nakakagawa ng romantic comedy, tinanggap daw n’ya ang project. Para maiba lang, kumbaga.
“Sa akin naman, I accepted it with open arms dahil it’s different. I haven’t done a romcom in a longest time,” pag-amin ng aktor.
Sa ngayong, grateful daw s’ya sa init ng suporta ng mga KimPau fans sa kanila ni Kim.
“I’m very appreciative. To be honest, Sir Luis, for them to keep on posting, to keep on editing stuff, to keep on tweeting, it takes time and effort. And I appreciate time and effort,” aniya.
“So whenever I can give back in any ways I can in my performances or interview like this, I try to do my best,” dagdag pa n’ya.
Samantala, sumalang naman si Paulo sa Shot or Pass Challenge kung saan kailangan n’yang lumagok ng alak kung ayaw n’yang sagutin ang tanong.
Unang tanong ni Luis sa kanya: “Ikaw ba ay single ngayon?”
Napangiti na lang si Paulo at hindi na nagsalita. Tapos ay uminom ng alak.
Sunod na tanong ni Luis sa kanya: “Konting clarification lang sa una mong sinagot. May nililigawan ka ba ngayon? Sundot ito du’n sa una mong katanungan.”
Hindi rin umimik si Paulo at uminom na lang ng alak.
Hindi tuloy malinaw ang estado ng love life n’ya ngayon kung single ba s’ya o kung may nililigawan.
Samantala, maliban sa mga serye ni Paulo na Linlang na napapanood sa TV5, at sa What’s Wrong With Secretary Kim? sa streaming app na Viu, palabas na sa mga sinehan ang movie n’yang Elevator kung saan katambal naman n’ya si Kylie Verzosa.
News
Nagdulot ng kaguluhan si Matteo Guidicelli sa kanyang ika-35 na kaarawan – Sarah Geronimo beams bago ang malaking anunsyo/hi
On March 26, Matteo Guidicelli officially turned 35 at a cozy yet lavish party. But what made the Philippine showbiz stir was not just the grand birthday celebration, but the shocking announcement he made in front of his family, friends…
News 𝗔𝗝 𝗥𝗔𝗩𝗔𝗟 𝗕𝗜𝗡𝗨𝗟𝗔𝗕𝗢𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥𝗧𝗔𝗜𝗡𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗪𝗢𝗥𝗟𝗗 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗕𝗔𝗟𝗜𝗞𝗔𝗡 𝗡𝗜𝗡𝗔 𝗞𝗬𝗟𝗜𝗘 𝗣𝗔𝗗𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗔𝗧 𝗔𝗟𝗝𝗨𝗥 𝗔𝗕𝗥𝗘𝗡𝗜𝗖𝗔/hi
The showbiz world was shocked when the news of Kylie Padilla and Aljur Abrenica getting back together spread. But more than the public’s surprise, it seemed like a huge emotional blow for AJ Raval. According to a source, AJ could…
Atong Ang Reacts Sa Sexy Looks Nina Sunshine Cruz At Ina Raymundo Sa BENCH Fashion Show 2025! (Panoorin Ngayon)/hi
The **BENCH Fashion Show 2025** catwalk exploded with the charming appearance of two beauties **Sunshine Cruz** and **Ina Raymundo**. Among a series of famous models, the two veteran stars still took the spotlight, making even businessman Atong Ang “freeze” before…
WATCH NOW: Sunshine Cruz and Ina Raymundo Shock with Bold Outfits at BENCH Fashion Show 2024! (video)/hi
The BENCH Fashion Show 2024 event became the center of attention when two famous beauties Sunshine Cruz and Ina Raymundo appeared charmingly on the catwalk. Although they are in their 40s and 50s, both of them still amazed the audience…
SHOCK: Buboy Villar Welcome sa Bagong Bata, Dalawang Anak Sa Angillyn Iniwan? Ano ang Katotohanan?/hi
Actor Buboy Villar once again became the center of discussion when the news of his new child spread across social media. However, what made the public debate was whether his two children with Angillyn Serrano Gorens were really abandoned or…
Aljur Abrenica 35th Birthday❤️Napa-IYAK at Na-SHOCK sa Supresa ni AJ Raval at mga ANAK sa Kanya! (video) /hi
Actor Aljur Abrenica just celebrated his 35th birthday in the most touching way! An emotional surprise brought him to tears when AJ Raval and his children gave him a special gift that he had no idea about. According to the…
End of content
No more pages to load