Isa nang ganap na Kapamilya ang Viva talent na si Nadine Lustre dahil kamakailan lang ay pumirma na siya ng kontrata sa ABS-CBN.
Hindi naman itinago ni Nadine na masaya siya ngayong isa na siyang Kapamilya.
βYes, Iβm very, very happy po. I mean, medyo matagal na rin akong nasa Viva,β sabi ng young actress sa panayam sa kanya nina Kris Aquino at Toni Gonzaga saΒ The BuzzΒ kahapon, August 31.
βSo, medyo matagal na rin.β
JADINE LOVETEAM.Β Uminit ang pangalan ni Nadine at ng ka-loveteam niyang si James Reid dahil naging hit ang launching movie nilangΒ Diary Ng Panget.
Dahil dito ay nasundan ang kanilang pagsasama sa pelikula, sa pamamagitan ngΒ Talk Back And Youβre DeadΒ na lalong nagpatibay ng kanilang box-office appeal.
Hindi raw sigurado si Nadine kung nakaplano talagang i-co-produce ng Star Cinema angΒ Talk Back And Youβre Dead, na iprinodyus ng Viva Films, at pagkatapos ay papapirmahin na sila ni James sa ABS-CBN.
βThat Iβm not sure, kasi nagulat na lang po kami na co-prod na angΒ Talk Backβ¦ ng Star Cinema, e.
βAng sabi lang sa amin, βOkay, you have another movie right afterΒ DNPΒ [Diary Ng Panget].β
βSinabi po sa amin, βOkey, meron ulit kayong project ni James [Reid], yungΒ Talk Backβ¦β
βAnd then, after a few weeks, biglang sinabi na co-prod siya ng Star.
βSo, kami po ni James, weβre really excited po.β
Kasalukuyang nasa Albay naman daw kahapon ang ka-loveteam nito na si James.
Tinanong ni Kris si Nadine kung tini-text nila ang isaβt isa ng βgood morning.β
βNo, kasi we see each other all the time,β nakangiting sagot ng young actress.
Kapag nagkikita ba sila palagi, mas lalo silang nagiging close?
βNahihiya akoβ¦ kasi may mgaβ¦ nandiyan yung JaDine, e,β pagtukoy ni Nadine sa fans nila ni James.
Pero sinabi ni James na ideal girl ka raw niya?
βOkay,β nakangiting sagot ni Nadine.
Totoo bang istrikto ang nanay ni Nadine?
Sagot niya, βRight now kasi, me and James, we both value our career, βetong opportunity.
βParang kami rin, ayaw pa rin namin.β
Hiniritan naman siya ni Toni na ganoon din daw siya dati, lalo na noong bagong lipat sa ABS-CBN na ang sinasabi niya, βI value my career.β At halos lahat daw ng bagong loveteam, ganoon ang sinasabi.
Sabi naman ni Nadine, βOkey, sige, para maiba na lang, ako, Iβm the type of person who doesnβt want to expect talaga.
βAyokong mauna.β
BLANKET AND PILLOW.Β Ibinuko naman ni Kris na binigyan daw ni Nadine ng pillow at blanket si James dahil sa shooting ay wala raw ito. Pero si James daw, ni isang kape ay wala pang ibinibigay kay Nadine.
Natatawang sabi pa ni Kris: βMy God naman, I heard sa sosyal na village siya sa Makati nakatira. So, he can afford coffee.βBakit niya nga ba binigyan ng blanket at pillow si James?
Sagot ni Nadine, βWala naman, kasi yung upuan niya, yung folding chair niya, sobrang uncomfortable.β
Hindi pa masagot nang diretso ni Nadine kung ano ang unang serye na gagawin nila ni James sa Kapamilya network.
βKasi, hindi pa po nasasabi sa amin.β
Bukod kay James, sino pang Kapamilya male stars ang nakyukyutan siya?
βSi Joseph Marcoβ¦ ay, hindi puwede!β biglang bawi ni Nadine.
Kaya nasabi ni Nadine na hindi puwede dahil humingi na ng permiso si Joseph kay Toni na maging date nito sa Star Magic Ball ang kapatid na si Alex Gonzaga.