BB Gandanghari, nag-aaral magluto para sa kanyang future family
BB Gandanghari, nanghihinayang na di lubusang nakilala si Royette Padilla.
BB Gandanghari on learning how to cook: “Nagsasanay talaga ako. Minsan kunwari, iniisip ko, ‘Mga anak, ready na tayong kumain. Tawagin ninyo na si Daddy.’ Para akong luka-luka, pero ganun yung mental state ko.”Matunog na halakhak at “Guilty!” ang reaksiyon ni BB Gandanghari sa tanong ni Boy Abunda kung guilty o not guilty ba siya sa pagkakaroon ng ex-boyfriend na aktor.
Hindi man nagbanggit ng pangalan si BB, may ideya na ang publiko sa katauhan ng aktor na naging karelasyon niya noon.
Sa guesting niya sa Fast Talk With Boy Abunda ngayong Martes, Enero 14, 2025, sinabi ni BB na handa siyang magmahal, may nagpapakilig ngayon sa kanya, at mas nakatatanda at walang kinalaman sa showbiz ang nais niyang makarelasyon.
Idinagdag pa ni BB na nagsasanay na siyang magluto para sa maraming tao bilang paghahanda sa pinapangarap niyang pagkakaroon ng sariling pamilya.
“Nagsasanay talaga ako. Minsan kunwari, iniisip ko, ‘Mga anak, ready na tayong kumain. Tawagin ninyo na si Daddy.’
“Para akong luka-luka, pero ganun yung mental state ko,” kuwento ni BB.
FULL-TIME STUDENT IN THE U.S.
Hindi raw nagmamadaling pumasok sa relasyon si BB sa kasalukuyan dahil ang pag-aaral ang binibigyan niya ng importansiya.
“I think I am ready to mingle, but hindi ko rin naman minamadali.
“Steady lang ako kasi, unang-una, parang I don’t know if I am actually ready for a serious relationship because I am in the middle of itong pag-aaral and everything,” sabi ni BB.
Ayon pa sa kanya, “I am taking up Bachelor of Science in Entertainment Business Management.
“I wanna be a creative producer and a creative director. That’s also the reason why I went back to school.
“Kasi part yon ng sinasabi kong mahirap sa transition because when I started transitioning, yung potensiyal ni Rustom, wala na lahat yon.”
Ang tinutukoy ni BB na “Rustom” ay ang dati niyang katauhan na si Rustom Padilla, bago siya nagdesisyong maging trans woman.
Ang pagiging full-time student ni BB sa Amerika ang nag-udyok kay Boy para magtanong kung ano ikinabubuhay ni BB.
Saad niya, “There was a time parang working student ako, pero umabot sa point na hindi ko na kaya so I stopped.
“Medyo galing lahat sa saving kaya nag-aral na ako bago pa maubos ang lahat. Nag-aral na ako….”
BB ON LATE BROTHER ROYETTE
Nabahiran ng lungkot ang pag-uusap nina Boy at BB nang mabanggit si Royette Padilla, ang nakatatandang kapatid nina BB at Robin Padilla na pumanaw noong Enero 2021.
“The brother that I never had,” pagsasalarawan ni BB kay Royette.

Royette Padilla Paliwanag niya: “Parang hindi ko siya nakilala bilang yung tao na hindi kuya, kundi tao. Kung anong klase siyang tao.
“Hindi kami nakapag-usap ng tungkol sa mga aspirations niya, frustrations niya. We never went that far.
“I wish I could… hindi ko kasi masabi kung ano, pero ang gusto kong sabihin is sana magkaroon tayo ng pagkakataong magkakuwentuhan.
“Gusto ko siyang makakuwentuhan actually. Usap lang… usap lang.”
Dagdag pa ni BB, “Kasi yun ang pinakamasakit na nangyari sa akin nung pandemic.
“It hurt me so hard kasi naka-Zoom ako habang wake and all. Hanggang nung libing, nandun ako sa Zoom.
“Pagkatapos ng libing, all of a sudden, wala akong mayakap. Ang sakit, wala akong mahawakan.
“Dun ko naramdaman yung, ‘Oh, my God ganito kasakit.’
“Hindi ako nagkaroon ng proper goodbye. Up to the last minute, wala akong moment sa kanya na just to be with us.”
News
Nagdulot ng kaguluhan si Matteo Guidicelli sa kanyang ika-35 na kaarawan – Sarah Geronimo beams bago ang malaking anunsyo/hi
On March 26, Matteo Guidicelli officially turned 35 at a cozy yet lavish party. But what made the Philippine showbiz stir was not just the grand birthday celebration, but the shocking announcement he made in front of his family, friends…
News 𝗔𝗝 𝗥𝗔𝗩𝗔𝗟 𝗕𝗜𝗡𝗨𝗟𝗔𝗕𝗢𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥𝗧𝗔𝗜𝗡𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗪𝗢𝗥𝗟𝗗 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗕𝗔𝗟𝗜𝗞𝗔𝗡 𝗡𝗜𝗡𝗔 𝗞𝗬𝗟𝗜𝗘 𝗣𝗔𝗗𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗔𝗧 𝗔𝗟𝗝𝗨𝗥 𝗔𝗕𝗥𝗘𝗡𝗜𝗖𝗔/hi
The showbiz world was shocked when the news of Kylie Padilla and Aljur Abrenica getting back together spread. But more than the public’s surprise, it seemed like a huge emotional blow for AJ Raval. According to a source, AJ could…
Atong Ang Reacts Sa Sexy Looks Nina Sunshine Cruz At Ina Raymundo Sa BENCH Fashion Show 2025! (Panoorin Ngayon)/hi
The **BENCH Fashion Show 2025** catwalk exploded with the charming appearance of two beauties **Sunshine Cruz** and **Ina Raymundo**. Among a series of famous models, the two veteran stars still took the spotlight, making even businessman Atong Ang “freeze” before…
WATCH NOW: Sunshine Cruz and Ina Raymundo Shock with Bold Outfits at BENCH Fashion Show 2024! (video)/hi
The BENCH Fashion Show 2024 event became the center of attention when two famous beauties Sunshine Cruz and Ina Raymundo appeared charmingly on the catwalk. Although they are in their 40s and 50s, both of them still amazed the audience…
SHOCK: Buboy Villar Welcome sa Bagong Bata, Dalawang Anak Sa Angillyn Iniwan? Ano ang Katotohanan?/hi
Actor Buboy Villar once again became the center of discussion when the news of his new child spread across social media. However, what made the public debate was whether his two children with Angillyn Serrano Gorens were really abandoned or…
Aljur Abrenica 35th Birthday❤️Napa-IYAK at Na-SHOCK sa Supresa ni AJ Raval at mga ANAK sa Kanya! (video) /hi
Actor Aljur Abrenica just celebrated his 35th birthday in the most touching way! An emotional surprise brought him to tears when AJ Raval and his children gave him a special gift that he had no idea about. According to the…
End of content
No more pages to load