Arjo, Julia, Sid, Enchong aminadong inaatake ng “topakk” moments
Topakk director Richard Somes, No. 1 fan daw ng Pinoy action films
Topakk stars (from left) Arjo Atayde, Julia Montes, Sid Lucero, and Enchong Dee gamely answer when asked the last moment they had tantrum or topakkNaku, mga Ka-MaThon!
“That was so hot” ang action scenes sa MMFF 2024 official entry na Topakk (Triggered) na pinagbibidahan nina Arjo Atayde at Julia Montes, sa panulat at direksiyon ni Richard V. Somes.

Topakk is born out of pandemic,” pagsisiwalat ni Direk Richard sa mediacon ng Topakk noong Disyembre 4, 2024, Miyerkules ng gabi, sa isang warehouse sa M. H. Del Pilar St., District 1, Quezon City.
“Noong lahat tayo, contained and all, and we are all bombarded by the news sa TV — pandemic, death, giyera, famine, away ng lahat — doon na-create yun.
“And at the same time, looking back sa script na sinulat ko, I realized na it was my topakk after all. Sarili kong multo ang sinusulat ko, sa lahat ng mga takot.
“And then, I just realized na kailangan ko itong ilagay sa pelikula.”
FAN OF PINOY ACTION FILMS
Itinuuring din ni Direk Richard ang sarili bilang “No. 1 fan ng Pinoy action films.”
Saad niya: “Purist ako sa Pinoy action film. Tungkol sa isang tao na inapi, lumaban, at nanalo sa dulo. Iyon lang ang kuwento ko.
Read more about
“And nung sinulat ko yung script, and then Arjo and Julia came along in the picture, everything is a history.
“Both of them, naging rebelasyon sa akin. Nagkaroon ng buhay ang mga karakter na sinulat ko.
“Hanggang sa umabot sa punto na naniniwala na ako na hindi na si Julia Montes ang nag-aakting sa harap, at saka hindi na si Arjo ang nag-aakting sa lahat.
“Lahat ho ng artista, na-involve na rin sila, and nabuksan na rin ang pananaw nila, at saka pati yung tanong nila kung ano ang nagti-trigger sa isang tao, bakit nagkakaroon ng topakk?
“So it’s a process. Mahabang proseso siya pero maganda dahil napakapersonal ng kuwento and lahat tayo, and lahat ng mga artista ko, I’m sure, may mga kanya-kanyang topakk yan!
“Depende na lang kung paano ilabas.”
Direk Richard Somes (rightmost) with Topakk stars Arjo Atayde and Julia Montes
Maliban kina Arjo Atayde at Julia Montes, nasa cast ng Topakk sina Sid Lucero, Enchong Dee, Kokoy de Santos, Levy Ignacio, Bernard Palanca, Paolo Paraiso, Vin Abrenica, Cholo Barretto, Julio de Leon, Ivan Carapiet, Jeffrey Tam, Gerard Acao, Michael Roy, at Maureen Mauricio. Kasama rin sa pelikula sina Elora Espano, Claire Ruiz, Anne Feo, Bong Cabrera, Manu Respall, Rosh Barman, Victor Medina, Ivan Rivera, Ian Lee, Nico Dans, Yian Gabriel, Raquel Pareño, Precious Laingo, Kayley Carrigan, at Geli Bulaong.

The cast of Topakk during their film’s grand mediacon
Photo/s: Nathan Studios Facebook
ENCHONG DEE
Inusisa ang major cast ng movie kung kailan sila huling tinopakk…
Natigilan si Enchong nang ilang sandali bago sumagot, “Iniisip ko kung kailan talaga ako tinopakk kasi as much as possible, kinokontrol ko talaga yung sarili ko…
“Pero seryoso, as much as possible, kinokontrol ko ang sarili ko kapag may mga saltik na ganun.
“Kasi, di ba, mahirap din na hindi natin… minsan hindi mo rin alam na yung kausap mo pala, e, may sarili ring topakk na pinagdadaanan.
“So, hindi puwedeng sarili ko lang ang iniisip ko pagdating sa topakk ko. Pero may mga pagkakataon na lumalabas, pero hindi naman yung to the point na kailangan mong mag-standing ovation, or mag-granstanding for that matter.”
SID LUCERO
Natatawang pag-amin ni Sid, “Ha! Ha! Ha! Ahh, me… siguro ang buhay ko ay isang malaking katopakkan. So I’m proud to say that I’m working on that.
“And matagal na akong hindi tinotopakk. Ha! Ha! Ha! Ha! If ever, sa taping recently, kasi hindi namin magawa nang maayos ang eksena.
“Pero minor lang iyon kung ikukumpara dun sa buong buhay ko na katopakkan! So, in other words, yeah, I’m proud, I haven’t flipped off.
“Yeah, I’m getting older, nagma-mature na po.”
ARJO ATAYDE
Malumanay na pahayag ni Arjo, “Ako, hindi ko maalala kung kailan but definitely, alam ko, nagkatopakk at meron tayo lahat topakk.
“So definitely I’ll just add on to Enchong’s statement a while ago na, definitely, I think kapag nagkakatopakk ako, I try to breathe in, exhale talaga.
“As in deeply, walk out or walk away, or try to avoid hearing or talking about it, because minsan baka hindi natin alam, may masabi tayo sa tao or dun sa mga tao na may kinalaman dun sa sitwasyon.
“And hindi na natin mababawi yung sinasabi natin, so instead, you walk away, try to take a deep breathe, always try to be the better person.”
JULIA MONTES
Pagsisiwalat naman ni Julia, “Yung totoo po? Kanina lang… mababaw ang ano ko pag sa gutom. Plus ma-harsh ako sa sarili ko po, e.
“So kanina, papunta dito, siyempre naka-mindset ako, kailangan kong mag-ayos. Yung susi, ang tangi kong dala sa araw na yun, e, dapat yung susi ng unit.
“Yun pa yung pinakanaiwan ko. So, papaano kami magsisimulang mag-ayusan kung wala kaming susi ng unit?
“So, medyo brutal ako sa sarili ko pag ganun. Mas tinotopakk ako palagi sa sarili ko more than sa ibang tao.
“Kasi nga, mabilis akong ma-affect. Sensitive akong tao. So yon, ang topakk ko lang, sisimangot ako. Minsan naiiyak pa ako sa sobrang frustration.
“Pero ganun lang naman. At kapag kumain na ako ng masarap na pagkain, automatic, nakangiti na ako. Ganun lang kababaw.”
Ang action-packed thriller na Topakk ay prinodyus ng Nathan Studios, Fusee, at Strawdogs.
Dalawa ang ratings nito sa MTRCB, R-16 (para sa SM cinemas) at R-18.
Pahayag ni Sylvia Sanchez na producer ng Nathan Studios, “Ngayon, gusto kong sabihin na mas naa-appreciate ko ang mga prod people. Kasi, nasa production na ako.
“So, sumaludo ako bigla sa mga staff, sa mga production, dahil ang hirap pala talaga ng ginagawa nila. Halos walang kain, takbo dito, takbo doon, halos walang tulog.
“Unlike yung pag nag-artista ako, pagdating ko sa set, aarte ako, uuwi ako pag natapos. Bayad ako. Sila, ibang klase yung trabaho.
“So yan, nararanasan ko yung magutom! Ha! Ha! Ha! Actually. Gusto mong kumain pero nahihirapan ka, kasi kailangan mong tapusin. Yun lang talaga.
“Tapos kanina pumipitik-pitik yung topakk ko talaga pero kailangan kong kontrolin.
“Dahil pag tinopakk ka, sira ang araw mo, sira lahat!”
Damay-damay na, mga Ka-Maris, este, Ka-Topakk!
News
Nagdulot ng kaguluhan si Matteo Guidicelli sa kanyang ika-35 na kaarawan – Sarah Geronimo beams bago ang malaking anunsyo/hi
On March 26, Matteo Guidicelli officially turned 35 at a cozy yet lavish party. But what made the Philippine showbiz stir was not just the grand birthday celebration, but the shocking announcement he made in front of his family, friends…
News 𝗔𝗝 𝗥𝗔𝗩𝗔𝗟 𝗕𝗜𝗡𝗨𝗟𝗔𝗕𝗢𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥𝗧𝗔𝗜𝗡𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗪𝗢𝗥𝗟𝗗 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗕𝗔𝗟𝗜𝗞𝗔𝗡 𝗡𝗜𝗡𝗔 𝗞𝗬𝗟𝗜𝗘 𝗣𝗔𝗗𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗔𝗧 𝗔𝗟𝗝𝗨𝗥 𝗔𝗕𝗥𝗘𝗡𝗜𝗖𝗔/hi
The showbiz world was shocked when the news of Kylie Padilla and Aljur Abrenica getting back together spread. But more than the public’s surprise, it seemed like a huge emotional blow for AJ Raval. According to a source, AJ could…
Atong Ang Reacts Sa Sexy Looks Nina Sunshine Cruz At Ina Raymundo Sa BENCH Fashion Show 2025! (Panoorin Ngayon)/hi
The **BENCH Fashion Show 2025** catwalk exploded with the charming appearance of two beauties **Sunshine Cruz** and **Ina Raymundo**. Among a series of famous models, the two veteran stars still took the spotlight, making even businessman Atong Ang “freeze” before…
WATCH NOW: Sunshine Cruz and Ina Raymundo Shock with Bold Outfits at BENCH Fashion Show 2024! (video)/hi
The BENCH Fashion Show 2024 event became the center of attention when two famous beauties Sunshine Cruz and Ina Raymundo appeared charmingly on the catwalk. Although they are in their 40s and 50s, both of them still amazed the audience…
SHOCK: Buboy Villar Welcome sa Bagong Bata, Dalawang Anak Sa Angillyn Iniwan? Ano ang Katotohanan?/hi
Actor Buboy Villar once again became the center of discussion when the news of his new child spread across social media. However, what made the public debate was whether his two children with Angillyn Serrano Gorens were really abandoned or…
Aljur Abrenica 35th Birthday❤️Napa-IYAK at Na-SHOCK sa Supresa ni AJ Raval at mga ANAK sa Kanya! (video) /hi
Actor Aljur Abrenica just celebrated his 35th birthday in the most touching way! An emotional surprise brought him to tears when AJ Raval and his children gave him a special gift that he had no idea about. According to the…
End of content
No more pages to load