Anthony Reveals The Controversial 'Overlap' Between Him And Maris With The DonBelle Couple: Accidental Misunderstanding Or Intentional Public Opinion?/hi - News

Anthony Reveals The Controversial ‘Overlap&#...

Anthony Reveals The Controversial ‘Overlap’ Between Him And Maris With The DonBelle Couple: Accidental Misunderstanding Or Intentional Public Opinion?/hi

Anthony, nagsalita sa isyung sinapawan na nila ni Maris ang DonBelle

Nagbigay ng komento ang aktor na si Anthony Jennings kaugnay sa isyung nasasapawan daw nila ni Maris Racal ang “Can’t Buy Me Love” lead stars na sina Donny Pangilinan at Belle Mariano o mas sikat sa tambalang “DonBelle.”

Balita - Tags

Sa isang panayam na mapapanood sa Facebook page ng Pikapika noong Sabado, Pebrero 10, tinanong si Anthony tungkol sa bagay na ito.

 

“Sa akin kasi hindi ko naman binabasa lahat ‘yon, e. Para sa akin kasi, focus ka sa craft mo. Focus ka sa ginagawa mo,” saad ni Anthony.

 

“May mga naririnig akong nagsasabi sa akin ng ganoon. Para sa akin, sabi ko kay Dons [Donny], ‘wag mo nang pansinin ‘yon, tol.’ Kasi kami magkakaibigan talaga kami doon,” aniya.

Anthony, nagsalita sa isyung sinapawan na nila ni Maris ang DonBelle-Balita

 

Dagdag pa niya: “Wala namang ganoon talaga sa amin, e. Siguro sila nagsasabi n’on. Pero sa amin, wala. Mahal namin ‘yong isa’t isa. Wala kaming ‘yong ganoon, ‘yong pakiramdam na mabigat sa isa’t isa.”

 

Saka sa proyektong gaya ng teleserye, ganoon naman daw talaga dapat. Collaborative. Hindi mabubuo ang isang kuwento kung isa lang ang gumagawa. Kailangang magtulungan para magkaroon daw ng mga ugnayan.

 

Matatandaang nagsimula ang “sapaw issue” matapos umani ng papuri sina Anthony at Maris sa kanilang mga eksena sa nasabing teleserye na pinangungunahan nina Donny at Belle.

 

Tinatawag nga ngayon ang tambalan nila ni Maris bilang “SnoRene,” mula sa mga karakter nila sa CBML na “Snoop” at “Irene.”

 

Related Articles

News 1 year ago

News 𝗔𝗝 𝗥𝗔𝗩𝗔𝗟 𝗕𝗜𝗡𝗨𝗟𝗔𝗕𝗢𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥𝗧𝗔𝗜𝗡𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗪𝗢𝗥𝗟𝗗 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗕𝗔𝗟𝗜𝗞𝗔𝗡 𝗡𝗜𝗡𝗔 𝗞𝗬𝗟𝗜𝗘 𝗣𝗔𝗗𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗔𝗧 𝗔𝗟𝗝𝗨𝗥 𝗔𝗕𝗥𝗘𝗡𝗜𝗖𝗔/hi

The showbiz world was shocked when the news of Kylie Padilla and Aljur Abrenica getting…