Vhong nagpa-ty, anak binigyan ng trabaho ni Coco

Coco Martin at Vhong Navarro

Magkakatrabaho sa isang serye sina Coco Martin at Vhong Navarro. Masayang-masaya ang It’s Showtime host dahil matutuloy na ang mga pinag-usapan nila ni Coco noon. “Sobrang saya ko na makakasama at makakatrabaho ko na si Coco. Sa totoo lang matagal na kaming nag-uusap at napagku­kwentuhan na magkaroon na kami ng project together. Doon din kami naging close sa isa’t isa ‘pag nagkikita kami sa mga events at parties. Kaya excited ako na finally matutuloy na rin sa wakas,” mensaheng ipinadala sa amin ni Vhong sa pamamagitan ng Messenger.

Marami umanong natututunan si Vhong mula kay Coco sa tuwing nagkakausap ang dalawa.

“Marami akong natututunan kay Coco sa tuwing nakakausap ko siya. Napakasipag at walang sinasayang na oras pagdating sa trabaho. Saludo ako sa dedikasyon niya,” giit ng It’s Showtime host.

Samantala, sumabak na rin sa show business ang anak ni Vhong na si Yce Navarro. Napapanood tuwing gabi sa FPJ’s Batang Quiapo ang binata. Ayon kay Vhong ay si Coco rin ang may kagustuhan nito. “Ang laki ng pasasalamat ko sa kanya na pinasok niya ang anak ko sa Batang Quiapo. Tinupad niya ang pangarap ng anak ko na maging artista,” pagtatapos ng aktor.

Kitchie, thrilled sa bagong henerasyon

Gaganapin sa June 2 ang Same Ground: Kit­chie Nadal’s 20th Anniversary Concert sa New Frontier Theater. Malaki ang pasasalamat ng Pinoy rock singer dahil sa patuloy na pagsuporta sa kanya ng mga tagahanga. Nakikilala na rin si Kitchie ng mga kabataan mula sa bagong henerasyon. “I am really thrilled another generation will be watching our concert. It is because of them this is possible. I am thankful I still find new audiences and is still resonates across ages. That is one of the reasons I decided to do the concert. It is also for the new generation,” pagbabahagi ni Kitchie.

Halos hindi makapaniwala ang singer-composer na sinusuportahan din ng mga kabataan ngayon ang kanyang musika. Nakakabilang si Kitchie sa Top 10 most-streamed OPM female artists ng Spotify Philippines dahil sa kanyang mga kanta. “I can’t believe it. I am not that active on social media. I am not aware if my songs went viral. It makes me really happy. And again, if it weren’t for them, I wouldn’t have the chance to have this concert,” dagdag niya.

Ayon kay Kitchie ay talagang kaabang-abang ang mangyayaring anniversary concert. Mapapakinggang muli nang live ang mga kantang pinasikat ni Kitchie sa dalawang dekadang nakalipas. “Expect songs from all our abums. We made sure we will play songs from the first album to the latest release. I just want to make sure people will be happy. I’m surprised, some say they are still babies. While some tell me they were in grade school, they were fans. I’m excited to see their faces,” paglalahad ng singer-composer.