Ilang kilalang personalidad sa show business ang pumanaw na, na naging dahilan ng pagkalungkot at panghihinayang ng mga masugid nilang tagasubaybay.

Para sa ilang fans ng celebrities, mahirap tanggapin ang pamamaalam ng kanilang mga iniidolo lalo na kung biglaan ang paglisan nito.

Gaya na lamang ng pagpanaw ng kinikilalang King of Philippine Cinema na si Fernando Poe, Jr., noong December 2014.

Mula sa kaniyang burol hanggang sa paghatid sa kaniya sa huling hantungan, ipinakita ng kaniyang mga tagahanga ang labis na pagmamahal nila sa aktor.

Hindi rin inaasahan ang biglaang pagkamatay ng isa sa mga itinuturing na heartthrob noon na si Rico Yan.

Hanggang ngayon, marami pa rin ang umaalala sa paglisan ng aktor taun-taon, kabilang na ang dati niyang kasintahan at aktres na si Claudine Barretto.

Pumanaw sa edad na 80 ang tinaguriang “Queen of Philippine Movies” na si Susan Roces.

Si Susan ay asawa ng namayapang aktor na si Fernando Poe Jr.

Tingnan ang ilang pang personalidad na gumulat at nagdulot ng matinding lungkot sa mundo ng showbiz dahil sa kanilang pagpanaw:

Cherie Gil

Kasabay ng pagbuhos ng ulan ng gabi ng August 5, 2022, pumutok ang balita na pumanaw na ang nag-iisang Lavinia Arguelles na buong husay na ginampanan ng award-winning actress na si Miss Cherie Gil. Ayon sa Instagram post ni Megastar Sharon Cuneta, nagawa pa niya makita ang kaibigan nang lumipad ito sa New York.

Susan Roces

Noong May 20, 2022 ay pumanaw ang beteranang aktres na si Susan Roces sa edad na 80.

Kasunod ng malungkot at nakakagulat na balita ay ang sunud-sunod na social media posts ng ilang celebrities kung saan inalala nila ang beteranang aktres.

Luz Fernandez

Ang beteranang aktres na si Luz Fernandez ay pumanaw noong Marso sa edad na 86.

Nitong mga nakaraang taon napanood siya sa GMA sitcom series na ‘Pepito Manaloto’ kung saan gumanap siya bilang si Lola Yolanda. Naging parte rin siya ng seryeng ‘Kambal Karibal’ kung saan napanood siya bilang si Magda.

Mahal

Isa sa labis na ikinagulat ng marami ang pagpanaw ng komedyante na si Mahal, o Noeme Tesorero sa tunay na buhay.Huling napanood si Mahal sa GMA-7 noong 2021 sa programang ‘Owe My Love.’

TJ Cruz

Si TJ Cruz ang panganay na anak ng screen icon na si Tirso Cruz III na sumikat ito sa mga pelikula at TV shows noong ’90s.

Namatay ito noong November 21, 2018 dahil sa sakit na cancer.

Fernando Poe, Jr.

Ikinagulat ng lahat nang napabalitang yumao na ang King of Philippine Movies dahil wala naman itong iniindang sakit bago ang kanyang pagkamatay noong December 14, 2004. Thrombosis with multiply organ failure ang cause of death ni Da King. Tinatayang tatlong milyong tao ang nakiramay sa pamilya Poe sa siyam na araw ng burol nito.