Mangiyak-ngiyak na humarap sa Senado ang aktor na si Niño Muhlach para sa isinagawa ng public hearing ng Committee on Public Information and Mass Media na pinamumunuan ni Senator Robinhood “Robin” Padilla.
Ang topic ng hearing ay “Policies of Television Networks and Artist Management Agencies in Relation to Complaints of Abuse and Harassment.”
Ginanap ang hearing kaninang bandang 11 a.m., kung saan dumalo rin ang mga kapwa-artista at senador ni Robin na sina Jinggoy Estrada at Bong Revilla Jr.
Ang pagdinig ay may kaugnayan sa reklamo ng anak ni Niño na si Sandro Muhlach dahil sa diumano’y paglapastangan sa kanyang pagkatao ng dalawang GMA “independent contractors” na sina Jojo Nones at Richard “Dode” Cruz.
NIÑO MUHLACH ON SON SANDRO’S ENTRY TO SHOWBIZ
Si Sandro ay anak ni Niño sa dating partner na si Edith Millare.
Ayon sa beteranong aktor, pinalaki nila ang anak hindi para abusuhin ng iba.
Bahagi ng pahayag ng dating Child Wonder sa kanyang opening statement: “Bilang ama, I may have not been a good husband, I may not have tried my best to be a good husband, but I could proudly say that I did my best or I did my best to be a good father.
“Sa abot ng aking makakaya, yung mga anak namin, tinuruan naming maging magalang, maging marespeto.
“Si Sandro, nung nagsabi siya sa akin na gusto niya mag-artista, sabi ko, ‘Sige, pero hindi kita tutulungan.'”
Wala raw siyang tinawagan na kahit sinong koneksiyon sa showbiz. Pero nagsusumikap daw ang sa pag-o-audition kahit saan.
Nagulat na lamang daw si Niño na sinabihan siya ng anak na natanggap siya sa Sparkle GMA Artist Center, ang talent management arm ng GMA Network.
Lahad niya, “At nagulat na lang ako isang araw, biglang sinabi niya, ‘Pa, natanggap ako ng Sparkle.’ Nakuha siya ng Sparkle.
Nagsimula raw talaga si Sandro sa baba at hindi itinuring ang sariling miyembro ng Muhlach showbiz clan.
Pagpapatuloy ni Niño, “Kahit na may kotse siya, pagka may taping siya, sumasabay siya sa service para walang special treatment, ganoon kababa ang loob ni Sandro.
“Very meek, very tahimik, at sobrang mahal niya talaga yung trabaho niya.”
THE INCIDENT THAT BROKE NIÑO’S HEART
Labis daw nasaktan si Niño nang ilahad sa kanya ni Sandro ang masamang karanasan nito, lalo na’t kilala niya ang isa sa mga inaakusahan.
Saad niya, “Kaya talagang ako’y nasaktan nung kinuwento niya sa akin yung nangyari.
“Kasi, para makita mo yung anak mo na nanginginig at halos hindi niya mahawakan yung telepono niya.
“Nung ikinukuwento niya sa akin, yung ginawa sa kanya, lalo na si Jojo Nones, katrabaho namin siya sa Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.
“Siya po yung headwriter namin. At sobrang galang ko sa kanya, sobrang respeto ko sa kanya.”
Kahit saan daw sila magkitang events, si Niño ang laging unang bumabati rito.
“Sir Jojo” pa nga raw ang tawag ni Niño kay Nones.
Ang Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis ay ang action-comedy series na pinagbibidahan ni Bong Revilla.
“Kaya di ko talaga matanggap na nagawa niya sa anak ko.
“Yung isa naman, di ko naman siya kilala, e,” pagtukoy ni Niño kay Dode Cruz.
Ayon sa dating Child Wonder, labis-labis ang sama ng loob niya kay Nones.
Dagdag niya, “Makita niya lang po ninyo yung anak ko talaga.”
Ayon pa sa aktor, unang nagkuwento si Sandro tungkol sa nangyari sa kanya sa nakababatang kapatid nitong si Alonzo.
Sabi raw ni Sandro kay Alonzo, “Bro, sana huwag mangyari sa inyo yung nangyari sa akin.”
NIÑO ON ATTEMPTS TO TWIST THE STORY
Hindi rin daw makapaniwala si Niño na nangyari ito sa kanyang sariling anak, na kabilang sa isang prominenteng pamilya sa showbiz.
Bukod kina Niño at Sandro, kabilang din sa Muhlach clan sina Aga, Arlene, Atasha, Andres, AJ, Almira, Alyssa, at ang yumaong aktres na si Amalia Fuentes.
“Nakakasama lang talaga ng loob,” himutok ni Niño.
“Kung kaya nilang gawin sa… hindi ko naman po binubuhat yung aking bangko, pero sa isang pamilya talaga na malaki na ang kontribusyon sa industriyang ito. What more sa iba? What more sa mga baguhan?
“Di ko naman sinasabi talaga na may ginawan sila na iba, pero di po ba, kung nakaya nilang gawin sa isang pamilya na may pundasyon na sa industriyang ito, what more sa iba?”
Pinalagan din ni Niño ang pagbabaligtad umano ng kabilang kampo sa totoong kuwento.
Aniya, “Tapos ngayon, binabaliktad pa nila yung sitwasyon. Hindi ko sinabing GMA, ha.
“Binabaligtad nina Jojo at Richard yung nangyari sa mga comments nila, sa mga press release nila.
“Nakakasama lang ng loob na kung sino pa yung may sala, yan pa yung nagagawang magbaligtad na storya.”
Diin pa ni Niño, “Kahit sino naman sigurong ama or magulang, ganito rin ang mararamdaman para kay Sandro.
“Ngayon po, right now, he’s undergoing counselling.
“Hindi po nabanggit ng NBI [National Bureau of Investigation], pero nandun po si Sandro ngayon sa NBI, sa Behavioral Science.
“Right now, he’s undergoing counselling.”
Sa huli, nagpasalamat si Niño sa lahat ng mga naghayag ng suporta sa anak niyang si Sandro.
Pagkatapos ng statement ni Niño, makikitang lumapit sa kanya ang ilang medics para kunan siya ng blood pressure dahil tumaas umano ang kanyang presyon.
SENATE TO SUMMON JOJO NONES, RICHARD CRUZ
Hindi dumalo sa pagdinig sina Jojo Nones at Richard Cruz, kahit pinadalhan sila ng imbitasyon ng Committee on Public Information and Mass Media.
Sa halip, nagpadala lamang sila ng sulat upang ipaliwanag ang kanilang posisyon.
Ito ang bahagi ng nilalaman ng kanilang sulat:
“Please be informed that we are not employees or part of the management of GMA Network or Sparkle Artist Management Agency which is/are the right person/persons to discuss on the policy of the television network and/or artist management agency in relation to complaints for abuse and harassment filed before them.
“Most importantly, we are currently respondents in the criminal case filed by Mr. Sandro Muhlach for alleged sexual harassment/sexual abuse.
“There are on-going investigations conducted on these cases already. In fact, we are directed to submit our corresponding counter-affidavits on these cases.
“At the onset, we deny all the accusations against us. We did not commit any sexual harassment or sexual abuse against Mr. Muhlach.
“Since he already filed a case against us, we opt to prove our innocence before this forum.
“We hope this Honorable Committee will respect our decision not to attend in this hearing, not only because we have nothing to contribute on the policies of tv networks and talent management agencies that will aid in legislation but also because as respondents in a criminal case any statements we made under oath may be used against us in the pending case which may be detrimental to our defense.
“This will thereby preempt the result of the criminal investigation being conducted on our cases.
“Moreover, we want to avoid the situation wherein we will be asked with questions during the hearing which will be tantamount to publicly subjecting us to cross examination on the facts of the case which only happens to an accused being tried in a criminal case in court when we are not even indicted for sexual harassment or sexual abuse before the proper prosecutor’s office.
“Both of us have been in the show business industry for more or less thirty (30) years, working with various male artists. Records can attest that our names have never been dragged to any scandal.
“No single complaint, criminal or otherwise, is ever filed against us. We were able to keep our reputation untainted until this issue came out.
“Thus, we resolved to keep ourselves away from the public and be the subject of humiliation and ridicule until the cases against us are finished. At any rate, we undertake to follow the criminal procedures on the cases filed against us.”
Binasa ito ni Senator Jinggoy Estrada habang isinasagawa ang hearing, pero pinunit niya ito.
Nagmosyon kaagad si Estrada na ipa-subpoena sina Nones at Cruz sa susunod na hearing.
Nag-second the motion naman si Senator Bong Revilla, at kaagad na sinabihan ni Senator Robin Padilla ang secretariat na maglabas ng subpoena para kay Nones at Cruz.
Samantala, may ilang netizens ang kumukuwestiyon kung bakit kailangan pang magsagawa ng Senate investigation tungkol sa sexual harassment complaint ni Sandro.
Bagamat seryosong usapin ito, hindi na umano kailangan pang umabot sa Senado lalo pa’t may inihain nang pormal na reklamo si Sandro sa NBI, na ang pangunahing layunin ay imbestigahan ang reklamong inihain sa kanila.
May mga nagkokomento tuloy na dahil sa koneksiyon ni Niño sa mga senador na nasa mundo rin ng showbiz kaya ito nagkaroon ng pagdinig sa Senado.
Kung tutuusin daw ay mas marami pang mas seryoso at mas mabibigat na isyu ang bansa na mas dapat pagtuunan ng pansin.