Nagluluksa ang Philippine showbiz industry dahil sa pagpanaw ng movie producer at showbiz icon na si Lily Monteverde ngayong Linggo ng umaga, Agosto 4, 2024.
Mas kilala ng lahat sa tawag na “Mother Lily,” pumanaw ang Regal Films matriarch sa Medical City, Pasig City.
Siya ay magdiriwang sana ng kanyang 85th birthday sa August 19.
Kinumpirma ng isa sa mga anak ni Mother Lily, si UP Fighting Maroons head coach Goldwin Monteverde, ang malungkot na balita sa pamamagitan ng text message nito sa GMA News.
Si Mother Lily ay binawian ng buhay matapos lamang ang anim na araw mula nang pumanaw ang kanyang asawa na si Leonardo “Father Remy” Monteverde noong Hulyo 29, 2024.
Inihatid si Father Remy sa kanyang huling hantungan sa Heritage Park, Taguig City, noong Sabado ng tanghali, Agosto 3, 2024.
Kinabukasan, ang kanya namang kabiyak ang pumanaw.
Naulila ni Mother Lily ang kanyang mga anak na sina Winston, Sherida, Roselle, Dondon, at Goldwin.
MOTHER LILY’S LEGACY IN PHILIPPINE SHOWBIZ
Hindi matatawaran ang mga kontribusyon ni Mother Lily sa industriya ng pelikula at telebisyon.
Nag-umpisa ang Regal Films noong Agosto 1962 nang manghiram si Mother Lily ng sampung libong piso mula sa kanyang kapatid na si Jessie Yu para makuha niya ang karapatang ipalabas sa mga sinehan sa Pilipinas ang foreign movie na All Mine To Give (1957).
Hindi nagkamali ang pulso at pakiramdam ni Mother Lily dahil pinilahan sa takilya ang pelikula.
Kumita siya ng kalahating milyong piso at mula noon, nagkasunud-sunod na ang mga proyekto ng Regal Films.
Ang unang pelikulang iprinodyus ng Regal Films ay ang Araw-Araw, Gabi-Gabi, na ang kuwento ay inspirasyon mula sa All Mine To Give.
Si Charito Solis ang bida sa Araw-Araw, Gabi-Gabi, at si Didith Reyes naman ang kumanta ng theme song ng pelikulang ipinalabas sa mga sinehan noong Setyember 21, 1975.
Pinilahan din ito ng mga manonood.
FROM MOVIE FAN TO MOVIE PRODUCER
Ipinagmamalaki ni Mother Lily ang pagiging movie fan, ang pagtakas niya sa school para pumunta sa Sampaguita Pictures studios, at ang pag-akyat niya sa bakod para makita ang kanyang mga paboritong artista.
Nang maging producer si Mother Lily ng Regal Films, nakabili siya ng lupa at bahay sa Valencia St., Quezon City, na katapat na katapat ng Sampaguita Pictures studios.
Naging kaibigan din niya ang mga producer ng Sampaguita Pictures.
Ilan sa critically-acclaimed films ng Regal Films ay ang Manila By Night, Sister Stella L., Scorpio Nights, Relasyon, at Broken Marriage.
Siya rin ang responsable sa popularidad ng Mano Po at Shake, Rattle & Roll franchises.
Photo/s: Regal Films
Maraming mga artista ang pinasikat ng film company ni Mother Lily.
Kabilang dito sina Maricel Soriano, Dina Bonnevie, Gabby Concepcion, William Martinez, Rio Locsin, Alma Moreno, Snooky Serna, Ruffa Gutierrez, Richard Gomez, at Manilyn Reynes.
Gumawa rin ng pelikula sa Regal Films ang mga respetadong aktor na sina Fernando Poe Jr., Susan Roces, Dolphy, Vilma Santos, Nora Aunor, Phillip Salvador, Eddie Garcia, Christopher de Leon, Nida Blanca, at Charito Solis.
May kasabihan sa showbiz na hindi kumpleto ang acting career ng mga artista kapag hindi nila naranasang makatrabaho si Mother Lily at magkaroon ng proyekto sa Regal Films.
MESSAGES OF SYMPATHY
Hindi pa man naglalabas ng opisyal na pahayag ang pamilya ni Mother Lily ay marami na ang nagpaabot ng kanilang pagdadalamhati, sa pamamagitan ng social media.
Kabilang sa mga unang nag-post ng mensahe ay ang inaanak sa binyag ni Mother Lily na si Senator Grace Poe.
Mensahe ng senadora sa kanyang Facebook post, kalakip ang mga larawan kasama ni Mother Lily: “I’m so sorry and sad to hear about Mother Lily’s passing.
“My Ninang Mother always believed in me and assured me whenever I doubted myself. She has helped so many and she will never be forgotten. She was, and will always be, a Titan in the Philippine movie industry.
“Our deepest sympathies and condolences to her family and loved one.”
Si Senator Grace Poe ay anak ng mga yumaong King and Queen of Philippine Movies na sina Fernando Poe Jr. at Susan Roces, na parehong malapit kay Mother Lily.
Get more updates on the Philippine entertainment industry on PEP.ph
News
COLEEN GARCIA NAGSALlTA NA SA TUNAY NA NANGYARl KAY BILLY CRAWFORD! (lee)
Matapos ang ilang linggong spekulasyon at usap-usapan sa social media, sa wakas ay nagsalita na si Coleen Garcia upang linawin ang tunay na nangyari sa kanyang asawa na si Billy Crawford. Sa isang eksklusibong panayam, nagbahagi si Coleen ng buong…
Coleen Garcia NAGSALITA NA sa TUNAY na LAGAY ni Billy Crawford PUMANAW NA? (lee)
Sa kabila ng mga usap-usapan at maling impormasyon na naglipana sa social media, nagsalita na si Coleen Garcia upang linawin ang tunay na kalagayan ng kanyang asawa, ang sikat na singer-actor na si Billy Crawford. Kamakailan, isang serye ng mga…
Vice Ganda NAAAWA sa KALAGAYAN ni Billy Crawford NGAYON KRITIKAL NABA si Billy? (lee)
Usap-usapan ngayon sa social media ang tungkol sa kalagayan ng singer-actor na si Billy Crawford matapos kumalat ang balitang siya umano’y nasa kritikal na kondisyon. Sa kabila ng mga haka-haka, nilinaw ni Vice Ganda, malapit na kaibigan ni Billy, ang…
KARYLLE NAPAIYAK NANG MAKITA SA HULING SANDALI SI BILLY CRAWFORD! (lee)
Isang emosyonal na tagpo ang naganap kamakailan sa It’s Showtime nang biglang nagpakita si Billy Crawford sa studio, na nagdulot ng sorpresa at luha sa kanyang dating co-host na si Karylle. Sa hindi inaasahang pagkakataon, bumisita si Billy sa naturang programa bilang…
VHONG NAVARRO iSiNiWALAT ANG TUNAY NA NANGYARi KAY BILLY CRAWFORD! (lee)
Matapos kumalat ang mga espekulasyon tungkol sa kalagayan ni Billy Crawford, nagsalita na ang kanyang matalik na kaibigan at kasama sa industriya na si Vhong Navarro upang ilahad ang katotohanan. Sa isang panayam, ipinaliwanag ni Vhong ang tunay na nangyari…
Billy Crawford NAGSALITA NA sa BALITANG PUMANAW NA SIYA, APEKTADO NA si Coleen! (lee)
Hindi na nakapagtimpi ang singer-aktor na si Billy Crawford matapos kumalat ang balitang pumanaw na umano siya. Sa isang eksklusibong panayam, binasag ni Billy ang katahimikan at nilinaw ang kumakalat na fake news tungkol sa kanyang pagkamatay. Ayon sa kanya,…
End of content
No more pages to load