Cafe owner goes viral for looking incredibly young at 52 (lee)

Photos of cafe owner

Fifty-two years old na si Lee Hyo Jong ng Seoul, South Korea, pero mukha siyang 25 pa lang. Komento ng mga humahangang netizens, ang kanyang pagiging slim at radikal na fashion style ay nakatulong nang malaki para magmukha siyang bata. (Photos courtesy of K!) 

Sikat ang London Bagel Museum Cafe sa Gangnam, Seoul, South Korea, dahil sa masasarap nitong pastries at friendly environment.

Pero sa ngayon ay may dagdag na atraksyon dito—ang owner na si Lee Hyo Jong.

Fifty-two years old na si Lee, pero kung titingnan ay para lang siyang 25.

Lee Hyo Jong baking breads

Abala si Lee Hyo Jong sa pag-aayos ng mga tinapay sa kanyang cafe. Photo: Screenshot at Koreaboo

Ang kanyang tunay na edad ay naging hot topic sa The Qoo, isang online bulletin board sa South Korea, matapos may mag-post ng kanyang mga larawan.

Batay sa impormasyong nakalagay sa The Qoo, ipinanganak si Lee noong 1973.

SUCCESSFUL NA NEGOSYANTE RIN ANG CAFE OWNER

Hindi makapaniwala ang netizens, at ang opinyon ng ilan sa kanila, slim kasi ang cafe owner.

Nakakatulong din umano sa kanyang pagiging mukhang bata ang kanyang paraan ng pananamit at pagiging fashionista.

Lee Hyo Jong showing her radical fashion sense

Nakatulong sa pagiging mukhang bata pa ni Lee Hyo Jong ang kanyang radical fashion sense. Photo: Screenshot at Koreaboo

Ayon sa Korean news website na Koreaboo na nalathala noong August 25, 2024, bukod sa negosyong bakery and cafe, pag-aari rin ni Lee ang fashion store na Artist Komplex.

May dalawa pa siya cafes sa Seoul, ang Café Highwaist na sikat dahil sa mga ino-offer na iba’t ibang scones, at ang Café Layered na isang vintage animal cake shop.

Pero mas visible siya sa kanyang London Bagel Museum Cafe sa Gangnam.

RADICAL FASHION STYLE NG CAFE OWNER

Sa kabila ng pagiging busy sa kanyang mga negosyo, may time si Lee para maging fashionista at makikita iyon sa kanyang radical fashion style.

Malaking bagay rin na slim siya kaya maganda ang fit ng mga damit sa kanya, and carry niyang maging trendy dahil aakalain mong millennial siya.

Lee Hyo Jong drinking coffee

Dagdag na atraksyon sa kanyang cafe si Lee Hyo Jong para sa mga customers na gustong makita siya nang personal. Photo: Screenshot at Oddity Central

Ang kanyang fashion sense ay nagmumula sa casual, grunge, artsy at kung minsan ay masasabi na ring eccentric.

At nairarampa niya ang kanyang repertoire nang may pagkamisteryosa at hindi mapapantayang aura.

CAFE OWNER NANANATILING LOW PROFILE

Kahit naging online sensation, hindi sinasakyan ni Lee ang kanyang instant popularity.

Nananatili siyang low profile, at tinatanggihan ang imbitasyon ng traditional media at maging ng mga social media influencers na siya ay makapanayam.

Hindi rin siya nagbibigay ng reaction o nagkokomento kung bakit siya forever young.

Sa halip, inilalaan niya ang panahon sa kanyang mga negosyo.

Madalas siyang makitang nag-iisa habang naglalakad, o kaya ay nonchalant na umiinom ng kape.

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2024 News