Vice Ganda angrily criticizes after Chelsea Manalo’s loss leaves everyone stunned (nuna)

Vice Ganda and Chelsea Manalo

Vice Ganda (left), netizens, and beauty queens take to social media their continuous show of support for Chelsea Manalo (right) even after her failure to advance to Top 12 of Miss Universe 2024. 
PHOTO/S: @praybeytbenjamin on Instagram / Miss Universe on Facebook

Nalungkot at dismayado ang Filipino pageant fans nang hindi matawag si Chelsea Manalo sa Top 12 ng 73rd Miss Universe pageant.

Si Chelsea ang kinatawan ng Pilipinas sa prestigious international pageant na ginanap sa Mexico City, Mexico ngayong Linggo, November 17, 2024 (Philippine time).

Unang nabuhayan ng dugo ang Filipino fans nang makapasok si Chelsea sa Top 30 finalists.

Pero tumamlay ang fans nang tawagin na ang Top 12 finalists.

Hindi pumasok si Chelsea.

Ang Top 12 ay sina: Bolivia, Mexico, Venezuela, Argentina, Puerto Rico, Nigeria, Russia, Chile, Thailand, Denmark, Canada, Peru.

Bilang coping mechanism, may pageant fans na idinaan na lang sa humor ang pagkatalo ni Chelsea.

Una na rito si Vice Ganda na kilalang pageant fan at aktibo sa social media tuwing Miss Universe pageant.

While ongoing ang pageant, tuloy-tuloy na sa pag-tweet si Vice sa X (formerly Twitter).

Una niyang pinansin ang pagiging magalaw ng host na si Miss Universe 2012 Olivia Culpo.

“Olivia puyat ako at nakainom. Baka pwedeng wag masyadong malikot hinihilo moko ats! Relax! Go Chelsea!” unang tweet ng It’s Showtime host.

Vice Ganda tweet
Halatang na-impress si Vice sa performance ni Chelsea sa swimsuit competition.

“Ayan ganyan Chelsea! Gusto ko yang rampang parang may pinapahid ka sa gutter. Laban!” pagtukoy sa pasarela walk ni Chelsea.

Humirit pa siya sa outfit ng backstage host na si Miss Universe 2018 Catriona Gray.

“Natatakot ako baka cooking show tong Miss U! Naka apron si Catriona e,” biro niya sa backless white outfit ni Catriona.

Ang sumunod niyang komento ay bilang reaksiyon sa hindi pagkakatawag ni Chelsea sa Top 12.

Ani Vice, “Ahhh ehhhh. Ok. Bye. Zzzzzzzzzzzzzzzz!”

Pahabol niya, “Thanks Chelsea! Have a safe flyt back home! [heart emojis]”

Vice Ganda tweets

NETIZENS REACT WITH HUMOR

Hindi rin nagpapigil ang netizens sa kanilang funny comments.

Ang isa, kumonsulta pa sa A.I. na ChatGPT na humihingi ng paliwanag kung bakit ligwak si Chelsea sa Top 12.

Ang nakatatawang sagot ng ChatGPT: Ang problema kay Chelsea kulang sa pagkukusa; laging naghihintay na tawagin bago pumunta sa unahan.

“Sa ganyang kompetisyon, mahalaga ang presence of mind at ang pagiging proactive.

“Sa susunod, kahit hindi tawagin sa Top 12, magkusa na lang pumunta sa harap at ipakita ang kanyang kumpiyansa.

“Ang pagkukusa ay mahalaga dahil dito lnakikita ang pagiging handa at sigasig sa anumang sitwasyon.

“Hindi dapat hintayin ang utos; dapat nauuna pa sa aksyon.”

ChatGPT tweet

Isang netizen naman ang nag-post ng video ng lalaking binasag ang malaking smart TV na nakadikit sa pader.

Caption ng netizen dito: “Filipinos after watching that Chelsea Manalo didn’t enter the top 12”

Tweet man breaking TV
May netizen din ang nag-post ng screenshot ng backstage host na si Catriona na mukhang hindi natutuwa.

Description ng netizen: “after di matawag Philippines.”

Catriona Gray
Pero ramdam pa rin ang pagbuhos ng suporta kay Chelsea kahit nabigong masungkit ang korona.

Nag-post ng suporta ang kapwa niya beauty queens na si Janine Tugonon, Michelle Dee, MJ Lastimosa, at Wynwyn Marquez.

Janine Tugonon tweet

MJ Lastimosa

Winwyn Marquez

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2024 News