
Kyline Alcantara (in pink dress) and Sarah Lahbati (in black top) recently bond at the latter’s birthday celebration amid reported falling out after they unfollowed each other on Instagram.
PHOTO/S: Screengrab @TikTok
On good terms na ba ulit sina Kyline Alcantara at Sarah Lahbati?
Ito ang tanong ng ilang netizens makaraang maispatan si Kyline na dumalo sa birthday celebration ni Sarah.
Noong October 9, 2024, ipinagdiwang ni Sarah ang kanyang 31st birthday.
Nangyari ang pagkikita ng dalawa, halos dalawang linggo matapos matuklasan ng kanilang fans na in-unfollow na nila ang isa’t isa sa Instagram.
Sa kumakalat na video ngayon sa TikTok, makikita sina Kyline at Sarah na kumakanta sa isang bar kasama ang iba pa nilang kaibigan.
May pagkakataon ding nag-duet pa sina Kyline at Sarah sa kantang “Buwan” ni JK Labajo.
Caption ng uploader, “Kyline with Sarah Lahbati. Last night ganap (event).”
NETIZENS REACTION
Dahil sa muling pagsasama ng dalawa, marami sa kanilang tagahanga ang natutuwa.
Komento ng isang netizen (published as is), “Thank God, bati na sila.”
Saad pa ng isa, “yeeeyy ok na sila ni Sarah.. ay mga bhe Ganda ng Boses ni Sarah [hand clap emojis] Ang simple lng nila Jan ni Kyline.”
Dagdag pa ng isa, “ok namn talaga cla… binigyan lang ng meaning ung pag unfollow nila bea at sarah kay @kyline alcantara , may dahilan kc kaya ginawa nilang gnun pero ndi sila galit.”
KYLINE-SARAH RELATIONSHIP
Magkapatid kung magturingan sina Kyline at Sarah kaya naman malaking palaisipan sa kanilang fans ang biglaang pag-unfollow-an nila sa Instagram.
December 2023 nang nagsimulang mapansin ang pagiging malapit ng dalawa matapos i-upload ni Kyline sa kanyang Facebook page ang litrato ng naging bonding nila ni Sarah.
Makikita rito ang candid photo ng dalawa habang masayang nakangiti na animo’y nagtatawanan.
Kalakip nito ang caption na, “Celebrating the elegance of womanhood [heart emoji].”
Walang binanggit na detalye ang dalawa tungkol sa kanilang naging pagkikita, pero hinala ng netizens na may kaugnayan ito sa pinagdadaanan nilang kontrobersiya.
Noong mga panahong iyon ay napapabalita ang pagkakahiwalay nila sa kani-kanilang dating mga partner — si Mavy Legaspi kay Kyline at si Richard Gutierrez naman kay Sarah.

Photo/s: Sarah Lahbati on Instagram
January 20, 2024, ibinida ni Kyline sa kanyang Instagram Story ang naging dinner date nila ni Sarah.
Aniya, “My lovely ate @sarahlahbati. Love you.”

Photo/s: Kyline Alcantara on Instagram
February 8, muling naulit ang pagpu-post ni Kyline sa kanyang Instagram ng litrato nilang magkasama ng nakahiwalayang asawa ni Richard.

Photo/s: Kyline Alcantara on Instagram
Noong March 27, nag-post si Kyline sa kanyang Instagram Story ng larawan nila ni Sarah, kalakip ang pasasalamat niya rito.
Makikita sa litrato na inaayos ni Sarah ang kuwintas ni Kyline, na naka-pose sa camera.
Ani Kyline, “I love you forever big siz. Thank you for always taking care of me. I got you for life.”

Photo/s: Kyline Alcantara on Instagram

Photo/s: Kyline Alcantara on Instagram
May 21, magkasama sina Kyline at Sarah sa Siargao para sa isang free diving.
Caption ni Kyline sa kanyang post (published as is), “grateful that I found a sister like you, @sarahlahbati.”
Nireplayan ito ni Sarah ng (published as is), “Ily forever, lil sis.”

Photo/s: Kyline Alcantara on Instagram
June 5, in-upload ni Sarah ang TikTok video niya kasama si Kyline.

Photo/s: Sarah Lahbati on TikTok
Noong August 1, huling nasilayan ng publiko ang interaksiyon ng dalawa nang i-repost ni Sarah sa kanyang Instagram Story ang picture mula sa photoshoot ni Kyline sa isang magazine.
“That’s my sis,” saad niyang caption sa litrato ni Kyline.

Photo/s: Sarah Lahbati on Instagram
Samantala, hanggang ngayon ay nananatili pa ring naka-unfollow sina Kyline at Sarah sa isa’t isa.
News
Lumabas sina Kim Chiu at Paulo Avelino sa screening ng pelikulang ‘And the Breadwinner Is’ na marami pang bagay na dapat ibunyag….. (nuna)
Kim Chiu and Paulo Avelino made the rounds on social media after being spotted at the blocking screening for “And the Breadwinner Is…” Kim Chiu at Paulo Avelino, spotted sa block screening ng ‘And the Breadwinner Is’ (@annecurtissmith, @chinitaprincess) Source:…
Boy Abunda, humiling na huwag husgahan sina Bea Alonzo at Dominic Roque sa kanilang breakup (nuna)
Umapela ang King of Talk na si Boy Abunda sa publiko na pairalin ang kabutihan at huwag husgahan sina Bea Alonzo at Dominic Roque matapos na maghiwalay ang dalawa.Dahil sa panibagong kabiguan sa pakikipagrelasyon ni Bea, sinabi ni Tito Boy…
Sunshine Cruz, Atong Ang kissing video goes viral (nuna)
Atong Ang at Sunshine Cruz A kissing video of actress Sunshine Cruz and businessman Atong Ang went viral on social media. In a video uploaded on TikTok, Sunshine was seen kissing Atong while in an unknown cockpit arena. It can…
Denise Julia Responds to BJ Pascual’s Accusations of Canceling a Photoshoot (nuna)
R&B singer Denise Julia (left) speaks up after celebrity photographer BJ Pascual (right) named her as the “worst celebrity/model to shoot.” PHOTO/S: Instagram / YouTube Sumagot na ang R&B singer na si Denise Julia sa mga akusasyon sa kanya ng…
KC hopes relationship with mom Sharon will be “ok” soon (nuna)
KC Concepcion (left) on mom Sharon Cuneta (right): “Christmas will always be about love, laughter, and time with family for me… ending the year right with a conversation between Mama and I. She always makes the holidays extra magical and…
Julia Barretto thinks it’s okay to walk away from this situation (nuna)
Julia Barretto on trusting the people closest to her: “I feel like yung mga nasa paligid namin, that stood the test of time. Kumbaga, parang napatunayan na ang loyalty, and parang good naman para sa amin, so far masaya naman…
End of content
No more pages to load