Nag-viral ang 107-year-old grandma dahil sa kanyang “longevity horn” sa noo. Pinayuhan siya ng netizens na huwag ipaopera dahil baka iyon ang sikreto ng kanyang long life. Tinawag din siyang “unicorn.” (Photo courtesy of PHJ)
Ginulat ng lolang centenarian na nakilala sa tawag na Chen ang netizens ng China nang may mag-post ng kanyang video sa Douyin, ang Chinese version ng TikTok.
Ang video ay ibinahagi naman ng YouTube channel na Perfect Harmony Journal last October 31, 2024.
Si Chen ay 107 years old na.
Residente siya ng Puning sa Chinese Province of Guangdong.
Dahil sa horn na tumubo sa kanyang noo, tinawag si Grandma Chen ng netizens na isang unicorn. Photo: Screenshot at PHJ YouTube
Sa video ay makikita na mayroon siyang four-inch “horn” na nakapuwesto sa kanyang forehead.
Nag-viral ang horn ni Chen at na-pick up ng halos lahat ng malalaking media company sa buong mundo.
Maraming netizens ang nagsabing baka dahil sa kanyang kakaibang horn kaya humaba ang kanyang buhay.
Tinawag nila iyon na “longevity horn.”
Inihalintulad din nila si Chen sa isang unicorn.
GRANDMA NANATILING HEALTHY, PAGKAKAROON NG “HORN” IPINALIWANAG NG MEDICAL EXPERTS
Batay sa mga naglabasang impormasyon mula sa iba’t ibang news websites, walang nabanggit kung kailan nagsimulang tumubo ang longevity horn ni Chen.
Pero tila walang effect ito sa health dahil nananatiling malusog ang grandma.
Hindi nakakaapekto sa health ni Grandma Chen ang horn na tumubo sa kanyang noo. Photo: Screenshot at PHJ YouTube
Natukoy ng mga doktor ang nasa forehead ni Chen: isa itong cutaneous horn.
Ang ganitong medical condition ay karaniwang inuugnay sa sobrang matagal na pagbibilad sa sikat ng araw.
Kalimitang benign ito, pero ipinapayo ng mga medical experts na kung tutubo ito sa isang tao, kailangan itong i-monitor.
May slight risk umano ito na maging malignant.
KASO NG GRANDMA, HINDI NAG-IISA
Hindi lang si Chen ang senior citizen na napabalitang tinubuan ng cutaneous horn.
Noong 2019, ang 74-year-old Indian man na si Shyam Lal Yadav ay nagkaroon din nito.
Apat na pulgada rin ang naging haba, pero sa bumbunan niya iyon tumubo.
Mas malaki rin ang diameter.
Inoperahan si Shyam para maalis ang kanyang horn.
Ang kaso ng Indian national ay patunay na hindi isolated ang pagkakaroon ng horn ni Grandma Chen. Photo: IT
Natuklasan kasi sa pagsusuring ginawa sa kanya na hindi malalim ang pagkakabaon ng mga ugat ng cutaneous horn sa kanyang skull.
Ang isang tinanggalan ng cutaneous horn ay karaniwang sumasailalim sa radiation o chemotherapy.
Ang pinagtanggalan naman ay tinatapalan ng hiniwang balat mula sa inoperahan para matakpan ang naging base ng horn.
Napag-alaman na walang plano si Chen na ipatanggal ang kanyang longevity horn.
Iyon din ang payo sa kanya ng mayorya ng Chinese social-media users.
Ayon sa isang nagkomento, katulad ni Chen ay may tumubo ring parang sungay sa noo ng kanyang grandma.
Dagdag pa niya, “She went to the hospital to have it removed, but died two days after she came back.”