
Sue Ramirez is spotted giving Dominic Roque a sweet kiss on the lips while they are in a bar in Siargao Island.
Usap-usapan ngayon online kung may espesyal bang ugnayan sina Sue Ramirez at Dominic Roque.
Ito’y matapos silang makunan ng video habang naghahalikan sa isang bar.
Sa video na kuha ng netizens, makikita si Sue na nakasuot ng puting dress, habang si Dominic naman ay nakasuot ng black na T-shirt at cap.

Photo/s: Screengrab @Reddit
Nakaupo sila habang pinapalibutan ng kanilang mga kaibigan nang biglang hawakan ni Sue ang mukha ni Dominic, dahilan para sunggaban siya ng aktor at tuluyang magdikit ang kanilang mga labi.

Photo/s: Screengrab @TikTok
Matapos maghalikan, makikita pa ang paghawak ni Dominic sa kamay ni Sue bago ito tuluyang tumayo.

Photo/s: Screengrab @TikTok
Ayon sa Reddit, kuha ang video nina Sue at Dominic sa isang bar sa General Luna, Siargao, kunsaan parehas na nagbabakasyon ang dalawa.
Tila tugma naman ito sa Instagram Stories at post nina Sue at Dominic.
Nitong Huwebes, November 7, 2024, nag-post si Sue sa Instagram ng larawan niya habang siya ay nasa Lamari, Siargao.

Photo/s: Sue Ramirez on Instagram
Ngayong Biyernes, November 8, nag-post si Dominic sa kanyang Instagram Stories habang siya ay nasa isang resort sa General Luna, Siargao.

Photo/s: Dominic Roque on Instagram
NETIZENS’ REACTION
Kung marami ang napapatanong sa ugnayan nina Sue at Dom, may ilang netizens naman ang ikinatutuwa ang pagsasama ng dalawa lalo na’t parehas naman daw sila ngayong walang karelasyon.
Komento ng isang netizen sa Reddit (published as is): “both are single naman, so go lang.”
Saad pa ng isa, “Okay lang naman if nag gegetting to know sila. I really like Sue din as a person, like if may makakavibe ako na artista, si Sue yon. Pretty na may sense of humor and unproblematic. Parang bagay nga sila ni Dom talaga. Si OA (Sue) at si nonchalant (Dom). Sue tend to attract calm boys ano? Hahahahaha.”
Saad naman ng isa pa, “Di ba si Sue yung ka love triangle ng Kathniel sa Pangako Sa’yo? Infairness hindi sya na link kay Daniel. Wala din silang issue ni Kath so ok nga lang talaga if magkatuluyan sila ni Dom.”
“They look like just casually hanging-out. But if ever they’ll date talaga, go for it. Mukang mabuting tao naman sila pareho and both are single,” dagdag pa ng isa.
SUE RAMIREZ’S EX-BOYFRIEND?
Si Victorias City, Negros Occidental Mayor Javi Benitez ang huling napabalitang karelasyon ni Sue, bagamat hindi pa tukoy kung sila pa rin hanggang ngayon.
Kamakailan lamang ay naintriga ang kanilang relasyon nang mapabalitang nagwakas na ang halos limang taon nilang pag-iibigan.
Habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang pahayag sina Sue at Javi kung ito ay may katotohanan.
DOMINIC ROQUE’S PAST ROMANCE WITH BEA ALONZO
Samantala, si Dominic naman ay kumpirmadong single ngayon matapos niyang mahiwalay sa ex-fiancée niyang si Bea Alonzo.
Noong February 11, nag-post ang dalawa sa social media upang kumpirmahin ang kanilang desisyong tapusin na ang kanilang relasyon, halos pitong buwan matapos mag-propose ni Dominic kay Bea noong July 18, 2023.
Sa pamamagitan ng Instagram at Facebook, ibinahagi ni Bea na mutual decision nila ni Dominic na maghiwalay.
May ilang female celebrities na rin ang nauugnay kay Dominic makaraan niyang maging single.
News
Lumabas sina Kim Chiu at Paulo Avelino sa screening ng pelikulang ‘And the Breadwinner Is’ na marami pang bagay na dapat ibunyag….. (nuna)
Kim Chiu and Paulo Avelino made the rounds on social media after being spotted at the blocking screening for “And the Breadwinner Is…” Kim Chiu at Paulo Avelino, spotted sa block screening ng ‘And the Breadwinner Is’ (@annecurtissmith, @chinitaprincess) Source:…
Boy Abunda, humiling na huwag husgahan sina Bea Alonzo at Dominic Roque sa kanilang breakup (nuna)
Umapela ang King of Talk na si Boy Abunda sa publiko na pairalin ang kabutihan at huwag husgahan sina Bea Alonzo at Dominic Roque matapos na maghiwalay ang dalawa.Dahil sa panibagong kabiguan sa pakikipagrelasyon ni Bea, sinabi ni Tito Boy…
Sunshine Cruz, Atong Ang kissing video goes viral (nuna)
Atong Ang at Sunshine Cruz A kissing video of actress Sunshine Cruz and businessman Atong Ang went viral on social media. In a video uploaded on TikTok, Sunshine was seen kissing Atong while in an unknown cockpit arena. It can…
Denise Julia Responds to BJ Pascual’s Accusations of Canceling a Photoshoot (nuna)
R&B singer Denise Julia (left) speaks up after celebrity photographer BJ Pascual (right) named her as the “worst celebrity/model to shoot.” PHOTO/S: Instagram / YouTube Sumagot na ang R&B singer na si Denise Julia sa mga akusasyon sa kanya ng…
KC hopes relationship with mom Sharon will be “ok” soon (nuna)
KC Concepcion (left) on mom Sharon Cuneta (right): “Christmas will always be about love, laughter, and time with family for me… ending the year right with a conversation between Mama and I. She always makes the holidays extra magical and…
Julia Barretto thinks it’s okay to walk away from this situation (nuna)
Julia Barretto on trusting the people closest to her: “I feel like yung mga nasa paligid namin, that stood the test of time. Kumbaga, parang napatunayan na ang loyalty, and parang good naman para sa amin, so far masaya naman…
End of content
No more pages to load