Bobbi mercado dies at 54

Snooky Serna on mourning the death of her cousin Bobbi Mercado: “I know now what grief means.You are the sister that I never had. You are my constant…”
PHOTO/S: GMA Network / Snooky Serna

Binawian ng buhay sa edad na 58 noong Nobyembre 14, 2024 ang dating aktres na si Bobbi Mercado, na Roberta ang tunay na pangalan.

Nakaburol ang mga labi ni Bobbi sa Acacia Chapel ng Manila Memorial Park sa Parañaque City.

Nakatakda ang cremation sa kanya sa Martes, Nobyembre 19, 2024.

Bobbi Mercado dies at 54

BOBBI MERCADO AND HER SHOWBIZ CONNECTIONS

Ang namayapang television host, aktor, at singer na si Eddie Mercado (August 20, 1938 – September 18, 2006), ang ama ni Bobbi na nagkaroon ng showbiz career noong dekada ’80.

Pinsang-buo ni Bobbi si Snooky Serna at ex-husband niya ang aktor na si Lito Pimentel.

Ang Experience, To Mama with Love at Santa Claus is Coming to Town ang ilan sa mga pelikula na ginawa ni Bobbi noong aktibo pa ang kanyang acting career.

Naging bahagi rin siya ng Anna Liza, ang soap opera ng GMA-7 na napanood sa telebisyon mula Pebrero 1980 hanggang May 10, 1985.

Bukod sa pagiging magpinsan, magkababata at malapit sa isa’t isa sina Bobbi at Snooky kaya labis ang pagdadalamhati ng huli sa pagkawala ng pinsan na itinuring niya na tunay na kapatid.

Isang madamdaming mensahe para kay Bobbi ang isinulat ni Snooky.

Aniya, “I know now what grief means. I know now how grief feels. It is too painful for me. But I am praying for the strength and courage.

“I love you so much You are the sister that I never had. You are my constant… through ups and downs, through highs and lows. I love you so so so much.”

BOBBI MERCADO AND HER STRUGGLES

Noong Marso 28, 2024, ibinahagi ng Cabinet Files sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang kuwento ng eksklusibong panayam kay Bobbi noong Nobyembre 2011.

Naging matapat si Bobbi sa pagkukuwento tungkol sa pagiging homeless nila noon ng kanyang dalawang anak na lalake at ang kanilang paninirahan sa kalsada ng U.N. Avenue sa Maynila.

Makulay at kapupulutan ng aral ang kuwento ng buhay ni Bobbi na isinadula ng Magpakailanman noong Setyembre 2005.

Naranasan ni Bobbi ang maghirap at dumaan sa maraming pagsubok, pero naging maayos ang buhay niya at ng kanyang mga anak bago siya pumanaw noong Nobyembre 14.