Espantaho star Janice de Belen comments on recent issue of ex-husband John Estrada and his estranged wife Priscilla Meirelles (not in photo): “Basta wala akong kinalaman dun. Yun lang. Wala akong kinalaman.”
PHOTO/S: Arniel C. Serato
Walang paliguy-ligoy na sinagot ng aktres na si Janice de Belen ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang hingan namin siya ng komento tungkol sa napapabalitang hiwalayan ng ex-husband niyang si John Estrada at asawa nitong Priscilla Meirelles.
Nagpasantabi muna kami kung maaari siyang tanungin tungkol sa ibang isyu bukod sa pelikulang Espantaho, na kanilang pinu-promote para sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2024.
Pumayag naman si Janice kaya kaagad kaming nagpasalamat.
Ngunit biro niya, “Puwede ko rin namang hindi sagutin, di ba? Huwag ka muna mag-thank you, di ko pa sinasagot.”
Tanong ng PEP.ph kay Janice, “Nung nabasa, nalaman mo na parang naghiwalay na ang ex mo, anong nasabi mo?”
Sagot ni Janice, “Basta wala akong kinalaman dun. Yun lang. Wala akong kinalaman.”
Hindi ba niya nasambit sa sarili na, “Ayan na naman siya?”
Umiiling-iling na sagot ng award-winning TV host and actress, “Not my life. Not my business.”
Nag-reach out ba sa kanya si Priscilla?
Umiling ulit si Janice, sabay sabing, “I don’t… Ayokong… buhay nila yan.”
Eksklusibong nakausap ng PEP.ph si Janice sa dressing room ng Baked Studios sa Makati City, kung saan ginanap ang pictorial para sa Espantaho, kahapon, November 12, 2024.
John ESTRADA SPOTTED WITH A MYSTERY WOMAN AT A BAR CHILLING
Noong November 1, 2024, nag-viral sa social media ang video ni John kasama ang isang mystery woman.
Kaagad itong pinagpasa-pasahan, at samu’t saring komento mula sa netizens ang kaagad ay naglitawan.
May mga nag-isip agad na may bagong babae sa buhay ni John, lalo pa’t nasabi ng aktor sa isang statement noong July 2024 na nagkasundo sila ng asawang si Priscilla “to take a break” sa kanilang marriage.
Makikita sa video na masaya ang aktor at nakaakbay siya sa hindi pa rin nakikilalang babae.
Photo/s: Courtesy: Facebook
Kasunod nito, nagbigay ng maikling pahayag ang aktor ukol sa viral video niya kasama ang isang mystery woman.
Ayon sa kanya, hindi niya kailangang magpaliwanag pa tungkol dito.
Katulad ng normal na tao, may karapatan din siyang makipagkaibigan sa mga taong gusto niyang kaibiganin, mapa-lalaki man o babae.
Ang pagkakaiba nga lang, isa siyang public figure kaya laging napag-uusapan ang mga larawang lumalabas tungkol sa kanya lalo na at babae ang kanyang kasama.
Buong pahayag ni John, “Honestly, I don’t owe anyone an explanation.
“But once and for all, I’m going to say this, I have every right to befriend who I like to be friends with. Male or female.
“Like any normal human being. The only difference is I’m a public figure.”
Cryptic post lamang ang naging sagot ni Priscilla sa panibagong sighting ng estranged husband na si John.
Saad niya sa kanyang Instagram Story noong November 3, 2024, “When someone makes you an option, make them a memory.”
News
shocking news : Javi Benitez finally speaks up about breakup with Sue Ramirez (uyen)
Javi Benitez (right) on breakup with Sue Ramirez (left): “Four months have passed since our paths quietly and respectfully went their separate ways. I look back with so much gratitude for the smiles, the laughter, and all the little joys…
bearking news : Francine Diaz accepts Silay partly because of her grandmother (uyen)
Francine Diaz on accepting projects: “Siyempre, bukod po sa gusto nating mag-entertain at ipakita rin yung kung anong merong talents po kami, gusto rin po namin yung meron silang matutunan sa mga pinapanood po nila.” PHOTO/S: @francinesdiaz on Instagram Malapit…
bearking news : Isang Himala producers “hopeful” amid strong competition in MMFF (uyen)
Isang Himala, starring Kapuso singer-actress Aicelle Santos, is one of the official entries to the 50th Metro Manila Film Festival. PHOTO/S: YouTube Marami ang excited para sa Metro Manila Film Festival 2024 dahil sa sampung official entries na pinagbibidahan ng…
shocking news :Rita Daniela speaks up after filing complaint vs Archie Alemania (uyen)
Kapuso actress Rita Daniela: “I am trying my best and starting to have counselling and therapy… so anything that I can do to really help myself to move forward, and be stronger and braver than ever.” PHOTO/S: @missritadaniela on Instagram…
shocking news :Sanya Lopez addresses naysayers of teamup with Alden Richards (uyen)
Sanya Lopez on some fans who disapprove of her closeness to Alden Richards: “Kasi, feeling mo kapag meron kang ina-idolize, feeling mo sila lagi yung tama, which is, okay lang naman, as long as wala kang inaapakan, wala kang inaagrabyado.”…
shocking news : Click star Mikel Campos: Where is he now? (uyen)
Click star Mikel Campos on being paired with Sarah Geronimo: “It happened so fast, actually. I had a shoot at Enchanted Kingdom for a music video with Sarah Geronimo. And then, I had this TV show, Sarah The Teen Princess….
End of content
No more pages to load