Wala daw pinag-usapan sina Athena Red at Alessandra Cruz para paghandaan ang love scene nila sa Kabitan. Ayon kay Athena, isa lang ang sinabi niya kay Alessandra, "Maganda ka naman. Sige na. Laplapin mo na ko!"

PHOTOS: Seth Rabang (L) and @alessandra_vmx on Instagram (R)

Wala daw pinag-usapan sina Athena Red at Alessandra Cruz para paghandaan ang love scene nila sa Kabitan. Ayon kay Athena, isa lang ang sinabi niya kay Alessandra, “Maganda ka naman. Sige na. Laplapin mo na ko!”

May girl-on-girl love scene si Athena Red sa kanyang upcoming VMX film na Kabitan kasama si Alessandra Cruz at natanong ang aktres recently kung nag-usap ba sila ni Alessandra upang handaan ang bed scene nila sa pelikula.

Natanong ito dahil usually daw, nag-uusap ang heterosexual na on-screen partners kung paano ang atake nila sa kanilang mga intimate na eksena. Same din ba ang nangyari para kina Athena at Alessandra?

“Wala po kaming pinag-usapan,” sagot ni Athena sa press sa media conference para sa pelikula nitong Miyerkules, October 6. “Kasi parang g na g kaming dalawa. Sabi namin ‘Parehas naman tayong maganda, sige gawin na natin ’to. Easy lang ’to.’”

Dagdag pa ni Athena sa sinabi niya kay Alessandra: “Maganda ka naman. Sige na. Laplapin mo na ko. Charot!”

Pati rin daw si Alessandra mismo ang hindi nagset ng rules and limitations sa kanilang intimate scenes.

“Kasi sabay din kami maligo, eh. Parang comfty talaga kami [sa isa’t isa],” sabi pa ni Athena.

Bukod kina Athena at Alessandra, bibida rin sa Kabitan sina Juan Paulo Calma at Chester Grecia.

Sa direksyon ni Sigrid Polon, the movie will be released in the VMX streaming platform this November.