shocking news : Rhian Ramos recalls “young love, sweet love” with JC de Vera (uyen)

Rhian Ramos recalls past relationship with JC de Vera

Rhian Ramos on dynamics with JC de Vera when they were a couple: “And then, it also helps na nung time na yon, may mga fans kami na happy sila for us, ine-encourage kami. Definitely, [we’re] less mature back then and I don’t think any of us was thinking of forever yet.” 
PHOTO/S: Rose Garcia / Screengrab from Huwag Mo ‘Kong Iwan

Labinlimang taon ang lumipas bago muling nagkrus ang landas ng dating magkasintahang sina Rhian Ramos, 34, at JC de Vera, 38.

Una silang nagkatrabaho sa Kapuso remake ng Argentinian series na LaLola, at noong panahon iyon ay nagkaroon sila ng relasyon sa tunay na buhay. Umere ang teleserye nila mula October 13, 2008-February 6, 2009.

Muli silang pinagtagpo sa pelikulang Huwag Mo ‘Kong Iwan ngayong 2024.

Sa presscon ng Huwag Mo ‘Kong Iwan sa Manila Hotel noong November 12, 2024, tinanong si Rhian kung matatawag na “young love, sweet love” ang naging ugnayan nila ni JC noon.

“Actually, at that time, we were both so young,” sagot ni Rhian.

“I was eighteen. Oo nga, dun ako nag-debut sa show na yon. So, yun nga, young love, sweet love na era.”

Higit-kumulang pitong buwan din daw ang itinagal ng relasyon nila noon ni JC.

“Oo, noong time na yon, matagal na yon for me!” natawang sabi ni Rhian.

Paliwanag pa ng aktres: “Wala, everything was so new and exciting. I didn’t really have a lot of experience having a romantic relationship or anything.

“And then, it also helps na nung time na yon, may mga fans kami na happy sila for us, ine-encourage kami.

“You know, it was just happy and kilig.

“Definitely, [we’re] less mature back then and I don’t think any of us was thinking of forever yet.”

Nang maghiwalay ang kanilang landas, dahil lumipat si JC sa TV5 at kalaunan sa ABS-CBN, wala raw oportunidad na magkumustahan silang muli.

Saad ni Rhian: “I remember, parang it was the time na lumipat din ng network si JC.

“Hindi kami masyadong nagko-cross ng path noong panahon na yun.

“And I think, time heals all wounds.

“Parang feeling ko nga, we’re not the same people. Kasi, dekada na ang dumaan.

“Ako, for sure, ibang tao na ako ngayon and I’m sure, siya rin.

“Ang dami nang mga nangyari sa buhay namin. It’s so nice to come and work with him again.”

Natatandaan naman ni Rhian na isa raw si JC sa naging inspirasyon niya para seryosohin ang kanyang trabaho.

“He’s a very serious actor. He’s a very good actor.

“I always thought na when I first met him, when I first started watching him, I always thought na, ‘Ganyan, that’s how an actor [should be].’

“And so, I’ve always respected his professionalism.”

rhian ramos jc de vera la lola

Rhian Ramos and JC de Vera in LaLola 
Photo/s: GMA Network

RHIAN RAMOS ON REUNION WITH JC DE VERA AND TOM RODRIGUEZ

Ngayong araw, November 27, simulang ipalalabas sa mga sinehan ang Huwag Mo ‘Kong Iwan.

Nagsilbi rin itong reunion project ni Rhian sa dalawang leading men niyang sina JC at Tom Rodriguez.

“It’s a love story. [I am] very happy, actually, kasi after a long time, parang after a few years that Tom had a hiatus, it’s his comeback movie. So, I’m so happy to be part of it.

“And also, after more than a decade not working with JC, I’m so happy na nagtagpo kami ulit dito sa movie,” saad ni Rhian.

Nagkasama sina Rhian at Tom sa 2014 GMA-7 drama series na My Destiny.

Base sa trailer ng Huwag Mo ‘Kong Iwan, iikot ang kuwento ng pag-iibigan nina Lara (Rhian) at Joseph (JC), na masusubok nang mapilitang magtrabaho sa Maynila ni Lara para makaipon ng pampagamot sa maysakit niyang ama.

Sa Maynila, makikilala ni Lara si Atty. Edwin (Tom) na tutulong sa kanyang makalaya nang masangkot siya sa drug trafficking gawa ng kanyang employer na ipinasubo siya sa ganoong kalakaran.

Sa huli, mapapamahal ba si Lara kay Atty. Edwin o mananatili siyang tapat kay Joseph?

RHIAN RAMOS ON BEING CONFIDENT ABOUT HERSELF

Sa tunay na buhay, sino ang sasabihan ni Rhian ng “Huwag mo ‘kong iwan?”

“Si Lord, although hindi naman talaga ako iiwan ni Lord,” saad ni Rhian.

Pero dugtong din niya, “Of course, I don’t want to lose anyone.

“Pero I just feel lang na may mga experiences in the past that I don’t say that to anyone. Hindi ko sinasabi yung ‘Huwag mo kong iwan.'”

Sa edad na 34, alam na raw ni Rhian na may mga bagay na wala sa kanyang kontrol at alam niya kung paano i-handle iyon.

“Although, sinasabi ko rin naman yon kay Sam,” tukoy niya sa nobyong si Sam Verzosa.

“Pero more of pabiro. Pero I think, never ko pa siyang sinasabi talaga.

“Kasi, I believe in my heart na what happens in life, there’s always a reason.

“And I believe also that I’m always going to be okay, parang ganon.”

Inamin ni Rhian na noong mas bata siya, may takot siyang iwanan siya, lalo na ng isang karelasyon.

“I think dati, meron. It’s just that when I got a little older, I became more confident sa sarili ko,” diin niya.

“Dun ko lang na-realize rin na we’re all gonna be okay, as long as you believe in yourself and you’re true to yourself. We’re all gonna be okay.

“People come into our lives for a reason. Sometimes, they leave you for a reason.

“So, dun natin malalaman kung sino sa kanila ang they have to leave for a reason.”

 

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2025 News