nova villa

Nova Villa counts herself lucky to be given a constant stream of showbiz projects, which she considers a blessing for her to be able to take care of her bedridden husband. She says, “I can feel the grace, the blessing.”
PHOTO/S: Rommel Gonzales

Kamakailan, nagsama-samang muli sina Nova Villa, Noel Trinidad, at Tessie Tomas sa pelikulang Senior Moments.

nova noel tessie senior moments presscon

Nova Villa (left) with her Senior Moments co-stars Noel Trinidad (middle) and Tessie Tomas (right) 
Photo/s: Jerry Olea

Sa premiere na naganap sa Cinema 5 ng Gateway Mall sa Cubao last month, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Nova kung ano ang pakiramdam niya na nag-premiere ang kanilang pelikula?

nova villa

Nova Villa 
Photo/s: Rommel Gonzales

“Ay, of course, masaya,” umpisang bulalas ni Nova, “dahil matagal-tagal din kaming hindi nagkita-kita after magawa yung movie.”

Kailan ba sila nag-shoot ng Senior Moments?

“Three months ago pa. Yeah, we miss each other. Siyempre ire-recall mo yung saya ng shooting namin, yung hirap namin.

“It’s so nice to see them, na yung mga nakasama mo sa trabaho.”

NOVA ON TAKING CARE OF HER BEDRIDDEN HUSBAND

Tinanong naman namin si Nova kung ano ang sekreto ng longevity niya sa showbiz, na hanggang ngayon ay aktibo siya sa pelikula at telebisyon?

“Up to now, iyon din ang tinatanong ko sa sarili ko, e,” at natawa ang beteranang aktres.

“Well, the only answer I could say is it’s a blessing, you know? And talaga ang Diyos mabait because He knows ang pangangailangan mo.

“Like, I have my husband, I’m taking care of him, may edad na rin naman kami. Na-stroke.

“And then, of course, sa mga prayers na magpatuloy, kung gusto pa ni Lord, na ako maging artista pa, to help me dahil may mga pangangailangan din.

“So I can feel, I can feel the grace, the blessing.”

Seven years na raw bedridden at hindi na nakapagsasalita ang kanyang asawang si Freddie Gallegos, dating pulitiko.

Lahad ni ni Nova, “No, ano lang, reaction lang, pag nakikita niya ako, umiiyak, parang baby, ganun.”

Dahil nga sa edad niya ay nakakaya pa rin niyang alagaan ng kanyang asawa, “Kaya nga magtataka ka, saan galing,” sambit ng aktres.

NOVA VILLA ON LONG CAREER IN SHOWBIZ

Ano naman ang masasabi niya sa nagbibida pa siya sa pelikula, tulad nga dito sa Senior Moments?

“Kahit ako nga nagtataka e, and the only words I can say is, ‘Thank you, Lord’.

“Alam ko naman, napi-feel naman natin yun e, alam naman natin yun, kaya siguro, probably I have done something good.”

Mayroon ba siyang sekreto, tulad sa kanyang diet o exercise?

Lahad niya, “Hindi. Hindi ako ganyan. Actually, matakaw ako, gusto ko kumain, but at this age, may nararamdaman ako, na less na ang food intake.

“Hindi katulad nun, sige-sige, kain lahat, ngayon hindi na.”

Sa tanong namin kung ano ang paborito niyang kainin, “Pritong baboy, cochinillo, de leche,” tawang-tawang tugon ni Nova.

Bagamat kumakain pa rin daw siya ng mga paborito niya, may pagbabago na, “Medyo bawas na.”

Nag-eehersisyo rin daw siya, “Exercise, kiti-kiti ako. Naglilinis ako ng kuwarto, naglilinis ako ng banyo.

“Kaya lang medyo ano ka na rin dahil… ang mga buto, maluluwag na, delikado na, ganun.”

ABOUT SENIOR MOMENTS

Sa Senior Moments na mula sa A & S Production at sa direksyon ni Neil ‘Buboy’ Tan, ano ang maasahan ng mga manonood?

“A little of comedy, hindi naman nawawala yun, pero more on the buhay ng isang senior and this really happens. Magandang mapanood ng mga senior, e.”

Gaano kapareho si Nova Villa doon sa karakter niya na si Pilar sa pelikula?

“Ito yung parang totoong buhay, siyempre as you grow older, medyo nagiging tamed ka na rin, unlike before na kiti-kiti, but I can still do that.

“If given a role na parang Chicks To Chicks, kaya ko pang gawin yun pero pagka ganito, kasi may lesson, e.

“Hindi mo maiko-comedy ang lesson e, kailangang i-serious mo iyan dahil diyan pupulot ng aral, e.”

Ang Chicks To Chicks ay sikat na sitcom nina Nova at Freddie Webb na umere sa Channel 13 noong 1979 hanggang 1987. Kasama nila dito sina Carmi Martin, Chito Arceo, Ruby Anna, Malou dela Fuente, Lorraine Schuck at ang yumaong aktres na si Maria Teresa Carlson.

April 13 ang kanyang birthday, hindi nagkait ng sagot si Nova nang tanungin kung ilan taon na siya ngayon, “78.”

Marami na siyang nakakatrabahong mga kabataang artista ngayon; ano ang nakikita niyang pagkakaiba ng mga artista ngayon sa kanila noong araw?

Pahayag ni Nova, “Hindi ko alam ha, kasi eto teenager ito, hindi ko puwede i-level yung ano ko, kahit papaano may pagkakaiba pa rin yung mga artista noon at saka ngayon.

“But you know, normal lang yun kasi umiikot ang mundo, nagbabago lahat.”

Ang teknolohiya ang isa sa malaking pagbabago.Wala silang social media noong araw, walang platform tulad ng TikTok.

Bulalas ni Nova, “Yes, wala tayo niyan noon. So ngayon talaga…kaya kahit ako nasa-shock pag napapanood ko itong mga bagets ngayon, talagang ako’y mangha.

“Kasi wala sa amin nung mga ganyan noong araw. Wala, wala yan.

“Mas tamed noong araw, basta’t sila, magaganda sila noong araw, mga Gloria Romero, Amalia Fuentes, mga ganyan.”