shocking news : Nino Muhlach clarifies statement about son Sandro’s rape case (uyen)

Nino Muhlach clarifies viral statement about son's rape case

Nino Muhlach (left) on Sandro Muhlach’s (right) legal battle: “We are committed to ensuring that justice is served, not only for my son but also to help empower other victims to speak out.”
PHOTO/S: Screengrab GMA Network on YouTube

Trigger warning: Mention of rape, sexual assault, acts of lasciviousness

Nilinaw ni Niño Muhlach ang naging pahayag niya tungkol sa ongoing rape through sexual assault at acts of lasciviousness case na isinampa ng kanyang anak na si Sandro Muhlach laban sa GMA-7 independent contractors na sina Jojo Nones at Richard “Dode” Cruz.

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Niño nitong Martes ng gabi, November 26, 2024.

Dito ay nagbigay siya ng update tungkol sa kasong isinampa ni Sandro.

Ayon kay Niño, hindi natuloy ang arraignment nina Nones at Cruz dahil naghain ang dalawang akusado ng motion to review.

“Si Sandro ang dumalo. Hindi naman natuloy dahil sa motion to review.

“So, after sixty days uli, pero last na yon.

“Once na nag-start ang hearing, criminal case kasi yon, puwedeng weekly, puwedeng twice a month, yun ang pinaka-minimum,” pagbabahagi ni Niño.

Iginiit din ni Niño na hindi magpapaareglo ang anak niyang si Sandro.

Pero nagbiro rin ang beteranong aktor na sasabihan niya ang anak na magpatawad na kapag nakipag-areglo ang kabilang kampo ng hindi bababa sa PHP100 million.

“Nung una, salita sila nang salita kesyo mahina raw yung kaso. E, noong lumabas ang desisyon ng DOJ, malakas nga yung kaso, nag-bail sila.

“Si Sandro, ayaw magpaareglo. Pero sabi ko, ‘Kung PHP100 million na, magpatawad ka na, anak. Matuto kang magpatawad!'” natatawang sabi ng dating Child Wonder.

Sabay bawi niyang walang dahilan para tapusin ni Sandro ang laban dahil ang kanyang anak umano ang nagsasabi umano ng katotohanan.

Diin niya, “Bakit gagawin ng bata ang mag-imbento ng istorya?

“Si Sandro, napaka-naive niya. Ano ang mapapala niya para mag-imbento ng ganoong istorya?

NETIZENS REACTION

Bagamat malinaw naman ang pagbibiro ni Niño tungkol sa pakikipag-areglo sa kabilang kampo kapalit ang halagang PHP100 million, marami pa ring netizens ang bumatikos sa aktor.

Sa comments section ng Facebook post ng PEP.ph kaugnay sa nasabing artikulo ay may netizens ang kinuwestiyon si Niño sa pagbibiro raw niya sa mga ganitong seryosong usapin

Comment ng isang netizen, “Gulo rin nitong si Niño e, edi parang ibinenta mo na rin yung anak mo.”

Sabi pa ng isa (published as is), “kung ako ang nasakalagayan ni sir niño muhlach hindi ako papayag na walang managot sa ginawang kababoyan sa anak ko deserve nilang managot sa batas sa ginawa nila sa anak ko at kung ako ang nasakalagayan ni sandro hindi ko sila basta basta magpatawad at never akong magpapaareglo dahil walang katumbas na halaga ang ginawa nilang krimen they deserve to go to jail at deserve ng biktima nila na mabigyan ng patas na hustiya yun lng thank you.
#justiceforsandromuhlach.”

NINO AIRS HIS SIDE

Nakarating kay Niño ang mga batikos ng netizens kaya kaagad niyang nilinaw ang kanyang naging pahayag.

nino sandro muhlach fast talk

Photo/s: GMA Network

Sa kanyang Facebook post nitong Miyerkules, November 27, sinabi ng aktor na maaaring na-misinterpret ng iba ang kanyang pagbibiro.

Diin niya, wala silang balak iurong ang kaso, bayaran man sila ng malaking halaga.

Mababasa sa post ni Niño (published as is): “Para sa mga hindi marunong mag differentiate ng joke at ng totoong comments, para sa inyo ito!

“Last night, I participated in an interview that has unfortunately been taken out of context by some viewers.

“Those who know me well are aware that I have a humorous disposition and I often make light-hearted remarks.

“However, it is crucial to clarify that my comments during the interview were not meant to be taken seriously.

“My son is a victim of sexual abuse and I want to make it unequivocally clear that we have no intention of seeking a settlement from the perpetrators.

“We are already very blessed as a family and our sole objective is to seek justice for the traumatic experience my son endured.”

Dagdag pa ni Niño, kahit ano ang mangyari ay magpapatuloy sila sa laban hanggang makamit ni Sandro ang hustisya.

Aniya: “We are committed to ensuring that justice is served, not only for my son but also to help empower other victims to speak out.

“The Department of Justice will be prosecuting the case, and I place my trust in our legal system to deliver the rightful outcome.”

“I would like to extend our heartfelt gratitude to everyone who has supported us from the beginning. The truth will always prevail.”

 

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2025 News