Nadia Montenegro is now stable and recovering from her recent heart surgery. In a lengthy Facebook post this Saturday, November 23, 2024, she thanked her fans, doctors, family and friends who stood by her and showered her with fervent prayers and unconditional love.
PHOTO/S: Nadia Montenegro Pla on Facebook
Nakalabas na sa ospital si Nadia Montenegro, 52, mula sa ilang araw niyang pananatili dito matapos niyang sumailalim sa heart surgery.
Marami ang nag-alala sa kalagayan ng aktres nang mapabalitang apat na minutong naging kritical ang kanyang kondisyon matapos niyang ma-cardiac or respiratory arrest habang isinasagawa ang heart procedure noong November 20.
Makaraan ang ilang araw, sa wakas ay nagsalita na si Nadia para ipaalam sa publiko na nasa mabuti na siyang kalagayan.
Photo/s: Nadia Montenegro Pla on Facebook
Sa pamamagitan ng 6-minute video na ini-upload ni Nadia sa Facebook ngayong Sabado, November 23, ay personal niyang ibinahagi ang napagdaanan niya kamakailan na sumubok sa kanyang pananampalataya sa Diyos.
Kalakip nito ang kanyang pasasalamat sa lahat ng nag-alala at nagdasal sa kanyang agarang paggaling.
Paunang bati ng aktres: “Hi everyone, It’s me [Nadia]. T
“To everyone who messaged, texted me, mga calls na hindi ko nasagot, who posted, all your prayers, and all your good and kind words, thank you so much talaga.
“Yes, prayers does move mountains and of course we have the God who has so faithful, so I’m so grateful.”
Minarapat daw ni Nadia na gumawa ng video kahit siya ay nasa proseso pa lang nang pagpapagaling dahil nais niyang linawin ang ibang impormasyon naglalabasan online tungkol sa kanyang pagkaka-ospital.
Saad niya, “Ayoko lang kasi na parang ang dami nang lumalabas, ang dami nang nagwu-worry.
“May mga issue, may mga writeups na lumalabas. I just want everyone to know, I’m back home. I just need to heal a little.”
NADIA speaks about health scare
Para sa kaalaman ng kanyang mga tagahanga, dinetalye ni Nadia ang ginawang procedure sa kanya nang mag-isa niyang isugod ang kanyang sarili sa ospital.
Dito rin niya ipinagtapat ang matagal na niyang iniindang karamdaman.
Pahayag ni Nadia, “Ablation procedure po ang ginawa sa puso ko. I’m healing medyo bruised up lang po kasi ang ablation surgery po ay ginagawa po sa groin.”
Ayon sa clevelandclinic.com, ang ablation ay medical procedure kunsaan gumagamit ng hot or cold energy para gumawa ng “tiny scars” sa heart tissue. Ang pagpepeklat mula rito ay tumutulong para pigilan ang pagprodyus ng “irregular rhythms” sa puso.
Pagpapatuloy ng aktres: “Bale apat po na catheter ang pinasok po sa aking right artery and then tatlo po ang pinasok naman sa aking left artery.
“Ang procedure po na ginawa ay hindi po stent, hindi rin po ako na angioplasty, hindi rin po ako na-open heart surgery.
“Ito po ay isang procedure na ginagawa sa heart where in kina-clamp, kina-cut, or burn na tinatawag po nila ang isang parte ng aking nerve dahil po mayroon po akong sobrang nerve. So kinailangan pong i-cut yon.”
Ngunit bago ito mangyari, may history na raw noon si Nadia na mayroong WPW (Wolff-Parkinson-White) syndrome na nagpa-kumpleka sa kanyang puso.
Ang Wolff-Parkinson-White syndrome, ayon sa mayoclinic.com ay isang congenital heart defect kunsaan mabilis ang pagtibok ng puso ng isang tao.
Pagbabalik-tanaw niya: “Noong last friday po nagkaroon po ako ng WPW attack.
“I was diagnosed with a diseases when I was seventeen years old and unfortunately noong ako po dapat ay sasali sa Celebrity Biggest Loser, ako po ay pinull-out dahil po sa sakit na ito.
“Pero ngayon po ako po ay wala nang WPW. Ito po kasing Wolff-Parkinson-White syndrome diseases ay umaatake po ang puso ko, umaabot po ng minsan 160 to 190 beats per minute.”
Matagal naman na raw alam ni Nadia kung anu-ano ang paunang lunas kapag umaatake ang kanyang WPW, bukod tangi lang daw noong araw na ipinunta niya ang kanyang sarili sa ospital dahil sa mababa niyang blood pressure.
Pagdedetalye niya: “Mayroon naman po akong ginagawang breathing exercises, ayon po yung nagpapa-stop sa aking heart para magregulate po ang heart beat.
“Ang nangyari lang po last Friday e, noong tinakbo ko po ang sarili ko sa ER (emergency room) sa Lipa, [Batangas], ang aking BP (blood pressure) ay bumaba na po ng 60 over 49, kaya hindi po naging maganda, kaya rin po ako nilipat sa St. Lukes QC (Quezon City) muna and sa St. Lukes BGC (Bonifacio Global City) na.”
NADIA ON HER SECOND lEASE ON LIFE
Naniniwala si Nadia na may mahalagang misyon pa siya sa mundo kung kaya’t hindi siya pinahintulutan ng Diyos na mawala.
Kaya naman laking pasasalamat niya sa kanyang pamilya, kaibigan, mga doctor, at sa lahat ng nagdasal na malalampasan niya ang pagsubok na ito.
Lalo na nang mawalan siya ng pulso sa loob ng apat na minuto ngunit agaran din itong bumalik, indikasyon ng kanyang pagiging maayos.
Sabi ni Nadia: “Praise God, marami pa po tayong misyon sa buhay and I’m recovering.
“I’d like to thank all my doctors who took so much care of me…To all my family and my friends, my love ones, maraming salamat sa lahat ng nagdasal.
“Sa lahat ng kasamahan ko sa church…to my family, nako mayroon pa po kasing isang insidente pa ang nangyari noong ako po ay tapos ng operahan, ako ay nasa kwarto na, e may nangyari pong isang emergency na sabi po e ako ay nawala ng apat na minuto.
“Nangitim na lang po ako, nawala ang aking heart beat, hindi ko po alam kung anong nangyari basta paggising ko po e nandoon ang aking nanay, lahat ng aking mga anak nakita po nila yung nangyari.”
Dagdag pa niya: “[Ngayon] masaya ako na nalampasan ko na naman ito dahil po sa inyong mga dasal at dahil na rin sa nakapa-faithful nating Diyos.
“Marami pa po akong gagawin sa buhay…sa nanay ko, sa mga kapatid ko, sa aking mga anak, my son-in-laws, sa aking mga pamangkin, at lalung-lalo na sa aking mga apo, thank you from the bottom of my heart.
“Sa lahat ng nag-worry, sa lahat ng dumalaw sa akin [sa hospital] sa araw-araw, ako na nga po ang pinaka maraming bisita sa St. Lukes. Pero it just shows na talagang maraming nagmamahal sa [akin].”
Sa huli, nangako si Nadia na magpapalakas siya at magpapagaling para sa ikakagaan ng loob ng mga nagmamahal sa kanya.
Saad niya, “I’ll be back soon. We working soon, magpapalakas lang po [ako].
“Maraming salamat po sa inyong lahat. God bless us all. Ingatan ang health.”