After initially denying it, actor Mark Anthony Fernandez eventually admits that he is the guy in the sex video that went viral around July 2024. He also reveals that his phone was hacked. “Nagkaroon po ng leakage.”
PHOTO/S: Mark Anthony Fernandez on Facebook
Inamin ni Mark Anthony Fernandez, 45, na siya ang lalaking nasa video scandal na kumalat at pinag-usapan sa social media noong Hulyo 2024.
Sa isang recent YouTube interview, itinanggi noong una ng aktor na siya ang nasa viral sex video, pero kalaunan ay umamin din siya.
Inusisa si Mark Anthony ukol sa intimate video kasama ang isang babae.
Tumanggi noong una si Mark sa interview ni Julius Babao sa YouTube video nitong November 14, 2024.
Biniro si Mark na hindi maikakaila dahil kitang-kita ang mukha niya sa video. Nang banggitin ni Julius na may mga positibong reaksiyon dito, saka na umamin si Mark.
Rebelasyon ng aktor, may mga kaibigang nang-hack ng kanyang mobile phone at ikinalat ang video.
“Sorry sa ibang mga wholesome. Pasensiya na, ha… sa mga conservative…” simula ni Mark.
“Hindi ko po kasalanan… kasi ang nangyari talaga doon nung na-hack ako, hindi siya circuit hack… Nagmano-manong hack sa party ng mga tropang babae, kaya nagkaroon po ng leakage. Yun po.”
Batay sa salaysay ni Mark, sa party ay may nakapagbukas ng kanyang phone at nakita ang sensitibong video.
“Ayun, dun po nag-umpisa yung leakage,” sabi ng aktor.
Itinanggi rin niyang ang video ay kinunan para sa isang sexy movie, tulad ng hinala ng iba.
Pahayag ni Mark, “Lumang-lumang video na siya. Adventure namin nung GF ko nung time na ‘yon… So, ‘yon… ganon po yung nangyari, medyo naging ano po siya R-19, R-18 po.”
Biro ni Julius, para na raw itong X-rated.
“Double X pala,” natatawang sagot ni Mark.
Tinanong muli si Mark kung siya ba talaga ang nasa video scandal.
“Opo,” pag-amin ng aktor.
MARK ANTHONY’S REACTION AFTER LEAKAGE
Nagalit ba si Mark nang madiskubreng mga kaibigan niya ang nagpakalat ng sensitibong video?
Sagot niya, “Hindi ko na makuhang magalit dahil alam kong… magagalit ako kung yung edited version mukha akong masama siguro, yung hindi ko hawak [cam], inii-spy ko yung girl.
“E, buti naman pinakita naman yung
siya yung may hawak, hindi ako yung may hawak.”
Mahihinuhang nais ipunto ni Mark na hindi siya ang nag-initiate na i-record ang sensitibong pangyayari.
Giit niya, hindi niya ugali ang mag-record ng intimate videos.
“Yung girlfriend ko ang mahilig mag-video-video, hanggang sa naisip namin iyon.”
Idinagdag ni Mark na may ethics daw na dapat sundin sa pagkuha o pag-record ng ng mga sensitibong eksena.
Diin niya, ang may gusto ng recording ay ang girlfriend na nasa video, “hanggang sa nagkaroon na ng leakage po.”
Nang tanungin kung kinausap ba niya ang “girlfriend” matapos kumalat ang video, sinabi ni Mark na minabuti niyang maging tahimik na lamang.
Mark Anthony Fernandez talks about video scandal in his interview with Julius Babao.
Photo/s: Julius Babao UNPLUGGED on YouTube
DIREKTOR’S CLAIM THAT IT WAS A.I. GENERATED
Noong magkaroon ng presscon ang pelikula niyang Pasahero noong September 13, 2024, hindi sumipot si Mark Anthony na kasama sa pelikula.
Ang hinala ng press noon ay umiwas si Mark sa matanong ukol sa video scandal.
Nagsalita naman noon ang direktor na si Roman Perez Jr. at ipinagtanggol si Mark.
Nagkausap daw sila ni Mark at nanindigan daw si Mark na ginamitan ng artificial intelligence (A.I.) ang video at hindi raw si Mark ang nasa video.
Sa interview ni Julius, ipinaliwanag ni Mark na may halong ibang eksena ang viral video at ibang lalaki na iyon.
“May nasamang iba
na akala ako din iyon kahit di na ako ‘yon,” saad ni Mark.
“Kung kamukha ko yun, ako… pero kung di kita yung mukha ko, di na ako iyon.”
Natanong si Mark tungkol sa paggawa niya ng mga sexy movies para sa Vivamax: wala ba siyang problema sa pagiging sexy star?
Katuwiran niya, “Siyempre, kailangan artistic pa rin, hindi puwedeng porn siya at alam mong nag-a-acting lang tayo dito, kasi yun ang pambenta natin doon.
“Wala akong problem doon dahil may kuwento naman siya.”