shocking news : Glaiza de Castro reacts to Ken Chan facing syndicated estafa raps (uyen)

Glaiza de Castro reacts to Ken Chan facing syndicated estafa

Glaiza de Castro prays that Ken Chan will be able to surpass his legal battle and share learned lessons from what he went through. 

Si Glaiza de Castro at kapwa niya Kapuso star na si Ken Chan ay co-producers sa bagong film outfit, ang WIDE International Film Festival.

Pero nang kumustahin si Glaiza kung bahagi pa rin si Ken ng kanilang film outfit, walang tuwirang sagot ang aktres kung ano ang posisyon ng WIDE sa sitwasyon ni Ken.

Si Ken ay kasalukuyang nahaharap sa kasong syndicated estafa kaugnay ng PHP14M investment deal niya sa isa sa investors sa binuksang restaurants ng aktor.

Paliwanag ni Glaiza sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal): “Actually po, hindi ko rin po alam kung ano ang nangyari since naglabas siya [Ken] ng statement.

“Ngayon, baka nire-reconsider ang mga kontrata.

“Siyempre, ongoing pa rin—ngayon, may third film kami under WIDE. Hindi ko alam kung ano na ang magiging posisyon or magiging role ni Ken.

“Kasi, hindi ko rin siya nakakausap ngayon, hindi ko rin siya ever nakakausap.”

Ayon kay Glaiza, nagpadala siya ng mensahe kay Ken na ipinagdarasal niya ito.

“Alam ko naman na hindi madali ang pinagdadaanan niya. Nag-message rin ako sa kanya, nag-reply naman siya,” ani Glaiza.

Pagdating sa kaso ni Ken, hindi raw si Glaiza ang tamang tao para tanungin dito.

Saad niya, “Pero, ang dami na rin kasing version na lumabas.

“And I can’t speak on behalf of them, hindi ko puwedeng sagutin lahat ng mga tanong sa akin.

“Kaya minsan, hindi na rin ako sumasagot kasi wala ako sa posisyon talaga na sumagot.”

November 8, 2024 naiulat na hinahanap si Ken ng pulisya para i-serve ang arrest warrant laban sa aktor.

Pero bigo ang pulisya dahil wala si Ken sa bahay nito.

November 14 naglabas ng opisyal na pahayag si Ken na hindi umano siya nanloko ng tao, at sadyang nalugi raw ang restaurants na binuksan niya.

GLAIZA DE CASTRO ON BEING THERE FOR KEN CHAN

Bago pa man daw sumabog ang isyu tungkol kay Ken, alam na raw ni Glaiza na may pinagdadaanan ang aktor.

Ayon kay Glaiza, “Alam ko na may pinagdadaanan si Ken. Pero yun nga, ang palagi kong sinasabi, ‘Malalagpasan mo rin yan.'”

Humingi rin ba ng payo si Ken sa kanya dati?

Sagot ni Glaiza: “Not really advice, but someone who would listen to him and not judge him. Be there for him. Yun lang din.

“Kasi, kahit naman siguro sino, kung maranasan yung nararanasan niya, ang hirap magbigay ng advice, e. Isa yan sa mga advice na gusto kong maging better at.

“Hindi ako magaling mag-comfort, pero kapag kailangan mo ako sa tabi mo, kapag kailangan mong may makinig sa yo, nandiyan ako.

“Pero wala lang akong masasabi kung hindi ipagdasal ka lang.”

Isa raw si Glaiza sa natuwa nang makita at mabasa niyang binasag na ni Ken ang katahimikan nito at naglabas ng official statement.

“Finally, noong naglabas siya ng statement, I feel na, ‘Yan si Ken. Lumalaban siya.’

“Hindi siya yung tipo ng tao na mananahimik lang. Kina-calculate niya rin kasi ang sasabihin niya. Hindi puwedeng magsalita nang magsalita at pairalin ang emosyon, e.

“Ngayon, kailangan pag-isipan ang lahat ng sasabihin. Kailangan pag-isipan ang lahat ng gagawin.

“And I just feel na after nito, sobrang mature na niyang tao and ang dami pa niyang ikukuwento at isi-share sa aming lesson.”

Dugtong pa ni Glaiza, “Nami-miss namin siya.”

Naniniwala rin si Glaiza na malalampasan ni Ken ang kinakaharap na suliranin.

“Oo naman, wala namang problema na hindi napagtatagumpayan,” saad niya.

“Basta kasama mo si Lord. Basta may mga taong sumusuporta at tumutulong sa yo, di ba?

“At nakita ko naman na marami naman ang tumutulong kay Ken.”

GLAIZA DE CASTRO ON HANDLING HER BUSINESSES

Si Glaiza ay may mga negosyo na rin tulad ng kanyang resort sa Baler.

Co-producer siya ng WIDE International Film Festival, at co-producer ng pelikulang I Fell, It’s Fine, isang girls love movie na pinagbibidahan nila ni Rhian Ramos.

Bilang entrepreneur, tinanong si Glaiza kung anong pag-iingat ang ginagawa niya para maiwasang malagay siya sa sitwasyong gaya ng kay Ken.

“In every investment, dapat prepared ka na mawalan,” saad ni Glaiza.

Patuloy niya: “Kasi, sa mga naging business ko rin, parang hindi rin isang time lang ako nag-invest, tapos R.O.I. [return of investment] na agad, walang ganon sa business. Kailangan nagte-take ka ng risk.

“Siguro, tama yung dapat mga taong kasama mo, sure ka. Ipinagdarasal din.

“At siguro, yun ang isa sa maa-advice ko—yung prayer, sobrang powerful niya. Yun ang guidance ni Lord sa yo.

“Yung mga signals ba na binibigay niya sa yo, pinapakinggan mo ba? Kasi, kung may binibigay namang signals, dapat aware ka na kung ano ang gagawin mo.

“At ako, thankful ako na may mga times na binigyan Niya ako ng signal, tinanggap ko na ganon talaga, move on.”

Nakaranas daw si Glaiza na maloko sa negosyo.

Balik-tanaw niya, “Hindi naman mawawala na maloko ka, mabudol ka, ma-take advantage ka. Lalo na lagi kaming nakikita sa TV.

“Masakit, lalo na kung yung mga taong yon, e, pinagkatiwalaan mo.

“Pero, part siya ng experience ng buhay. Part siya ng chapter ng buhay mo.”

GLAIZA DE CASTRO AND RHIAN RAMOS MOVIE

Nagkaroon ng story conference ang I Fell, It’s Fine sa Deer Claus restaurant sa Timog Avenue, Quezon City, noong November 17.

Dito napag-usapan kung bakit naisipang pagsamahin sina Glaiza at Rhian Ramos sa isang pelikula sa direksiyon ni Sig Bernardo.

Ang ibang co-producers ng WIDE ay may-ari ng Aromagicare, isang health and wellness product brand.

“Kinukuha ako ng Aromagicare sa mga events nila and nung time na nagsama kami ni Rhian, mas natuwa sila.

“And since nag-venture out nga sila sa film productions, isa yan sa napag-usapan namin.

“‘What if?’ lang talaga ang tanong nila [health and wellness brand]. And then, parehas kami na nag-Sang’gre.

“Nag-usap kami [ni Rhian] and umokey ang schedule niya, umokey ang schedule ko and I think, it’s meant to happen.”

Siyam na taon na ang nakararaan nang gawin nina Glaiza at Rhian ang The Rich Man’s Daughter ng GMA-7, at doon nabuo ang love team nila na kung tawagin ay RaStro.

Marami sa RaStro fans ang hindi bumitiw at naghihintay na magtambal silang muli.

“Sana yung suporta na natanggap namin noong mga nakaraang taon b— and even until now, may mga suporta pa rin na natatanggap —vay magpatuloy hanggang sa lumabas ang pelikulang ito.

“Kasi, na-excite rin ako na makita nila. Kasi, kapag may ginawa kang project na parang gustung-gusto mong ipakita sa teacher mo, ito yon.

“So, excited ako na masimulan mo na at nag-usap-usap tayo about it. Nakita niyo naman kung gaano ka-excited ang lahat. At ako rin naman, excited ako.”

 

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2025 News