
Archie Alemania’s (left) wife Gee Canlas (right) breaks silence, by posting a cryptic quote on Instagram, after Rita Daniela (not in photo) filed acts of lasciviousness complaint against the actor.
PHOTO/S: Gee Canlas on Instagram
May pinatutungkulan ba si Gee Canlas, asawa ng Kapuso actor na si Archie Alemania, sa kanyang Instagram post?
Ito ang tanong ng ilang netizens matapos mag-post sa Instagram si Gee ng makahulugang quote tungkol sa paglabas ng katotohanan noong Linggo, November 17, 2024.

Archie Alemania (left) and his wife Gee Canlas (right).
Photo/s: Gee Canlas on Instagram
Ito’y sa gitna ng reklamong acts of lasciviousness na inihain ng Kapuso singer-actress na si Rita Daniela laban kay Archie.
Mababasa sa post ni Gee (published as is), “The truth doesn’t need defending; it speaks for itself.”
Dumagdag pa rito ang makahulugan niyang caption na, “All will be answered in due time.”
Inihain ni Rita ang reklamo niya laban kay Archie sa Office of the Prosecutor ng Bacoor City noong October 30, matapos niyang makaranas umano ng sexual harassment mula sa aktor.
Sa kanyang complaint affidavit, idinetalye ni Rita ang ginawang pangha-harass umano ni Archie sa kanya.

Photo/s: GMA Network
Nangyari ang insidente pagkatapos ng thanksgiving party ng Widows’ War sa bahay ni Bea Alonzo sa Quezon City noong September 9.
Nagprisinta si Archie na ihatid si Rita sa bahay ng aktres sa Bacoor, Cavite.
Ayon kay Rita, nasa daan pa lang sila ay nakaranas na umano siya ng pangha-harass mula kay Archie.
Hinimas umano ni Archie ang leeg at balikat niya habang nasa sasakyan.
Pinaalis daw ni Rita ang kamay ni Archie at nagsabing, “Kuya wag ganyan, Kuya kita eh.”
Nang makarating daw sila sa tapat ng bahay ni Rita, noong una ay nagsabi raw si Archie na gusto siya nitong halikan. Pero mariin umanong tumanggi si Rita.
Tinakot pa raw ni Rita si Archie na kilala ng aktres ang asawa ng aktor.
Pero hidi umano natinag si Archie. Sapilitan umano nitong hinalikan si Rita sa labi nang ilang beses kahit na pumalag daw ang aktres.
Ayon pa kay Rita, dalawang beses siyang pinigilan ni Archie na makaalis ng sasakyan, sa kabila ng pagpupumiglas at pagsigaw niyang tigilan na ng aktor ang pang-aabuso sa kanya.
Sa isang punto ay hinatak umano ni Archie si Rita, mahigpit na niyakap, at hinawakan ang dibdib.
Nang malisyoso umanong bumulong si Archie na “Pa-booking naman, sige na,” napaiyak daw si Rita pero buong lakas muling nagpumiglas ang aktres at tuluyang nakawala sa mahigpit na pagkakayakap ng aktor.
Makaraang makawala ni Rita, ay nagsunud-sunod na raw siyang nakatanggap ng text messages kay Archie.
Base sa isinumiteng screenshots ni Rita, makikita rito na eksaktong 3:46 A.M. ng September 9, Lunes, nang mag-text si Archie sa kanya ng “Huy.”
Sumunod dito ang diretsahang pagsabi ni Rita kay Archie na bagamat na-appreciate niya ang paghatid ng aktor sa kanya sa bahay ay hindi nagustuhan ng aktres ang pambabastos umano nito sa kanya.
Bahagi ng text message ni Rita (published as is), “i feel so disrespected and violated.”
Dagdag pa ni Rita (published as is), “u took advantage of the moment.”
Sinundan ito ni Rita ng text message na nagsasabing pinapauwi na niya si Archie.
Hindi raw kasi kaagad umalis ang sasakyan ng aktor sa tapat ng bahay ni Rita.
Tinext ni Rita kay Archie na nakakagambala sa mga kapitbahay ang tahulan ng mga aso dahil naroon pa ang sasakyan ni Archie.
Makalipas ang ilang oras matapos ang insidente, eksaktong 1:11 P.M. nang mag-text ulit si Archie kay Rita.
Sabi sa text message ni Archie (published as is), “Sorry kagabi lasing na kuya mo.”
RITA DANIELA: “I’m really trying my best to be okay…”
Matapos magsampa ng reklamo ay hindi nagpaunlak ng panayam ang aktres; gayundin si Archie.
Ngunit pagkalipas ng ilang linggo ay nagsalita na si Rita tungkol dito.↓
Sa panayam niya kay Nelson Canlas para sa 24 Oras, noong November 11, sinabi niyang sinisikap niyang makabangon mula sa nangyari kahit hindi madali.
Saad niya: “I’m really trying my best to be okay because I have to.
“I have to be okay. I have no choice because, siyempre, there’s a person who is depending on me.
“If bibigay ako, mas kawawa si Uno, mas kawawa yung anak ko,” pagtukoy ni Rita sa kanyang one-year-old son.
Pagpapatuloy ni Rita, ginagawa niya ang lahat ng kanyang makakaya para malampasan ang masama umano niyang karanasan.
Sabi niya, “There are days na hindi ko din napipigilan, bumibigay ako bilang tao.
“I am trying my best and starting to have counselling and therapy… so anything that I can do to really help myself to move forward, and be stronger and braver than ever.”
Lumalakas daw ang kanyang loob dahil may mga taong nagpapaabot ng kanilang simpatiya at suporta sa kabila ng pangyayari.
Aniya, “There are women na talagang lumalapit sa akin and they would just commend yung nangyari…
“And they’ve been telling me personally, ‘Hey, I like what you did. You’re so brave. I hope I can be like that for myself before.’”
Samantala, sa kabila ng nangyari ay nananatiling tahimik si Archie, maging sa kanyang social media accounts matapos ang insidente.
Pero ayon sa showbiz veteran na si Cristy Fermin sa kanyang online show na Showbiz Now Na, nakausap niya umano si Archie kaugnay ng reklamo ni Rita.
Itinanggi raw ni Archie ang mga paratang sa kanya ni Rita at nagulat na lamang umano ang aktor nang sampahan siya ng reklamo ng aktres.
Plano raw ni Archie na labanan ang mga akusasyon sa kanya ni Rita.
News
Lumabas sina Kim Chiu at Paulo Avelino sa screening ng pelikulang ‘And the Breadwinner Is’ na marami pang bagay na dapat ibunyag….. (nuna)
Kim Chiu and Paulo Avelino made the rounds on social media after being spotted at the blocking screening for “And the Breadwinner Is…” Kim Chiu at Paulo Avelino, spotted sa block screening ng ‘And the Breadwinner Is’ (@annecurtissmith, @chinitaprincess) Source:…
Boy Abunda, humiling na huwag husgahan sina Bea Alonzo at Dominic Roque sa kanilang breakup (nuna)
Umapela ang King of Talk na si Boy Abunda sa publiko na pairalin ang kabutihan at huwag husgahan sina Bea Alonzo at Dominic Roque matapos na maghiwalay ang dalawa.Dahil sa panibagong kabiguan sa pakikipagrelasyon ni Bea, sinabi ni Tito Boy…
Sunshine Cruz, Atong Ang kissing video goes viral (nuna)
Atong Ang at Sunshine Cruz A kissing video of actress Sunshine Cruz and businessman Atong Ang went viral on social media. In a video uploaded on TikTok, Sunshine was seen kissing Atong while in an unknown cockpit arena. It can…
Denise Julia Responds to BJ Pascual’s Accusations of Canceling a Photoshoot (nuna)
R&B singer Denise Julia (left) speaks up after celebrity photographer BJ Pascual (right) named her as the “worst celebrity/model to shoot.” PHOTO/S: Instagram / YouTube Sumagot na ang R&B singer na si Denise Julia sa mga akusasyon sa kanya ng…
KC hopes relationship with mom Sharon will be “ok” soon (nuna)
KC Concepcion (left) on mom Sharon Cuneta (right): “Christmas will always be about love, laughter, and time with family for me… ending the year right with a conversation between Mama and I. She always makes the holidays extra magical and…
Julia Barretto thinks it’s okay to walk away from this situation (nuna)
Julia Barretto on trusting the people closest to her: “I feel like yung mga nasa paligid namin, that stood the test of time. Kumbaga, parang napatunayan na ang loyalty, and parang good naman para sa amin, so far masaya naman…
End of content
No more pages to load