shocking news : Did Andrea del Rosario reject Hollywood star Vin Diesel? (uyen)

Did Andrea del Rosario reject Hollywood star Vin Diesel?

Andrea del Rosario (right) on how she met Hollywood star Vin Diesel (left): “Na-meet ko siya kasi, di ba, when you go to mga bars, di ba, may lumapit sa akin mga bodyguard niya…in-invite niya kami na pumunta sa house party niya.”
PHOTO/S: Andrea del Rosario/Vin Diesel on Instagram

Diretsahang inamin ng aktres at dating Viva Hot Babes member na si Andrea del Rosario na binasted niya noon ang Hollywood action superstar na si Vin Diesel.

Sinabi ito ni Andrea nang maging guest siya sa bagong programa ng GMA Public Affairs na Lutong Bahay sa GTV, hosted by Mikee Quintos, nitong Miyerkules, November 27, 2024.

Did Andrea del Rosario reject Hollywood star Vin Diesel?

Photo/s: Screengrab GMA Public Affairs on YouTube

Sa segment na “Kitchen-terrogate,” tinanong siya ni Mikee: “Magbigay ng pangalan ng showbiz personality na nanligaw sa yo pero binasted ninyo.”

Kung hindi ito sasagutin ni Andrea ay iinumin niya ang milk-wasabi concoction na nasa shot glass bilang parusa.

Ngunit palaban si Andrea dahil imbes na ilihim ang pagkakakilanlan ng taong tinutukoy, diretsahan niya itong pinangalanan.

“Vin Diesel,” mabilis niyang sagot sa tanong ni Mikee.

Did Andrea del Rosario reject Hollywood star Vin Diesel?

Photo/s: Vin Diesel on Instagram

Makikita naman kay Mikee ang kanyang pagkagulat nang marinig ang sagot ni Andrea.

Saad ni Mikee, “Really, really? Actually isa yun [sa susunod] na question pero sinagot niyo na. Totoo?”

Natatawa at natataranta namang sagot sa kanya ni Andrea, “Hindi, dyino-joke lang kita, ayoko lang uminom nun [milk-wasabi].

“Mikee naman, e, huwag na. Before pa yun e, ilang years ago.”ANDREA DEL ROSARIO ON MEETING VIN DIESEL

Dahil napaamin na niya si Andrea ay hindi na pinalampas ni Mikee ang pagkakataong tanungin ang aktres kung paano sila nagkakilala ni Vin.

Pagbabalik-tanaw ni Andrea, nasa Amerika siya para sa bakasyon noong makilala at makita niya nang personal ang Fast and the Furious star.

Kuwento niya: “Na-meet ko siya kasi, di ba, when you go to mga bars, di ba, may lumapit sa akin mga bodyguard niya, sabi, ‘Hey, you know, he [Vin] wants to meet you.’

“Sabi ko naman, ‘Woah, ah okay.’

“Iniwan namin siya. So, basically we walked around and then may lumapit ulit sa akin, tapos yung bodyguard niya ulit.

“In-invite niya kami na pumunta sa house party niya. Ganun ko siya na-meet.”

Sundot na tanong ni Mikee, “Yung rejection po, paano nangyari?”

Ani Andrea: “Rejection… kasi umuwi na ako ng Philippines after that.

“So, we went to his house, we went there several times, nagkaroon sila ng mga house parties, ganun.

“And then siyempre minsan may mga kuwentuhan kami, moments-moments, ganyan.

“Ayun na yun. And then, kinailangan ko na umuwi sa Philippines.”

ANDREA’S CONNECTION TO VIN

Hindi ito ang unang pagkakataonng isinapubliko ni Andrea ang naging ugnayan nila ni Vin.

Noong May 2013, sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Andrea, inamin nitong pagbalik niya noon sa Pilipinas buhat sa Amerika ay nagtuluy-tuloy pa rin ang komunikasyon nila via email ng sikat na Hollywood actor.

Saad noon ni Andrea: “I think that was 2005. Imagine, ilang years na yun?

“And after that, hindi na kami nagkausap.

“I don’t know if he’s still using that mail.”

Base sa mga balitang lumabas noon, nabihag daw ni Andrea ang puso ni Vin dahil kahit nakauwi na sa Pilipinas ang aktres ay kinukumusta pa rin siya ng Hollywood star.

Ano ang nangyari at biglang naputol ang kanilang komunikasyon?

Sagot ni Andrea: “Siyempre, hindi naman ako nag-aambisyon na it’s gonna be more than that.

“It’s just one of those random things na nangyari… na na-meet ko siya, nagkaroon ng bonding moment. Ganun.

“Kumbaga, let’s leave it at that.

“And if he’s here, it’s nice to know he’s finally here in our country.

“’If I see him, okay, but if not, it’s not a big deal… ganun, e.”

Ibig sabihin ba ay hindi na niya nanaisin pang makita si Vin?

“Oo, e,” mabilis niyang sagot.

Dagdag pa ng aktres: “I mean, kung makita ko siya, and to see if he still remembers me, mangyayari pag talagang mangyayari.

“But I will not go out of my way to see him, alam mo yun?

“Hindi ako yung, ‘Hey, did you see me?!’ No.

“Kasi, even when I met him before, hindi ko naman sinabing artista ako. I never really pushed myself to get his attention.

“Nandun si Michelle Bayle, she saw everything, e. She’s my witness. Nandun kami sa bahay niya [Vin].”

Si Michelle ay dating kasamahan ni Andrea sa ABS-CBN na ngayo’y nakabase na sa US.

Patuloy pa ni Andrea, “He invited me so many times to come back [sa bahay ni Vin] and he wanted me to stay there. And I said no…

“That was 2005 noong magsama kami.”

ANDREA AND VIN CURRENT STATUS

Makalipas ang dalawang taon mula nang magkakilala sina Andrea at Vin ay napabalita ang pagkakaroon ng kasintahan ng Hollywood actor.

Ito’y sa katauhan ng partner niya ngayong si Paloma Jiménez, ang ina ng tatlo niyang anak na sina Similce, 16; Vincent, 14; at Pauline, 9.

Habang si Andrea naman ay masaya rin sa piling ng American-businessman boyfriend niyang si Anthony Garcia.

Katulad ni Vin ay may anak na rin si Andrea, si Beatrice, 13.

 

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2025 News