shocking news : Daiana Menezes suffers miscarriage during breast cancer treatment (uyen)

Daiana Menezes suffers miscarriage during breast cancer treatment

Daiana Menezes recounts most painful moment during miscarriage: “Physically, sobrang sakit compared to when I had an operation for breast cancer. Physically, mentally, everything.”
PHOTO/S: Daiana Menezes on Instagram

Cancer survivor ang Brazilian actress-TV host na si Daiana Menezes.

Nitong November 6, 2024, masaya niyang ibinalita sa publiko na magaling na siya mula sa Stage 2B breast cancer na dumapo sa kanya noong 2018.

Ngunit bukod sa sakit na cancer, may isa pang dagok sa buhay na pinagdaanan si Daiana na hindi alam ng kanyang mga tagahanga — ito ay nang mawala ang sanggol na nasa kanyang sinapupunan.

daina menezes cancer-free

Photo/s: Gorgy Rula

Sa YouTube vlog ng entertainment reporter na si Morly Alinio nitong Linggo, November 17, 2024, ibinahagi ni Daiana kung paano nawala ang kanya sanang unang anak.

Tinanong ni Morly si Daiana kung iniisip pa ba nito ang pagkakaroon ng anak sa edad niya ngayong 37.

“Yes, I did,” mabilis na sagot ni Daiana.

Kasunod nito ay ikinuwento ng TV host na nabuntis siya noong kasagsagan ng kanyang pagpapagamot sa sakit na cancer, ngunit sa kasamaang-palad ay nakunan siya sa ika-apat na buwan ng kanyang pagbubuntis.

Pagbabalik-tanaw niya, “I actually [had] a miscarriage.

“Unfortunately, I lost my baby when I was already four months into the pregnancy.

“The baby was already formed but I lost it.”

Hinala ni Daiana, dahil sa mga gamot na iniinom niya noon kaya naapektuhan ang kanyang pagbubuntis.

Aniya: “Some people say it’s because of the treatment I was doing for cancer; simultaneously kasi.

“But honestly, I feel like it’s from the medicine.

“My baby had no limbs. My baby was [really] incomplete, like [it didn’t develop].

“The organs of the baby were nakadikit. That’s how it was explained to me.

“I can carry it until nine months, pero kasi baka patay na sa loob.

“So, sinabi nila [ng doctor] na ‘bigyan mo pa ng one month baka maging okay,’ pero wala na, namatay na siya [sa loob].”

DAIANA UNDERWENT dilation and curettage OPERATION

Dahil dito, kinailangang sumailalim ni Daiana sa D&C (dilation and curettage) operation o raspa para tanggalin ang wala nang buhay na sanggol sa kanyang sinapupunan.

Bagay na maituturing niyang mas mahirap at masakit kaysa sa iniinda niya noong breast cancer.

Saad niya: “Ayan ang masakit. More masakit than the cancer.

“Kasi sa totoo lang, iba yung parang mayroon kang expectation na maganda na magiging blessing sa buhay mo tapos hindi siya nangyari.

“At the same time, may gagawin pa sila sa iyo to fix what’s going on.

“Yung parang may sakit ka, papasok ka sa operation room, and then alam mo naman na pampagaling ito sa yo.

“Pero ito, hindi naman ito pampagaling sa iyo, e, [ginagawa ito] because you don’t have a choice.

“Physically, sobrang sakit compared to when I had an operation for breast cancer.

“Physically, mentally, everything.”

Mabuti na lang daw at naging kasa-kasama ni Daiana noong mga panahong iyon ang kanyang ina.

Sabi niya, “I’m very lucky that my mom was with me the entire time. Buti na lang may kasama ako.

“Kasi kung wala, I don’t know kung makakaya ko.”

Nang tanungin kung nasaan ang ama ng kanya noong pinagbubuntis, sagot ni Daiana, “Four years kami together and then I got pregnant finally on the fourth year na hiwalay na kami.

“Alam niyang buntis ako. Pinabayaan niya lang ako… Kasi ang nangyari nun, e, nabuntis naman niya yung friend ko.”

DAIANA ON HER newfound love

Sa kabila ng dagok na kanyang pinagdaanan, ipinagpapasalamat daw ni Daiana na nabigyan siya ng pagkakataong muling umibig.

Ito’y sa katauhan ng kanyang rapper boyfriend na si Tommie King.

Pagmamalaki ni Daiana sa panayam niya sa PEP Troika, “I’m seeing someone, six years na kami. We’re both struggling artists. His name is Tommie King.

“He’s a rapper. We’ve been together for six years.”

 

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2024 News