The bride and the venue

Nagpadala ang bride ng 70 wedding invitations sa mga kapamilya at kaibigan. Ang 40 sa mga ito ay nag-RSVP. Pero sa mismong araw ng kasal niya, limang katao lang ang naging bisita. “Am I that bad of a person?” (Photos: kalina_marie_23 on TikTok)

Sobrang devastated si Kalina Marie sa araw ng kanyang wedding.

Pagdating kasi niya sa venue ay walang katau-tao.

Ang kanyang mga kapamilya at kaibigan ay hindi sumipot.

Sobrang ganda pa naman ng dekorasyon sa venue, pero ang atmosphere ay naging hungkag at malungkot.

The bride

Ang bride na si Kalina Marie. Photo: kalina_marie_23 on TikTok

Ever since, ang pangarap niya para sa kanyang wedding ay parang fairytale.

Gusto niyang napapalibutan siya ng kanyang mga mahal sa buhay.

Pero naglahong parang bula ang kanyang mga pangarap.

75 ANG INVITED, 40 ANG NAG-RSVP, PERO 5 LANG ANG DUMATING

Ibinahagi ni Kalina sa social media ang mga kaganapan sa kanyang wedding.

Last November 6, 2024, nag-upload siya sa TikTok ng video clip.

Sa caption, ibinulalas ni Kalina ang kanyang frustrations.

Makikita sa video ang entrance para sa pagdarausan ng Masquerade ball, na ani Kalina, ay lagi niyang ikinukuwento sa kanyang mga kapamilya at kaibigan sa loob ng sampung buwan.

The venue

Nagulat umano si Kalina Marie nang pagdating nila sa wedding venue ay wala halos katau-tao. Photo:
Seventy-five na katao umano ang kanyang pinadalhan ng digital invitation.

Forty sa mga ito ang nag-RSVP.

Gumastos din siya ng malaki para magpagawa ng 25 beautiful invitations.

Hinagpis ni Kalina, “Five people showed up!

“Like, are you kidding me?

“As you see in the video, we enter the venue. And no one is there.”

Ibinahagi rin niya na sa imbitasyon ay nakasaad na ala una ng hapon magsisimula ang kasayahan.

“My mom messaged me at 1:15 p.m. that no one was there.

“My husband and I finally showed up at 2:00 p.m. to five people in a venue planned for 40.”

NASAYANG ANG FOOD AND DRINKS

Saad pa ni Kalina, nangarap siya noon na kapag naglakad sa aisle ay magsisigawan sa tuwa ang mga wedding guests.

“But all you see is a woman trying to hold herself together because she had no idea how to deal with her venue being almost completely empty.”

Himutok pa niya, nasayang ang food and drinks.

Nakakalungkot aniyang tingnan ang mga mesa at silyang walang nag-ookupa.

Dahil dito, kinailangang mag-adjust sila sa sitwasyon dahil hindi na masusunod ang nasa program.

The couple with their son

Kahit walang bisitang dumating, pinilit nina Kalina Marie, ng kanyang groom at anak na pagaanin ang sitwasyon. Photo: kalina_marie_23 on TikTok

Gayunpaman, masaya pa rin ang newlyweds.

“But all I know is, I have my man. My baby. And family that shows up when I need them.

“And for that, I will be thankful.”

Naglakad silang magkahawak-kamay ng kanyang groom sa aisle kasama ang kanilang anak na lalaki habang pumapailanlang ang awiting “When I Look at You” ni Miley Cyrus.

Sa kanilang first dance ay sinamahan sila ng limang bisita.

BRIDE HINDI MAISIP ANG DAHILAN KUNG BAKIT HINDI DUMATING ANG MGA INIMBITAHAN

Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Kalina sa nangyari.

Iniisip umano niya kung bakit inisnab ang kanyang wedding.

“Am I that bad of a person?

“What did my husband ever do to deserve any of this?

“Why couldn’t we matter enough for people to show up?”

Ang ikinasasama pa ng loob niya, “I still have ‘friends’ that haven’t even messaged me to congratulate me or tell me why they didn’t come.

“It truly makes me sick. I honestly can’t wrap my head around this yet.”

NETIZENS NAKISIMPATIYA SA BRIDE

Nine years nang nagsasama si Kalina at ang kanyang groom bago sila nagdesisyong magpakasal.

Kung hindi nangyari ang pandemic, mas napaaga sana ang taon ng kanilang kasal.

Ini-announce naman nila ang kanilang wedding date noong January 2024, at agad ding nagplano kung paano ito idaraos—na ayon nga kay Kalina ay gusto niyang mala-fairytale.

Sa kanyang update makalipas ang ilang araw, inamin ni Kalina na hanggang ngayon ay nakakaramdam pa rin silang mag-asawa ng kahihiyan dahil sa nangyari.

“And still moving through the stages of grief.”

Hindi rin niya itinangging may galit pa rin siya sa mga inimbitahang nag-RSVP, pero hindi naman sumipot.

Pasubali ni Kalina, “I wouldn’t even wish this on my worst enemy.”

Ang post niya ay nakakuha na ng 332.6K reactions, 16.8K comments, at 17.9K shares.

Bagaman at may mga nagtanong kung may side story ba para hindi dumating ang kanyang mga guests, halos lahat ng nagkomento ay nakisimpatiya kay Kalina.

Usisa ng isang naguguluminahang commenter, “How can people RSVP ‘yes’ and then not show up?”

Tanong naman ng isa pa, “Were they just invited to the reception and not the ceremony?”

Mayorya rin sa mga nagkomento ang nagsabing sakaling magpakasal uli si Kalina, dadalo sila para hindi maulit ang nangyari. May mga nagsabi rin na napakaganda niya sa kanyang wedding dress.

“Let’s do it over. This time invite me and the rest of us. We’ll show up and out. I love you, beautiful and congratulations!”

Nagpasalamat naman sa kanila si Kalina.

Nakakatulong aniya ang mga mensahe ng netizens para maka-move on na siya sa nangyari.