Bea Alonzo on viral photos with non-showbiz guy: “Can we all relax? WE ARE JUST FRIENDS…Kalma lang po tayo.”
PHOTO/S: Bea Alonzo on Instagram/Screengrab @Reddit
Mariing itinanggi ng Kapuso actress na si Bea Alonzona karelasyon niya ang non-showbiz guy na kanyang kasama sa nag-viral niyang litrato kamakailan.
Noong November 10, 2024, nag-trending online ang screenshot ng ini-repost na larawan ni Bea kasama ang non-showbiz guy na nagngangalang “Joset.”
Sa larawan, hindi gaanong kita ang mukha ni Bea dahil natatakpan ito ng kanyang braso habang siya ay nakadungaw sa balikat ni Joset.
Photo/s: Screengrab on Reddit
Kung bibisitahin din ang Instagram ni Joset ay makikita ang selfie nila ni Bea na in-upload ng binata noon pang October 13.
Tila nasa isang bar ang dalawa nang kunan ang litrato.
Photo/s: Screengrab on Instagram
Dahil sa litrato ng dalawa, ilang netizens ang naghinalang si Joset daw ang bagong lalaking nagpapasaya ngayon sa puso ng aktres, makaraan nitong mahiwalay sa fiancé niyang si Dominic Roque.
BEA CLARIFIES REAL SCORE WITH JOSET
Sa pamamagitan ng Instagram Story nitong Martes, November 12, nilinaw ni Bea ang ugnayan niya kay Joset.
Ayon sa akres, nagulat siya nang pag-isipan silang may relasyon, gayong ang totoo raw ay magkaibigan lamang sila ni Joset.
Mababasa sa post ni Bea (published as is), “Okay, this is getting out of hand. Can we all relax? WE ARE JUST FRIENDS.
“And the stories are getting ridiculous! [laughing emoji]. Kalma lang po tayo.”
Photo/s: Screengrab Bea Alonzo on Instagram
Dominic Roque, SUE RAMIREZ spotted together in Siargao
Bagamat nilinaw na ni Bea ang tungkol sa nag-viral niyang litrato kasama si Joset, marami pa ring netizens ang hindi naniniwalang wala itong koneksiyon sa nag-viral ding video ex-fiancé niyang si Dominic kasama nito ang aktres na si Sue Ramirez.
Ayon sa netizens, nakakapagtaka raw kasi na matapos maispatan nina Dominic at Sue na magkasama ay nag-upload kinabukasan si Bea na may kasama rin siyang lalaki.
Sa viral na video na kuha ng isang netizen noong November 8, makikita kasi si Sue na kahalikan si Dominic sa isang bar sa Siargao.
Photo/s: Screengrab @TikTok
Ayon din sa Reddit, kuha ang video nina Sue at Dominic sa isang bar sa General Luna, Siargao, kunsaan parehas na nagbabakasyon ang dalawa.