Amy Perez, who was cheated on in her first marriage, prays for friend Ai-Ai delas Alas amid the latter’s separation from Gerald Sibayan.
PHOTO/S: @amypcastillo Instagram
Binalikan ng It’s Showtime co-host na si Amy Perez ang naranasang panloloko mula sa kanyang dating mister na si Brix Ferraris.
Si Brix ang dating soloist ng R&B band na South Border.
Ikinasal sina Amy at Brix noong 1995, at na-annul ang kanilang kasal makalipas ang siyam na taon.
Nabanggit ni Amy ang personal niyang karanasan sa cheating sa thanksgiving mediacon ng DWPM RADYO 630, na ginanap sa Seda Hotel sa Trinoma Complex, Quezon City.
Ako ‘To, Si Tyang Amy ang pamagat ng programa ni Amy sa Radyo 630, 3 P.M., mula Lunes hanggang Biyernes.
Tinanong si Amy kung based on her own experience ang ibinibigay niyang payo sa kanyang listeners.
Pahayag ni Amy: “Marami na kaming pinagdaanan sa buhay. So, yung mga pinagdaanan namin na iyon ang siyang baon namin every single day.
“Kapag ako ang nagbibigay ng advice sa mga listeners, hindi ko naman dinidikdik sa kanila, ‘O, eto ang gawin mo because this is how I did it before.’
“So, alam ko na hindi siya one size fits all. At the end of the day, I will give you options. Kung ikaw ay aking listener, bibigyan kita ng option nung nangyari yan sa akin.
“Kunyari, kung ang pinag-uusapan ay nag-cheat ang asawa, ‘Eto yung ginawa ko. Nangyari yan sa akin.'”
Malakas na napahalakhak si Amy matapos ng kanyang tinuran.
Pagkatapos ng presscon proper, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Amy kung paano niya hinarap ang panlolokong naranasan sa una niyang asawa.
“Ay, di siyempre… Naku! Napakahabang proseso yan,” bulalas ni Amy.
Sabi rin niya, “Yung mga payo na binibigay ko sa radyo, ina-apply ko rin sa sarili ko.”
Hindi na nagdetalye pa si Amy tungkol sa nakaraan nila ni Brix.
Diin niya, “But now, I’m happy with my second husband.
“In fact, we’re celebrating our 10th wedding anniversary.”
Ang second husband ni Amy ay si Carlo Castillo.
ON AI-AI DELAS ALAS
Kinunan din si Amy ng reaksiyon tungkol sa showbiz couples na naghihiwalay dahil sa isyu ng cheating.
Ani Amy, “Yes! Usung-uso yan ngayon. Maraming istorya ng cheating ngayon.”
Sa Fast Talk With Boy Abunda noong Lunes, November 11, nagsalita si Ai-Ai delas Alas tungkol sa hiwalayan nila ng mister na si Gerald Sibayan.
Umamin si Ai-Ai na may kutob siyang may third party, pero hindi raw niya nakumpirma.
Ayaw na raw niyang ilaban pa dahil desidido na raw ang mister na tapusin ang kanilang relasyon.
Inamin din ni Ai-Ai na noong 2019 ay nag-cheat sa kanya si Gerald, pero nalampasan nila iyon noon.
Umabot din sa sampung taon ang relasyon nina Ai-Ai at Gerald bilang partners at married couple.
Nakisimpatiya si Amy sa sitwasyon ngayon ni Ai-Ai.
“Tinext ko nga siya. Ayun nga, sinabi ko sa kanya na we’re here for her, I pray for her.
“Si Ai-Ai naman kasi napakabait na tao. Napakabuti na tao. Napakaganda ng puso.
“So, I pray that one day ay mahanap pa rin niya ang kanyang partner, na the one talaga.
“Or baka maayos pa rin sila ng asawa niya. Hindi natin masabi.”
Thirty years ang age gap nina Ai-Ai at Gerald.
Tingin ba ni Amy ay disadvantage ang big age gap?
Sagot ni Amy, “Depende pa rin yan sa tao. We cannot generalize, e, actually.
“Kasi, like ako and my husband, ten years ang gap namin. Mas matanda ako sa kanya ng ten years.”
Sabay hirit ni Amy, “Wala sa hitsura, di ba?!”
Hirit niya ulit, “O, mukha siyang mas matanda sa akin. Tsaros! Magagalit sa akin ang asawa ko.”
Maya-maya ay sumeryosong patuloy ni Amy, “But I think nasa tao yan. Hindi naman natin puwedeng i-generalize na lahat ay ganoon.
“Depende. Depende sa sitwasyon. Depende sa tatag ng pagkatao ng bawat isa.”
ON JOHN ESTRADA
Isa pang nababalitang may marital problem ay ang celebrity couple na sina John Estrada at Priscilla Meirelles.
Si John ay dating co-star ni Amy sa ’90s sitcom na Palibhasa Lalake.
Kamakailan ay naging tampulan ng espekulasyon ang sighting kay John kasama ng isang non-showbiz girl.
Sa exclusive statement na ipinadala ni John, nanindigan ang aktor na wala siyang dapat ipaliwanag dahil karapatan daw niyang makipagkaibigan sa kahit sino, mapa-babae o lalake.
“Hindi ko pa nakakausap si John Estrada,” sambit ni Amy.
“Pero kapag nakausap ko siya, isa lang ang sasabihin ko. ‘John, okay?’
“Juanito ang tawag namin sa kanya, e. ‘Juanito, kausapin ka raw ni Mommy.'”
Wala raw alam si Amy sa nag-viral na picture ni John na may kasamang non-showbiz girl.
Natatawang sabi lang ulit ni Amy, “Okay. Juanito, usap tayo.”
AMY PEREZ ON SECOND HUSBAND
Tulad ng unang nabanggit ni Amy, happy ang kanyang married life.
Ikinasal si Amy sa kanyang second husband na si Carlo Castillo sa Mango Farm sa Antipolo City noong November 12, 2014.
Sa sampung taon nilang buhay mag-asawa, napapanatili pa rin daw nila ang ningas sa kanilang relasyon.
Nang tanungin tungkol sa kanilang loving gestures, natawang hirit ni Amy, “Ay, naku ano! Pag tinatawag na niya ako ng ‘Beh,’ mga ganoon. ‘Hi, Beh.’ May kasunod na. Ay, tsaros!”
Seryosong dugtong niya, “Pero hindi… Ang hindi ko makakalimutan is yung mga times kapag pinapatawa ko siya.
“Kapag kasi sinasabi ko, ‘Grabe ka naman. Sobrang in love na in love ka sa body ko,’ ganyan. Hahaha!
“So, yung ganoon na may biruan ang mag-asawa na natutuwa ako dahil hanggang ngayon, ganoon pa rin kami sa isa’t isa.
“Kahit inookray namin ang isa’t isa, parang feeling ko nakakadagdag yun sa spark.”
Mahalaga rin daw na may space sila sa isa’t isa.
“Tsaka hindi kami clingy sa isa’t isa. I don’t check on him.
“Kunyari may sinabi siya sa akin na, ‘Eto ang schedule sa buong araw.’ Hindi na ako nagtse-check. Basta alam namin ang schedule ng bawat isa.”
AMY PEREZ ON HER RADIO SHOW
Sa kabilang banda, ibinahagi ni Amy kung paano ang sistema sa kanyang radio show na Ako ‘To, Si Tyang Amy.
May mga expert sa show ni Amy na nagbibigay ng iba pang payo o perspektibo sa listeners na dumudulog sa kanila.
“Ilalatag yun sa programa. And then, at the end of the day, yung ka-serbisyo namin ang mamimili kung alin ang susundin niya sa mga binigay naming payo.”
Bukod sa pagbibigay ng payo, may public service ding nakapaloob sa Ako ‘To, Si Tyang Amy.
“Ang pinag-uusapan namin doon ay lahat ng may kinalaman sa ating mental health. Yung pag-alaga naman sa ating pag-iisip, sa ating puso, sa ating emosyon.
“Yung mga pinagdadaanan po natin na struggles sa araw-araw nung ating mga ka-serbisyo.
“So, Mondays, Tuesdays, and Thursdays, meron tayong ka-serbisyo na nakakausap via phone or via zoom.”
Tuwing Wednesday, may segment sa show na “Ano’ng Feels Mo” na layuning i-bridge ang gap sa pagitan ng Gen-Alpha, GenZ, millennials, at Gen-X.
“Kagaya kunwari nung last time, pinag-usapan namin kung ano yung tinatawag nila sa relationship na ‘MU.’
“Nung araw sa atin, di ba, na mga boomers, na mga Gen-X, ang alam niyo [pag sinabi] MU, mutual understanding.
“Pero alam niyo ba na sa mga millennials at GenZ, ang tawag nila doon ngayon ay ‘situationship’?
“So, brini-break natin ang gap na yun para po sa mga Gen-X na kagaya ko na may anak na millennial, may anak din ako na Gen-Z at Gen-Alpha.”
Kada Biyernes ay may drama presentation, ang “Tyang Amy Presents.”
Ka-tie-up ng show ang piling estudyante mula Far Eastern University (FEU) ngayong Nobyembre.
“Ang Multimedia students nila ang siyang nagpro-produce at sumusulat ng mga drama na ginagawa namin every Friday. At last Friday po nagsimula ang FEU.
“So, we’re hoping na makaikot kami sa lahat ng eskuwelahan na may Multimedia courses or Masscom para po ma-feel nila, ‘Naku, ganito pala gumawa ng drama [sa radyo].”
ON IT’S SHOWTIME
Samantala, sinagot ni Amy ang isyung ibinabato sa It’s Showtime na ayaw tumigil ang balitang hanggang December na lang this year ang Kapamilya noontine show.
“Naku, hindi naman,” tanggi ni Amy.
Patuloy niya: “Wala po akong alam diyan. Tanungin po natin sa mga boss. Kami naman ay sundalo lang na tagasunod kung saan kami dadalhin ng panahon, di ba?
“Pero wala naman akong na ganoong mga bali-balita.”
Walang sinasabi sa kanila ang management?
“Wala. Walang ganoon. Wala kaming napapag-usapan,” sagot ni Amy.
“Walang ganoon. Wala kaming napapag-usapan.”
Hindi raw nababahala si Amy sa kumalat na pagtatapos sa ere ng It’s Showtime sa susunod na buwan.
“E, di hayaan mo sila. Hayaan natin sila. May mga ibang tao talaga na ayaw nila ng good news. Ayaw nila ng positivity. So, hayaan na natin sila.
“Oo, secured naman ako.
“At nagpapasalamat ako sa asawa ko na pinapayagan pa niya ako na magtrabaho sa edad kong ito, di ba.”
News
SHOCK: Paulo made an indignant statement when he learned the reason Xian Lim did not want to marry Kim Chiu, shocking fans, that is.. (uyen)
Kim Chiu and Paulo Avelino set a new standard to love teams by keeping their chemistry as real and natural as it gets through their bond With a community inspired by the force of love, there is no denying that…
Karylle finally talks about her past breakup with Dingdong Dantes…increasing security secrets are revealed (uyen)
It’s been years since actress-singer Karylle and actor Dingdong Dantes broke up, but back when the wounds were still fresh, Karylle chose not to talk about the issue and instead strived to move on with her life. In an interview with Boy Abunda for the news…
shocking news : Chariz Solomon recounts being accused of sexual harassment by former Bubble Gang male co-star (uyen)
Kapuso comedienne Chariz Solomon gives details about a Bubble Gang male co-star who accused her of sexual harassment in the past. PHOTO/S: @chariz_solomon on Instagram Ikinuwento ni Chariz Solomon, 35, ang tungkol sa naging co-star niya sa Bubble Gang na inakusahan siya ng…
bearking news : Ai-Ai delas Alas “moving forward,” “lumalaban” after breakup (uyen)
Ai-Ai delas Alas keeps her supporters updated after confirming her breakup with estranged husband Gerald Sibayan. The Comedy Queen is keeping herself busy such as hitting the gym. She also recently visited a facility center for the elders to celebrate…
أخبار ساخنة: “اكتئاب وهجوم هيفاء وهبي بسبب الغيرة الشديدة.. تفاصيل صادمة عن عمرو سعد وأسرار خفية!” مما تسبب في صدمة للعالم أجمع (SKDA)
حل الفنان المصري عمرو سعد ضيفاً على برنامج “Abtalks” مع الإعلامي الإماراتي أنس بوخش، حيث تحدث عن بداياته الفنية وتجربته الشاقة في الوصول إلى الشهرة. عمرو سعد: رحلة شاقة نحو النجومية وأوضح سعد أنه تعرض لاستبعادات متكررة من أدوار مختلفة قبل أن يحقق نجاحه….
bearking news : Paolo Contis says he’s now single amid breakup rumors with Yen (uyen)
Paolo Contis (left) admits he’s now “single,” months after netizens started speculating about his breakup with Yen Santos (right). PHOTO/S: @paolo_contis on Instagram Matapos ang ilang buwang espekulasyon sa kanilang relasyon, kinumpirma ng Kapuso actor na si Paolo Contis na single siya…
End of content
No more pages to load