Kumalat ang video… pagvi-vape ni Kathryn, tanggap ng fans!

Kumalat ang video... pagvi-vape ni Kathryn, tanggap ng fans!

Tanggap ng fans ang tren­ding TikTok video kahapon na makikitang nagvi-vape si Kathryn Bernardo.

Parang kuha sa taping or shooting break ng actress ang nasabing video.

May kasama siyang parang make-up artist na nagtanggal ng mask at nag-vape rin.

Nakatalikod ang kuhang video kay Kathryn pero si Kathryn daw talaga ‘yun kung saan nahulog sa pocket ang nasabing vape pero kinuha niya at parang isinubo.

Normal na bagay naman kung tutuusin. Hindi naman porket artista ay bawal nang mag-vape o magyosi.

Or baka naman promo talaga ‘toh sa ginagawang movie ni Kathryn with Dolly de Leon na ang title ay A Very Good Girl.

Na parang kabaliktaran naman sa title though ‘yun daw ang hairstyle nito sa nasabing pelikula.

Matapos kalimutan sa catalogue ng Star Magic, Janella Salvador nilantad ang tambalan nila ni Win Metawin

Wala man sa catalogue ng Star Magic si Janella Salvador, may movie naman siya with Thai actor Win Metawin na sinimulan na nilang i-promote.

Ang director nilang si Sigrid Bernardo ang naglabas sa social media nito.

Under Parallel Skies ang title.

Pinag-usapan nga lately si Janella dahil sa nasabing pagkalaglag niya sa catalogue na nagkaroon ng launching recently.

Ivana, pipirma sa Kapamilya

Pipirma ngayong araw ng network contract sa ABS-CBN / Star Magic si Ivana Alawi.

Lately ay busy sa pagta-travel ang social media star kasama ang kanyang mommy at sister na si Mona.

Afford naman talaga nila dahil diumano’y ang kita niya sa kanyang YouTube channel ay $8 million.

Isa sa celebrity na malakas ang presence sa social media si Ivana.

Sa TikTok ay meron siyang more than 10 million followers, Instagram ay 9.5 million, 16.6 million sa YouTube kaya talagang siya na raw ang pinaka-rich sa mga local influencer at celebrity!

Aminin kaya ito ni Ivana na ang last post ay ala-Marimar?

Hehehe ang luma ng Marimar, pero pang-summer ang nasabing post niya na walang nababalitang confirmed na jowa.

Julie, hindi kaya ang cheating

Sabi nila kapag niloko ka minsan, ‘kawawa ka.’

Niloko ka na naman, ‘shame on you.’

Sa mundo kung saan ang pag-ibig ay isang sugal, hanggang saan ka payag na maglaro ng cheating game?

Ito ang kuwento ng kauna-unahang pelikulang handog ng GMA Public Affairs, ang The Cheating Game starring Julie Anne San Jose and Rayver Cruz.

Sinusundan ng pelikula ang kuwento ni Hope (Julie), isang idealistic na batang propesyonal na nag-iisip na kaya niyang baguhin ang mundo at alam niya ang lahat. At ang pag-asa ay nakatuon sa kanyang karelasyon at sa non-government organization (NGO) na binuo nila nang magkasama.

Hanggang sa lumabas ang isang sex video ng kanyang boyfriend na may kasamang ibang babae.

Heartbroken, lumayo si Hope sa engagement, sa NGO, at sa buhay na akala niya ay kanya.

Sinimulan niya ang kanyang bagong karera bilang isang content producer sa isang kumpanya na, hindi niya alam, ay nagmo-moonlight bilang isang troll factory. Determinado na hindi na muling madaig ng isang lalaki, nag-design siya ng isang ‘cheat sheet’ na nagdedetalye ng ‘anatomy of a cheater’ at ginagamit ito bilang kanyang gabay habang siya ay naglalakbay sa mundo ng pakikipag-date.

Pagkatapos ay nakilala niya si Miguel (Rayver), isang self-made na negosyante.

At doon na mag-uumpisa ang kilig.

Masaya sina Julie and Rayver, fondly called ‘JulieVer,’ na finally their first movie will be shown on the big screen. “We started shooting it before the pandemic, we shot some scenes in the province then tinuloy lang namin this year. Ang surreal pa rin kasi napakabilis talaga ng panahon,” shares Julie. “I’m very excited and grateful. May panibagong family, may new set of characters, new set of people to work with, a great production team. Everyone is so nice and accommodating. We had a healthy working environment.”

At ibang JulieVer daw sa The Cheating Game.

“If you watch this film, lahat ng kinds, elements ng cheating andito. Marami akong natutunan sa buong production, sa story. This is far different from what I did with Maria Clara at Ibarra. So ibang Julie naman ang makikita ninyo rito. Mas daring, bolder, stronger. I feel like I had to take a leap of faith just like the rest of the cast,” shares Julie. “For me, cheating is non-negotiable. Once it’s done, it’s done. But my major takeaway from this film is to forgive yourself,” banggit pa ni Julie.