Enrique Gil

Actor Enrigue Gil shares his perspective on fame and becoming a producer: “Sabi ko nga, I don’t plan on being an artist forever naman.”
PHOTO/S: Bernie V. Franco

Hindi nababahala si Enrique Gil kung mawala man ang kanyang kasikatan.

Sabi ng aktor, hindi naman umiikot ang mundo niya sa pagiging artista.

“It’s part of life, it’s part of growing up. Sabi ko nga, I don’t plan on being an artist forever naman,” sagot ng aktor ng matanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital, isa sa mga pelikulang official entries sa upcoming Metro Manila Film Festival.

Producer din ng pelikula ni Enrique, kasama sina Dondon Monteverde ng Reality MM Studios at film director Erik Matti.

Ginanap ang presscon sa Romulo’s Café sa Quezon City noong November 13, 2024.

Pag-amin pa ni Enrique, ang ultimate goal niya ay maging padre de pamilya.

“Sabi ko nga yung showbiz, being an actor, it’s not my whole life. It’s just part of my life,” lahad ni Enrique.

“There’s more to be than just being an actor, being a producer, or being in showbiz.

“Feeling ko talaga ang calling ko is to have my own family and be a dad, eventually.

“Being there for my family; that, for me, is my calling in this world—having my own family.”

ENRIQUE GIL SAYS SHOWBIZ IS JUST PART OF HIS JOB

Maraming napagtanto ang Kapamilya actor nang tumama ang pandemya. Isa na rito ang madiskubre kung ano ang mas mahalaga sa buhay.

Sabi niya, sa huli ay maaaring maalala siya ng mga tao bilang aktor, pero mas importante sa kanya ang makasama ang mga mahal niya sa buhay.

Ani Enrique, “’Yung mga tao sa tabi mo, last days, those [are the ones] that really matter.”

Hindi raw pera o kasikatan ang magpapasaya sa kanya.

“Para sa akin, at the end of the day, pag nasa death bed ka na, sa huling mga oras mo, it really means nothing.”

“’Yung mga loved ones mo, di ba, [are the ones that] really means everything.”

Aniya sa kanyang showbiz life, “For me, it’s really just part of my life, part of my job. It’s just my job.”

Enrique Gil, Alexa Miro, Rob Gomez

Enrique Gil (left) with “Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital” co-stars Alexa Miro (center) and Rob Gomez. 
Photo/s: Bernie V. Franco

ENRIQUE GIL AS A PRODUCER

Ngayong nag-venture na siya bilang producer, mas lumawak daw ang pang-unawa ni Enrique sa production aspect.

Kuwento niya, “Yung production ngayon, you understand why time is important; lahat ng problema na nangyayari sa set, mga delays, and stuff, [they] really mean a lot, but ganon talaga, e. Hindi mo maiiwasan yun, e.”

Nasisiyahan daw si Enrique sa creative aspect ng paggawa ng proyekto, at hindi lamang bilang taga-execute kung ano ang inuutos ng direktor.

“You have a say on things, creating…

“Kasi in a way, being an actor, you also create like this, but to be able to play it more than just a character… stories, scenes, to collaborate, to create genres, styles na hindi pa nagagawa, I think mas exciting sa akin iyon.

“I get to do things na gusto kong gawin,” paliwanag niya.

Tampok din sa MMFF entry na Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital sina Jane De Leon, MJ Lastimosa, tarot reader Raf Pineda, at Ryan “Zarckaroo” Azurin.