Sandro Muhlach insists he will not agree to monetary settlement (nuna)

Sandro Muhlach on legal battle with alleged abusers

Sandro Muhlach on legal battle with alleged abusers: “Hindi po ako binayaran and never po ako magpapabayad for settlement…I will not be silenced. Just wait. We have more yet to reveal.”
PHOTO/S: Sandro Muhlach on Instagram

Trigger warning: this article includes mention of rape and sexual abuse

Nanindigan si Sandro Muhlach na hindi kailanman madadaan ng pera o settlement ang kasong isinampa niya sa dalawang GMA independent contractors na aniya’y nangmolestiya sa kanya.

Noong August 19, 2024, pormal na naghain ng reklamong rape through sexual assault at multiple counts of acts of lasciviousness si Sandro laban sa GMA independent contractors na sina Jojo Nones at Richard “Dode” Cruz.

Ito’y kaugnay sa alegasyong panghahalay diumano nina Jojo ay Dode kay Sandro noong madaling-araw ng July 21 sa isang hotel sa Pasay City.

August hanggang September, mainit na pinag-usapan online ang sinapit umano ni Sandro sa kamay nina Jojo at Dode na humantong pa sa pagdinig sa Senado.

Sandro Muhlach dismisses claims that he agreed to a settlement amid his legal battle

Pagsapit ng Oktubre, unti-unting nawala ang alingasngas sa kasong isinampa ni Sandro sa dalawang GMA independent contractors.

Dahilan para pag-isipan ito ng publiko na pumayag nang makipag-areglo si Sandro.

May lumutang pang haka-haka na baka binayaran umano ang aktor kaya bigla na itong nanahimik.

Bagay na mariin niyang itinanggi.

Sa kanyang Instagram Story nitong Biyernes, October 11, idiniin ni Sandro na hindi kailanman mababayaran ng salapi ang pakikipaglaban niya sa pagkamit ng hustisya.

Ibinahagi niya ang screenshots ng ilang comments online tungkol sa panandalian niyang pananahimik sa gitna ng kanyang legal battle.

“Sandro, ano nga bang nangyari sa kaso mo? Binayaran ka ba para manahimik?” tanong ng isang nagkomento.

Sabi pa ng isa (published as is), “baka inayos…baka tinulungan ng gma…”

Saad pa ng isa, “2 option lang yan nasa korte na at di na pwede ipublic or nagkaayos na yan.”

“Nbalewala lang un pinaglaban ni Sandro,” dagdag pa ng isa.

Paliwanag ni Sandro, wala siyang balak iurong ang reklamo.

Sa ngayon ay hinihintay pa raw ng kanyang kampo ang pasya ng korte, dahilan ng panandalian nilang pananahimik.

Ani Sandro: “Still waiting for the resolution of DOJ (Department of Justice) and GMA Legal.

“Hindi po ako binayaran and never po ako magpapabayad for settlement.

“Kahit po kami ng legal team ko naghihintay sa case.”

Apela pa ng aktor sa publiko (published as is), “Wag niyo po pangunahan lahat. I will not be silenced. Just wait.”

Dagdag pa niya, “We have more yet to reveal.

Sandro Muhlach on legal battle with alleged abusers

Photo/s: Sandro Muhlach on Instagram

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2025 News