Roxie Smith on playing kontrabida roles: “I’m always grateful naman. Ang saya kaya maging kontrabida kasi hindi ka naman nagagalit nng ganun sa totoong buhay. So, as a creative, ang saya. Ang saya ma-explore ng pagiging kontrabida. Pero of course, I’ll also be happy to accept something different.”
PHOTO/S: @roxieebae on Instagram
Hindi na raw bago sa Sparkle artist na si Roxie Smith ang ma-bash sa social media dahil sa magkakasunod na kontrabida roles na ginagampanan niya sa telebisyon.
Nagsimula ang 27-year-old former beauty queen na gumanap na kontrabida kay Ashley Ortega sa GMA Prime teleserye na Hearts On Ice.
Sumunod ay sa #SparkleU bilang kontrabida ni Shayne Sava.
Ang latest, isa siya sa kontrabida ni Kate Valdez sa GMA Afternoon Prime teleserye na Shining Inheritance.
Photo/s: GMA Network
Ayon kay Roxie, grateful siyang nabibigyan ng challenging roles at gusto pa niyang ma-explore ang iba’t ibang klaseng kontrabida roles.
“I’m always grateful naman. Ang saya kaya maging kontrabida kasi hindi ka naman nagagalit nng ganun sa totoong buhay.
“So, as a creative, ang saya. Ang saya ma-explore ng pagiging kontrabida.
“Pero of course, I’ll also be happy to accept something different.
“Pero kung anuman yung ibigay sakin, buong-buo kong tatanggapin yun,” pahayag ni Roxie sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa 3rd anniversary mediacon ng Regal Studio Presents, sa Valencia Events Place, noong Ocober 3, 2024.
ROXIE SMITH ON HANDLING BASHERS
Dahil sa kanyang pagganap bilang Aimee Vergara sa Shining Inheritance, na-experience ni Roxie ang makurot ng isang senior fan ni Kate Valdez, na gumaganap bilang Inna.
Kuwento niya, “Nangungurot po sila. Sa arm lang naman.
“Sinabi pa niya sa akin, ‘Ikaw talaga, bakit mo inaaway si Inna? Bakit naman?’
“Pero ang nakakatuwa, after akong kurutin, nagpa-papicture siya sa akin!
“So, they know naman na it’s different from who you are in reality. Some people kasi, they fail to see the difference of you and your character.
“Pero I’m happy naman na most people understand na it’s only the role and not me.”
Ikinumpara ni Roxie ang bashing sa showbiz at noong aktibo pa siya sa pagsali sa beauty pageants.
Mas malala raw ang bashing sa pageants, lalo raw noong manalo siya bilang Miss Philippines Earth noong 2020.
Ang tunay niyang pangalang Roxanne Allison Baeyens ang ginamit noon ni Roxie bilang kinatawan ng Baguio City.
Roxanne Allison Baeyens of Baguio City was adjudged Miss Earth Philippines 2020 in a virtual coronation aired on GMA-7.
Saad ni Roxie: “Galing ako sa pageantry. Minsan, mas malala pa yung bashing. Kasi it was more of, like, something I could not control.
“Noong manalo ako in 2020, many were saying na, ‘She’s not Filipina enough!’ E, anong magagawa ko? Pinanganak akong half-half [Filipino and Belgian].
“So, at least, sa show business, it’s more of, like, constructive naman. Sa pageant, it’s very personal.”
GRATEFUL TO GLYDEL MERCADO
Thankful daw si Roxie na naga-guide siya ng co-stars niya sa Shining Inheritance sa kanyang pag-arte. Special mention niya ang award-winning actress na si Glydel Mercado.
“Ay, nakaka-pressure! Napakagaling ni Ms. Glydel,” pakli niya.
“Napaka-professional niya at kailangan talaga makasabay ako sa kanya. Kahit minsan, siyempre, may mga insecurities ako kasi ang galing niyang artista.
“Ang maganda pa, napakabait ni Ms. Glydel in real life. Tinutulungan niya ako sa mga eksena namin sa Shining Inheritance.
“She would always look after me, especially kapag medyo mabigat yung mga eksena. Sasabihin niya, ‘Ganito lang yan, anak…’ Ganun siya kabait sa akin at sa ibang kasama namin sa show.
“Kaya I learn na there’s always room to learn. So, most of the criticism, it’s pushing me to improve. And mas galingan pa yung craft ko. Para hindi hindi nakakahiyang sabayan ang mga magagaling na kaeksena ko.”
Glydel Mercado and Roxie Smith in Shining Inheritance
Photo/s: GMA Network
Kaya ine-enjoy ni Roxie ang pagganap niya bilang kontrabida. Nagagamit daw niya ang napag-aralan niya noon sa teatro.
“Before ako nag-pageant, four years po akong scholar from my school, which is Special Program in the Arts.
“I was very active noon in theater. Medyo makaiba lang ang theater sa pag-a-artista on cam.
“So, pinag-aaralan ko pa siya. Mas malaki lang ang movements at malakas ang boses ko.
“Nagamit ko ang mga yun noong nag-pageant na ako. Sa pagiging artista, nagamit ko rin po yun.
“Kaya kahit na anong role po na ibigay sa akin, open akong subukan. Kahit na aswang, halimaw impakta o zombie, gagawin ko po.
“I also like to do fantasy and action roles in the future,” sabi ni Roxie.
NOT CLOSING HER DOORS TO JOINING BEAUTY PAGEANTS AGAIN
Sa edad na 27, hindi pa raw isinasara ni Roxie ang pagsaling muli sa pageants. Lalo raw ngayong walang age limit sa ibang beauty pageants.
“I’m not closing my doors. Wala na yung age limit.
“Pero ngayon, mas mahal ko ang acting. Nag-e-enjoy ako sa ginagawa ko ngayon with GMA.
“But who knows, baka magbago yung isip ko. Baka magkaroon pa ako ng opportunity. So, why not?
“Just like any other woman, we all have our choices,” diin pa niya.
ROXIE’S LOVELIFE
Sa personal niyang buhay, masaya si Roxie dahil may taong nagpapasaya sa kanya parati.
Pagbabahagi niya: “He’s a businessman based in Cebu. He’s four years older than me.
“Minsan nandito siya sa Manila and minsan naman, ako yung nasa Cebu. Kaya walang problema when it comes to distance.
“Sometimes, we’re both busy with work, pero we both find a way to see each other. Madali naman ngayon ang communication, di ba?
“Just as long as we are there for each other, happy na kami sa ganun.”
Sa episode ni Roxie sa Regal Studio Presents na Remboy Dream Boy, gaganap siya bilang isang PWD (Person With Disability) named Sheyn at makikilala niya ang isang delivery rider played by Prince Carlos.
Sabi ni Roxie tungkol sa kanyang role, “Despite of her disability, she met Remboy who she really connected and shared a lot of herself with. Proving na there is still hope for people like Sheyn. Never ever give up on love.”