pokwang gcash

Hindi napigilang mapahagulgol sa iyak ng comedienne-TV host na si Pokwang nang isapubliko niya ang pagkawala ng kanyang pera sa mobile wallet na GCash.

Sa Instagram Live ni Pokwang nitong Sabado, November 9, 2024, emosyunal niyang ibinahagi ang pagkalimas ng halos PHP85,000 niyang pera sa GCash na hindi nila namamalayan.

Pokwang calls for help after loses PHP85K in GCash

Kita raw ito sa kanyang gourmet business, kaya ganoon na lamang ang kanyang panghihinayang na nawala ito na parang bula.

Umiiyak niyang saad sa kanyang IG Live: “Binalik ko po yung negosyo na mag-isa, ibinangon ko po ulit mag-isa. May mga kaibigan po akong tumulong, nagpahiram po sa akin ng pera.

“Binangon ko po yung negosyo, ang ganda po kasi nakakabalik po ako paunti-unti. Nakakapagbigay po ako ng trabaho sa mga single mom.

“[Pero] yung pinagpaguran mo, yung naipon mo, pagkagising mo isang araw wala na.”

Kalakip nito ang apela ni Pokwang sa pamunuan ng GCash para matulungan siyang maibalik ang perang nawala sa kanya.

Aniya, “GCash baka naman may magawa kayo, nasimot po yung pera namin, nasimot po yung pinagpaguran namin. Kasama po doon yung pagpasuweldo sa mga tao.”

Isa pa sa ipinagtataka ng TiktoClock host, tatlumpung numero raw ang pinagpasahan ng PHP85,000 niya nang hindi man lang sila nakakatunog.

Pokwang calls for help after loses PHP85K in GCash

Photo/s: Screengrab on TikTok

Wala raw kasi silang natanggap na one-time password (OTP) sa cellphone na ipinadadala at standard operating procedure ng GCash para sa bawat transaksiyon ng lahat ng kanilang subscribers.

Saad ni Pokwang: “Ano pong nangyari doon sa registered SIM natin na policy ngayon? Ang dami pong transaksiyon na nangyari, tatlumpung transaksiyon po, iba-ibang number.

“Inubos po yung laman ng GCash ng anak ko, kunsaan po pumapasok yung mga bayad po sa order.

“Nakakalungkot lang kasi lumalaban ka nang patas, naghahanapbuhay ka tapos may mga taong ganyan [mapagsamantala].”

POKWANG: “pati ba naman dito naisahan pa rin ako?”

Matapos mag-Live ay nag-post din si Instagram si Pokwang para ihayag ang kanyang pagkadismaya sa nangyari.

Sa kanyang post, makikita ang screenshot ng mga nagawang transaksiyon sa kanilang GCash account na tinangayan ng malaking mahalaga.

Mababasa sa caption ni Pokwang (published as is): “Naghahanap buhay po ako ng marangal nagbibigay po ako ng hanap buhay sa mga single mom, tapos isang umaga pagka gising mo simot ang laman ng GCASH accnt???

“ibat ibang number na hindi naka rehistro halos nasa 30 numero na hindi naka rehistro!!! ano nangyare sa registered sim policy ngayon?

“nakakaiyak binangon ko mag isa ang negosyong pinabayaan ng taong inasahan ko pinag katiwalaan ko pati ba naman dito naisahan parin ako?

“nakakaiyak talaga sana naman @gcashofficial tulungan nyo mga kagaya kong naghahanap buhay ng patas at nagbibigay ng hanap buhay din.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marietta Subong (@itspokwang27)

 

mobile wallet app GCash trends on X

Samantala, bukod kay Pokwang, may ilang netizens din ang nagbahagi ng parehas nilang karanasan sa biglaang pagkawala ng kanilang mga pera sa GCash.

Sa X (dating Twitter), trending ngayon ang “GCash” sa dami ng mga user nitong nagrereklamo rin.

GCash
Post ng isang netizen (published as is): “SCAM ALERT I lost 4k php worth of money just because of a GCash scam. Please help me report these numbers. I was saving some of them for my tuition and our immersion to Manila on May, in hopes that I could be of less burden to my parents.”

Panawagan ng isa, “@gcashofficial someone stole my money from my gcash account. What’s going on? Don’t take me to your ticket system, reply here!!!”

Saad pa ng isa, “Woke up this early with a heavy heart is an understatement! @gcashofficial I’m furious! Never used Gcash yesterday. No OTP, no transaction message received! My 6k gone swiftly! What to do? Ano na Gcash?”

Dagdag pa ng isa, “Sobrang hirap na mag tiwala ngayon sa gcash grabe. I lost 4k in just a few seconds. Please ibalik nyo na ang pera namin!! #Gcash tapos ang update nila within 4hrs pa maibabalik.”

GCash issues statement

Sa dami ng apektado at mga nagrereklamo, naglabas ng opisyal na pahayag ang GCash.

Ayon sa pamunuan ng GCash, hindi kailangang mangamba ng ilang users na mawawala rin ang kanilang pera dahil inaayos na raw nila ito ngayon.

Narito ang kanilang pahayag:

Pokwang calls for help after loses PHP85K on GCash