
Rufa Mae Quinto
AAktibo na ulit sa showbiz si Rufa Mae Quinto. Regular na hurado siya ngayon sa KalokaLike segment ng It’s Showtime at wish niya na maging regular co-host siya sa daily noontime show ng Kapamilya network na napapanood sa GMA 7.
Aniya, ka-batch niya sina Vhong Navarro at Jhong Hilario, idolo niya si Vice Ganda at parang pamilya na ang turingan nila ng iba pang hosts tulad nina Ogie Alcasid, Karylle, among others.
Pero mabuti at pinayagan siya ng mister na maging aktibo ulit sa showbiz?
“Oo, nung una iniisip ko na umalis pero ‘yung asawa ko very supportive, you know, sinasabi niya, that’s what you’re good at. Basta diyan ka magaling, sinasabi niya, tuloy mo ‘yan.
“Kaya ako, naniwala ako sa kanya kahit na hindi naging madali para sa aking maniwalang nandito pa ‘ko.
“Kasi syempre ‘di ba nagkaanak, e usually ‘pag ganun ‘di ba… natutuwa ako kasi naging malinaw sa akin ‘yung pagiging maganda ‘yung joke ko mula noon kaya ngayon ‘yun ‘yung sa tingin ko kung bakit lahat ng generation kuha nila eh,” chika niya sa ginanap na media conference ng pelikulang Mujigae kung saan meron siyang important participation.

At in all fairness daw sa mister niya, wala itong restriction sa pagbabalik niya sa trabaho. “Wala naman… basta mabuti. ‘Yung anak lang namin, huwag masyadong ipakilala na hindi mabuti. ‘Yung ganon basta ingatan ko ‘di ba. Tapos siya rin very private sila. Gusto lang niya lagi may respeto. ‘Yung pamilya rin niya. Hindi sila showbiz. ‘Yun lang naman ‘yung request niya. Alagaan ko at ‘wag silang gawing katatawanan. Basta respeto lang ganon,” katwiran pa niya.
At kahit daw sinasama niya ang anak nila sa mga showbiz event, ayaw nitong mag-artista.
“Gusto lang niya, kausap Daddy niya. Dun lang sila. Isa rin ‘yun siguro. Kung bakit ayaw na niya sumama.”
So malabo itong mag-showbiz? “Parang hindi pa. Kasi gusto niya maging YouTuber. Pero ‘pag 1 million subscribers na raw. Doon pa lang ang face reveal. Pero definitely napakagaling na editor. Imagine mo seven nag-i-edit na. Grabe, oo, ang galing. Tapos ‘yung animation parang hindi niya gawa. Amazing, very mature,” sabi niya patungkol sa anak.
At handa naman daw siyang bumalik sa pagpapa-sexy sakaling kailangan sa isang proyekto. “Sa akin naman kung kailangan, okay naman. Eh ako, walang problema magpa-sexy. Basta ‘wag lang ano….”
Anyway, sa Mujigae ay isang mommy ang role niya.
Pero ano ‘yung na-realize niya ngayong isa na rin siyang ina?
“Na-realize ko po na respetuhin bukod sa pagmamahal. Learn from them. Makinig din tayo sa sinasabi nila. At kung sino gusto nila. Hindi ‘yung imo-mold ko sila sa isang taong hindi naman sila. ‘Yun ang feeling ko bilang ina. Iyong hahayaan ko silang mag-grow. Nandiyan ako to make sure na iga-guide. Inaalagaan ko siya. Pero, gusto ko siyang magkaroon ng sariling siya. Be unique, be happy,” seryosong sagot ni Rufa Mae.
News
Lumabas sina Kim Chiu at Paulo Avelino sa screening ng pelikulang ‘And the Breadwinner Is’ na marami pang bagay na dapat ibunyag….. (nuna)
Kim Chiu and Paulo Avelino made the rounds on social media after being spotted at the blocking screening for “And the Breadwinner Is…” Kim Chiu at Paulo Avelino, spotted sa block screening ng ‘And the Breadwinner Is’ (@annecurtissmith, @chinitaprincess) Source:…
Boy Abunda, humiling na huwag husgahan sina Bea Alonzo at Dominic Roque sa kanilang breakup (nuna)
Umapela ang King of Talk na si Boy Abunda sa publiko na pairalin ang kabutihan at huwag husgahan sina Bea Alonzo at Dominic Roque matapos na maghiwalay ang dalawa.Dahil sa panibagong kabiguan sa pakikipagrelasyon ni Bea, sinabi ni Tito Boy…
Sunshine Cruz, Atong Ang kissing video goes viral (nuna)
Atong Ang at Sunshine Cruz A kissing video of actress Sunshine Cruz and businessman Atong Ang went viral on social media. In a video uploaded on TikTok, Sunshine was seen kissing Atong while in an unknown cockpit arena. It can…
Denise Julia Responds to BJ Pascual’s Accusations of Canceling a Photoshoot (nuna)
R&B singer Denise Julia (left) speaks up after celebrity photographer BJ Pascual (right) named her as the “worst celebrity/model to shoot.” PHOTO/S: Instagram / YouTube Sumagot na ang R&B singer na si Denise Julia sa mga akusasyon sa kanya ng…
KC hopes relationship with mom Sharon will be “ok” soon (nuna)
KC Concepcion (left) on mom Sharon Cuneta (right): “Christmas will always be about love, laughter, and time with family for me… ending the year right with a conversation between Mama and I. She always makes the holidays extra magical and…
Julia Barretto thinks it’s okay to walk away from this situation (nuna)
Julia Barretto on trusting the people closest to her: “I feel like yung mga nasa paligid namin, that stood the test of time. Kumbaga, parang napatunayan na ang loyalty, and parang good naman para sa amin, so far masaya naman…
End of content
No more pages to load