Mark Bautista (left) defends Sarah Geronimo (right) after Kapamilya singer drew flak for altering the lyric of Chappell Roan’s hit song “Good Luck, Babe” during her ASAP Natin To performance.
PHOTO/S: Screengrab ABS-CBN Entertainment on YouTube/Mark Bautista on Instagram
Ipinagtanggol ni Mark Bautista ang kapwa singer na si Sarah Geronimo matapos makatanggap ng batikos ang Popstar Royalty nang kantahin niya ang Chappell Roan sapphic hit song na “Good Luck, Babe.”
Noong December 8, 2024, nag-perform si Sarah sa ABS-CBN Sunday musical-variety show na ASAP Natin To.
Dito ay kinanta niya ang sikat na awitin ng American singer-songwriter na si Chappell na “Good Luck, Babe.”
Photo/s: Screengrab ABS-CBN Entertainment on YouTube
Ngunit imbes na katuwaan, ilang netizens ang nagalit kay Sarah dahil sa pagbago nito sa lyrics ng chorus ng kanta ni Chappell.
Mula sa original lyrics na “You can kiss a hundred boys in bars,” pinalitan ito ni Sarah ng “You can kiss a hundred girls in bars.”
Giit ng mga nagreklamong netizens, dahil sa ginawang pag-alter ni Sarah sa lyrics ng kanta ay nabago ang orihinal na mensahe nito tungkol sa LGBTQ+ community, partikular na sa mga queer.
Ayon pa sa netizens, sa halip na iangat ni Sarah ang original LGBT theme ng kanta ay tila ipinakita nito ang pagiging “heteronormative” o isang paniniwala na ang natural na kasarian ng isang tao ang primary determinant ng sexual orientation.
Halimbawa, kung ikaw ay ipinanganak na lalaki, kahit anong mangyari, ikaw ay isang lalaki at sa babae ka lamang dapat magkagusto.
Taliwas ito sa interpretasyon na nais iparating ni Chappell nang gawin niya ang kanta.
Sa isang panayam ni Chappell noong September 2024, ipinaliwanag niya ang mensahe ng “Good Luck, Babe.”
Ayon sa lesbian singer, ang “Good Luck, Babe” ay “about wishing luck to someone who has been denying her true feelings for another woman.”
Ito ang pinaghugutan ng ilang netizens na umalma sa pagbabago ni Sarah sa lyrics ng kanta.
Tweet ng isang netizen (published as is), “it is deeply ironic and disrespectful that Sarah Geronimo’s cover of Chappell Roan’s Good Luck, Babe altered the lyrics to fit a heteronormative narrative, completely disregarding the original artist’s intent.”
Saad pa ng isa (published as is), “the ONLY thing I didn’t like about sarah geronimo’s rendendition of good luck babe is that they made it straight. it just defeats the whole purpose of the song and goes to show that ang heternormative parin ang mindset and views ng pinas, especially in the media.”
Sabi pa ng isa (published as is), “Sarah Geronimo really changed the entire message of Good Luck, Babe! because she’s just ignorant to comphet i guess.”
MARK BAUTISTA DEFENDS SARAH GERONIMO
Kung marami ang bumatikos kay Sarah, mayroon ding ipinagtanggol siya.
Kabilang na rito ang kapwa niya singer at ka-batch sa Star For A Night na si Mark Bautista.
Ayon sa Kapuso singer, hindi siya na-offend sa pagbabago ni Sarah ng lyrics sa awitin ni Chappell.
Noong 2018 ay inamin ni Mark, sa pamamagitan ng kanyang librong Beyond The Mark, na isa siyang bisexual.
Noong December 10, nag-reply si Mark sa video ng naging performance ni Sarah sa ASAP Natin To na ini-repost ng isang netizen sa X (dating Twitter).
Mababasang caption ng nasabing netizen (published as is), “the lyric changes? edi sana di ka na lang nagcover ng kanta ng isang lesbian singer kung di mo irerepesto yung lyrics napaka-ironic amp.”
Sa comments section nito ay makikita ang pagtatanggol ni Mark kay Sarah.
Aniya, walang masama sa ginawa ng Kapamilya singer na baguhin ang ilang lyrics ng kanta ni Chappell.
Gawain na raw nilang mga singer na bigyan ng bagong timpla o mukha ang kinu-cover nilang mga kanta.
Pagdepensa ni Mark, “Nothing wrong with this..Most Singers do this to feel authentic when they do their own version.
“It has to align with their truth. It’s not to undermine the composer or the original message of the song.”
Sinagot ito ng isa pang netizen na ikinumpara si Sarah sa American award-winning singer na si Sabrina Carpenter.
Katulad kasi ni Sarah ay kinover din ni Sabrina ang “Good Luck, Babe” noong June 2024.
Kaibahan lang nila ay hindi binago ni Sabrina ang lyrics ng orihinal na kanta ni Chappell.
Paliwanag dito ni Mark nitong Lunes, December 16, hindi tamang pagkumparahin sina Sarah at Sabrina dahil magkaibang-magkaiba sila ng teknik at pananaw pagdating sa gawi ng pagkanta.
Ani Mark (published as is), “Most of the time, in Musical Variety shows, u r given popular songs to perform..not ur choice. SC & SG are two different artists.
“SC was apparently seen acting out Oral s*x in a concert..I believe she has her own views and standpoints as artist too.”
Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang inilalabas na paliwanag o reaksiyon si Sarah hinggil sa kanyang viral performance.