Filipino-American model and actress Leyna Bloom removes post saying she is the first Filipino to walk L’Oreal Paris fashion runway. Netizens pitted her against Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach (not in photo) who also made a post saying she is the first Filipina in L’Oreal Paris catwalk.
PHOTO/S: @leynabloom on Instagram
Tinanggal na ng Filipino-American model at actress na si Leyna Bloom ang post niya tungkol sa pagiging “first Filipino” na rumampa sa L’Oreal Paris runway.
Lumalabas na matinding bashing ang natanggap ni Leyna kasunod ng post niyang ito.
Ikinumpara siya kay Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, na ipinost na siya ang “first Filipina” to walk the L’Oreal Paris catwalk.
Si Leyna, isang transgender woman, ay rumampa sa L’Oreal Paris fashion week noong 2021.
Si Pia naman ay naging bahagi ng L’Oreal Paris fashion week 2024.
Matapos i-post ni Pia na siya ang “first Filipina” to walk the L’Oreal Paris catwalk, sumunod na nag-post ng throwback si Leyna kung saan inalala ang pagrampa niya sa L’Oreal Paris fashion runway noong 2021.
Na-trigger ang netizens at pinagtalunan kung sino kina Leyna at Pia ang totoong nauna.
Sa kanyang post, sumagot si Leyna ukol sa “toxic behavior” ng fans at idiin na walang kumpetisyon sa kanila ni Pia.
Pero mukhang ramdam ni Leyna ang malaking impact ng post niyang siya ang “first Filipino” sa L’Oreal Paris runway.
Hindi na makikita ang post na ito sa kanyang Instagram feed.
May recent post din siya tungkol sa matinding batikos at pagkuwestiyon sa kanyang pagka-Pilipino.
Photo/s: @leynabloom on Instagram
LEYNA BLOOM BASHED
Bungad pa lamang ng kanyang recent post, malinaw na diksriminasyon ang nais tumbukin ni Leyna.
“In the past 24 hours, I’ve heard the painful reminder that I’m ‘not Filipino enough’ how many times I heard this my whole life.”
Aniya, ang kultura ng Pilipinas ay mixed influences ng Spanish, American, at Japanese.
May parunggit si Leyna na minsan ay mula pa sa kanyang kalahi nanggagaling ang diskriminasyon.
“These diverse influences have shaped us beautifully, yet internalized racism often robs us of our unique essence.”
Malinaw na nais tumbukin ni Leyna na ang pagiging biracial niya ay isinusumbat sa kanya, gayong ang Filipino race ay binubuo raw ng ibang mixed races.
Si Leyna ay anak ng isang Pilipina na mula sa Blaan Tribe sa Southern Mindanao. Ang kanyang ama ay isang African-American.
Himutok niya, bagamat may achievement siya sa international scene bilang film at fashion personality, “my own country often fails to see me as a true representative.”
Banat pa niya: “Does my skin, my hair, and my African heritage mixed with Filipino really threaten a country that prides itself on healing people around the world? How contradictory is that?”
Makahulugan pang sabi ni Leyna “Those in power question my credibility and authenticity…”
Pero ang mga anak daw na may mixed race “with white foreigners receive more recognition and value than even full-blooded Filipinos.”
Hayag pa niya, mas kinikilingan pa rin ng mga Pilipino ang mga personalidad na mestiza o may “foreign” blood kaysa purong Pinoy.
Sabi ni Leyna, “The notion that lighter skin or Western features are more valuable is a lasting impact of our colonial history, affecting how we view ourselves and each other.”
Bagamat pugad ng mga talentado ang Pilipinas, may struggle pa rin daw tayo sa ating identity.
Saad niya, “Philippines is home to incredible talent, yet we struggle to embrace and celebrate who we truly are.
“We need to reclaim our identity, honor our roots, and challenge the colonial mindset that has caused us so much pain for too long.
“This is the internal and external work we need to do the most as a society and country as a whole.”