Kim Molina sumabog sa mga nang-iintrigang buntis siya: ‘Please lang!’ (nuna)

Tila sumabog sa galit ang aktres na si Kim Molina nang pagsabihan niya ang mga nagkakalat ng tsismis na buntis sa first baby nila ng fiancè niyang si Gerald Napoles.

“KALOKA. Sa mga nagsasabi na buntis ako, tumaba lang ako okay,” bahagi ng post ni Kim.

“Sadyang wala lang din akong pake humarap sa camera ng walang make up at ayos. Yung ilong ko, sadyang pango kaya hindi ako buntis na lalake anak kaloka. Nabanat lang lalo sa pisngi kasi nga tumaba Ganyan na yan since birth. 😜,” paliwanag pa ni Kim.

Sabi pa niya, next year na ang balik-alindog as in magpapaktia muli ang kanyang abs.

“Ngayong taon lang kasi naka leave siya kaya hayaan niyo na may schedule yan. For now kakain lang ako ng ilang ice cream na gusto ko balakayodyan. 😛✌️.”

Dagdag pa ni Kim, “At kung buntis man, ano ngayon eh kaya ko na at nasa edad na ko. Pero please lang wag niyo pangunahan matres ko pwede ba. Nung hindi pa kami engaged ni Je, patiuna kayo eh may plano nga yung tao. Tapos ngayon pati pagbubuntis ko kesyo tinatago ko raw?! Haaaay juskopowzz pagkain laman ng tyan ko ngayon okay. MIND YOUR OWN ICE CREAM! 😤😜 (Napindot si anger button today 😮‍💨).”

Nitong Agosto lamang na-engage sina Kim at Gerald.

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2025 News