Kim Chiu (left) and Julia Barretto (right) are recognized for their acting performances on TV and on a digital series, respectively.
PHOTO/S: Kim Chiu/Julia Barretto on Instagram
Hindi makapaniwala ang TV host-actress na si Kim Chiu na napasama siya sa mga nominado sa prestihiyosong 29th Asian Television Awards.
Nominado si Kim sa kategoryang Best Actress in a Leading Role para sa natatangi niyang pagganap sa Philippine adaptation ng hit Koreanovela series na What’s Wrong With Secretary Kim?.
Read: What’s Wrong With Secretary Kim: PH remake cast reveal
Sa Instagram nitong Miyerkules, October 16, 2024, inihayag ni Kim ang kanyang kasiyahan at pasasalamat sa nominasyon na kanyang natanggap.
Kamakailan lamang ay nanalo rin siyang Most Outstanding Asian Star sa Seoul International Drama Awards 2024 dahil sa kaniyang pagganap bilang Juliana Lualhati sa teleseryeng Linlang.
Read: Kim Chiu recognized at Seoul International Drama Awards 2024
Mababasa sa caption ni Kim, kalakip ang kanyang mga litrato (published as is): “As I was composing my post saw the news online about #ASIANTVAWARDS and confirmed it to our head of @viuphilippines @bigbadbawang if this is true!!! Hala!!!
“Nakaka iyak naman to!!! diko alam kung naiyak ako sa antok or nakaka overwhelm na mga pangyayari.”
Isa-isa ring pinasalamatan ni Kim ang mga tumulong, umalalay, at naniwala sa kanyang kakayahan na pagbidahan ang What’s Wrong With Secretary Kim?.
Kabilang na rito ang namayapang ABS-CBN executive at head ng Dreamscape Entertainment na si Deo Endrinal.
Read: Kim Chiu dedicates What’s Wrong With Secretary Kim to Deo Endrinal
Aniya: “LORD!!! THANK YOU!! SOBRANG THANK YOU!!!
“SIR DEO THANK YOU!!! GRABE!! Capslock para intense!!!
“SECRETARY KIM THANK YOU!!! Alam ko nomination palang to pero parang nanalo ako sa ASIA @asiantvawards sa Jakarta!!! Dyosko!!
“Lord nawala antok at puyat ko!! Ayaw ko na matulog, baka may maganda pang balitang darating!!!! team #WhatsWrongWithSecretaryKimPH #WWWSKPH direk @cvovidanes @dreamscapeph THANK YOU PO.”
Makakatunggali ni Kim sa kategoryang Best Actress in a Leading Role ang pito pang Asian actresses gaya nina Robyn Malcolm ng Australia, Selena Lee at Charmaine Sheh ng Hong Kong, at sina Zhou Xun, Wu Jin-Yan, Ma Sichun, at Xu Fan ng China.
Kim Chiu
Photo/s: Kim Chiu on Instagram
Bukod sa Best Actress in Leading Role, nakakuha pa ng isang nominasyon ang What’s Wrong With Secretary Kim?—ito ay ang Best Theme Song.
JULIA BARRETTO nominated for Best Leading Female in a Digital Series
Bukod kay Kim, nominado rin si Julia Barretto bilang Best Leading Female in a Digital Series dahil sa pagganap niya sa Viu movie na Secret Ingredient.
Julia Barretto
Photo/s: Julia Barretto on Instagram
Sa kategoryang ito ay makakalaban ni Julia sina Jessica Hsuan (Kill Sera Sera), Fang Rong from (Last Madame: Sisters of the Night), at Bao Shang-En (The Legend of Heroes: Hot Blooded).
Katulad ng What’s Wrong With Secretary Kim, na-nominate rin ang Secret Ingredient bilang Best Original Digital Series.
Samantala, ang mananalo sa 29th Asian Television Award ay nakatakdang parangalan sa Jakarta, Indonesia, sa darating na Novemver 29-30.