Kathryn Bernardo, Alden Richards weigh in on second chances (uyen)

Kathryn Bernardo, Alden Richards thrill fans in 'Hello, Love, Again' mall  tour | ABS-CBN News

Parehas na naniniwala sina Kathryn Bernardo at Alden Richards sa ideya ng pagbibigay ng pangalawang pagkakataon o second chance.

Sa ginanap na grand mediacon ng Hello, Love, Again nitong Huwebes, October 17, 2024, natanong ang dalawa kung naniniwala ba silang maaari pang magbago ang isang taong nakagawa sa kanila ng kasalanan kung bibigyan nila ito ng second chance.

Base ito sa trailer ng upcoming movie nilang Hello, Love, Again, ang sequel ng box-office hit na Hello, Love, Goodbye noong 2019.

Sa trailer kasi mapapanood ang paghingi ng second chance ng karakter ni Alden na si Ethan sa dati nitong karelasyon na si Joy (Kathryn) nang magkita sila matapos ang ilang taon.

Paninindigan ni Alden, lahat ng tao ay nagkakamali kaya’t handa siyang magbigay ng isa pang chance sa taong deserve itong makuha.

Aniya: “Ako, simplehan ko lang yung answer ko, kung Diyos nga nagpapatawad, hindi ba? Why not you?

“But sometimes…depende pa rin po talaga sa tao. Ayon lang kasi yung mantra ko sa buhay ko, especially people tend to make mistakes over and over again.

“Sometimes hindi naman natin maiwasan na mayroon at mayroon tayong magagawa na makakasama ng loob ng isang tao.”

Dagdag pa niya, “At the same time, at the end of the day, you just—you know, yung iba, minsan forgiveness talaga.

KATHRYN says second chances are “gifts,” not an “obligation”

Sumang-ayon naman si Kathryn sa sinabi ni Alden, lalo na’t lahat daw ng tao ay hindi perpekto at madalas na nagkakamali.

Aniya, “Second chances? We all hope for a second chance, definitely, hindi ba? Lahat tayo, tao lang, we’re human beings.

“Even ako, sa sarili ko, alam ko na magkakamali at magkakamali ako, makaka-disappoint ako ng tao, whether its intentional or unintentional. Given yun, e, tao tayo, nagkakamali.”

Naniniwala rin daw siya na lahat ng tao ay maaaring magbago kung bibigyan ang mga ito ng pangalawang pagkakataon.

Sabi niya, “We all, ako, personally, I would do anything to be given that second chance again, that opportunity to correct my wrong doings, to rebuild relationships, I guess, and to, maybe, to regain trust.

“All these things, part yun ng forgiveness, siyempre.”

Ngunit hindi naman daw ibig sabihin na bukas sa posibilidad ng second chance si Kathryn ay nag-a-apply na rin ito sa iba.

Nakadepende pa rin daw sa sitwasyon at tao ang pagbibigay nila ng pangalawang pagkakataon.

Saad niya, “But again, we have to remember, we are all different.

“Some people can give a second chance like Tisoy [Alden], some can give multiple chances, and some won’t, and that’s okay. And we have to respect that. Iba-iba naman tayong tao at depende siya sa sitwasyon.”

Sa huli, nanindigan ni Kathryn na hindi obligasyon ng isang tao ang magpatawad at magbigay ng second chance lalo na kung ayaw niya at hindi siya handa.

Aniya, “For me, lagi kong iniisip that forgiveness or second chances isn’t an obligation. It’s a choice and it’s a gift.

“So kapag binigay sa yo ng tao, it’s a privilege just like any gift. You have to take care of that, and you have to earn that gift.”

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2025 News