Kathryn Bernardo
Mag-iisang taon na ang nakalilipas nang kumpirmahin sapubliko nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang tungkol sa kanilang hiwalayan. Mahigit isang dekadang tumagal ang relasyon ng dating magkasintahan. Nagbigay ng opinyon si Kathryn tungkol sa pagbibigay ng ‘second chance’ sa nakaraang media conference ng pelikulang ‘Hello, Love, Goodbye’ kamakailan. “We all hope for a second chance, definitely. Lahat tayo tao lang. Even ako sasarili ko, alam ko na magkakamali at magkakamali ako. Makaka-disappoint ako ng tao, whether it’s intentional or unintentional. Given ‘yon eh, tao tayo, nagkakamali. Personally, I’d do anything to be given that second chance again. That opportunity to correct my wrong doings, to rebuild relationships, and to regain the trust. All of these things,” makahulugang pahayag ni Kathryn.
Para sa aktres ay mayroong kanya-kanyang opinyon at paniniwala ang bawat tao. Maaaring madali raw para sailan ang pagbibigay ng pangalawang pagkakataon. “Then again, we have to remember that we are all different. Some people can give a second chance, some can give multiple chances, and some won’t, and that’s okay. We have to respect that kasi iba-iba naman tayong tao. Depende talaga sa situation,” paliwanag ng dalaga.
Maymay, mas enjoy sa pagsusulat ng kanta
Unang nakilala si Maymay Entrata bilang housemate ng Pinoy Big Brother: Lucky 7 Edition at tinanghal na Big Winner noong 2017. Mula noon ay nagsunud-sunod na ang naging proyekto ng dalaga. Hindi naging madali para kay Maymay na magdesisyon noong kumanta at maging isang performer. “My journey has been exciting and at the same time nakakakaba lalo na po ‘yung pinakauna. Hindi ko po kasi alam kung ano ‘yung gusto ko, and ‘yung field na kung saan ay magiging masaya akong gawin. Pero okay lang pala‘yon as long as you keep trying and learning different fields like acting, singing, dancing. Eventually you will know what you want talaga po. And I’m so blessed talaga that I finally know what I want and that is performing music and acting,” pagbabahagi ni Maymay sa show ng The Filipino Channel na BRGY.
Napagsasabay ng dalaga ang pagkanta at ang pag-arte saharap ng kamera simula noong 2017. Para kay Maymay ay mayroong koneksyon ang lahat ng kanyang mga ginagawang trabaho. “Number one sa puso ko ‘yung music pero I am always thankful sa acting. Because of acting I am able to connect with my emotions do’n sa music. So it’s easier kung paano ko ipaparamdam sa mga listeners ‘yung music na meron ako while I’m performing,” paglalahad ng actress-performer.
Bukod sa pag-arte, pagkanta at pagsasayaw ay nakapagsusulat din ng mga kanta si Maymay. Matatandaang unang naibahagi sa publiko ng dalaga ang kanyang komposisyon habang nasa loob pa ng Bahay ni Kuya. “Nagra-write na ako ng songs since high school. Hindi ko siya sine-share, sa akin lang. ‘Yung first na na-compose ko pong kanta nasa PBB ako, ‘yung ‘Baliw.’ Nag-stop lang siya dahil nag-focus ako sa acting. Ngayon bumalik po ako sa music, bumalik ulit ako magsulat. Very happy po ako talaga kasi isang kanta do’n sa upcoming album ko po ay kinompose ko. Sobrang excited ako and sobrang happy ako. Mas nai-enjoy ko ulit magsulat ng mga kanta,” pagdedetalye ng dalaga.