Julia Barretto on trusting the people closest to her: “I feel like yung mga nasa paligid namin, that stood the test of time. Kumbaga, parang napatunayan na ang loyalty, and parang good naman para sa amin, so far masaya naman tayo, no?” Seen above are Julia and Carlo Aquino at assembly area of MMFF 2024 Parade of stars.
PHOTO/S: Ermarc Baltazar
Hanggang saang sakit ang kayang tanggapin ni Julia Barretto sa ngalan ng pag-ibig?
Sagot ni Julia: “I think the person who makes you happy is also the one who can hurt you the most. They hold that much power, right?
“But I think we want naman the kind of pain that we can be better for, that we learn from.
“Pero if it’s the kind of pain that’s… you know, kung hindi siya good kind of pain, you can walk away from that.”
Pinagbibidahan nina Julia at Carlo Aquino ang pelikulang Hold Me Close, na tungkol sa pagmamahal at sakripisyo.
Official entry ito sa darating na 50th Metro Manila Film Festival (MMFF 2024).
Julia Barretto, Carlo Aquino, and Jairus Aquino at MMFF 2024 Parade of Stars
Photo/s: Ermarc Baltazar
julia barretto on shooting in japan
Sa Hold Me Close, gumaganap si Julia bilang si Lynlyn, habang si Carlo naman ay si Woody. Ang direktor naman ng pelikula ay si Jason Paul Laxamana.
Kasama ang kanilang direktor na si Jason Paul Laxamana, nagtungo sina Julia at Carlo sa Japan, kung saan kinunan ang kabuuan ng pelikula.
Meron ba hindi makakalimutang experience si Julia habang nasa Japan sila?
Lahad ng aktres: “Ang saya ng shooting namin na ito, ang hirap tuloy pumili ng isang [unforgettable scene].
“I think one of the memorable sa akin would be yung nakakita kaming lahat finally ng cherry blossoms in the duration of filming, in full bloom.
“So yeah, that part. Yeah, that was a beautiful day.”
Julia Barretto, Carlo Aquino, and Jairus Aquino at MMFF 2024 Parade of Stars
Photo/s: Ermarc Baltazar
Nakapag-shoot na si Julia sa Japan para sa pelikulang Between Maybes nila ni Gerald Anderson noong 2019.
Pero na-enjoy pa rin daw niya ang mga bagong lugar na nadiskubre sa shooting ng Hold Me Close.
Lahad ni Julia: “You know what, it’s just peaceful.
“In Japan, we shot in this place called Saga and Karatsu, which is a peaceful, quiet, calming place in Japan.
“So I feel, like, it’s still the same yung first time ko dun pati yung second time.
“It’s really laidback, slow-paced, and mas nakaka-focus ka kasi wala masyadong distraction. Kahit ingay wala, so masarap mag-shoot dun.”
julia barretto IS NOT USING THIS SUPERPOWER TO HER LOVED ONES
Sa Hold Me Close ay may espesyal na abilidad ang karakter ni Julia na si Lynlyn.
Kapag hinawakan nito ang isang tao ay malalaman niya kung magdudulot ito sa kanya ng saya o sakit.
Given a choice, sinong tao ang gustong hawakan ni Julia para malaman kung magiging masaya siya dito o masasaktan lang siya?
“Yung wala pa sa life namin or nasa life na?” balik-tanong ni Julia.
Paglilinaw ng writer na ito, yung nasa buhay na niya na puwede niyang hawakan anytime.
“Shocks,” ang tumatawang sambit ni Julia. Dagdag niya: “Ang hirap naman nun.”
Hirit ng writer na ito, siguradong kung may ganoon siyang power ay maku-curious siya at gagamitin niya iyon, di ba?
Sagot ng aktres, “Baka sa ano na lang, I feel like the people now, nandito sa life namin… baka sa future na lang gamitin, yung mga pag papasok pa lang sila, ita-try mo na.
“Huwag na yung ngayon, kasi I feel like yung mga nasa paligid namin, that stood the test of time.
“Kumbaga, parang napatunayan na ang loyalty, and parang good naman para sa amin, so far masaya naman tayo, no?
“Mga ganun siguro, in friendships and in work siguro, in the future, kung may ganun lang ability. But for now, parang wala naman.”
ON DREAM SUPERPOWER
At dahil may superpower si Lynlyn sa Hold Me Close, sa tunay na buhay ay gusto ba ni Julia na magkaroon ng katulad na abilidad o may iba siyang nais na superpower?
Sagot niya: “Maybe not this one kasi it really makes you a very guarded person and it’s so isolating.
“Siguro kung may superpower ako, it would be teleportation coz mainly kasi I love to travel and I don’t have that much time.
“So if I could travel for a few hours teleport nandun na ako, wow it would be such a gift,” ang nakangiting sambit pa ni Julia.
Entry sa 50th Metro Manila Film Festival, ang Hold Me Close ay mula sa Viva Films at Ninuno Media, at mapapanood sa mga sinehan simula sa Disyembre 25, 2024.